XV.

5.8K 170 4
                                    

Chandria ♔

Nagising ako dahil sa malakas na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. I tried to sit but my head stings. Hang over.

Nahiga nalang ako ulit at ipinatong yung braso ko sa mata ko. Tss. Ang sakit sakit na nga ng ulo ko, nakikisama pa 'tong araw na 'to. Sino ba kasing nag-bukas niyang bintana?! Hindi ko naman yun binuksan kahapon o kaya nama'y kagabi.

Nawala ang lahat ng iniisip ko nang may narinig akong ingay galing sa baba. Ugh. Baka sila yaya lang. Wala si Mommy eh, nasa Tagaytay. May imemeet lang daw siya dun. Ang layo diba? :/

Nawala nanaman ang iniisip ko nang marinig kong tumunog ang iPhone ko at nakitang nag-text si Mommy.

From: Mommy Min
Good Morning 'nak! :) I'm still here at Tagaytay. Hope you're doing fine. I have a surprise when I get home! I miss you, baby! ;)

To: Mommy Min
Good Morning din, Ma. Ingat ka jan. I'm fine here. What surprise are you talking about? Kailan po uwi mo? I miss you too! :*

After several minutes ay tumunog nanaman ang phone ko at nag-reply na si Mommy.

From: Mommy Min
Kaya nga 'surprise' Chandria, diba? May surprise bang sinasabi agad? I'll be home maybe by Tuesday night. :)

Talaga nga naman si Mommy. Matalinong sumagot. May pinag manahan talaga 'ko! ;)

To: Mommy Min
Smart answer, Ma. May pinag-manahan talaga ako. Haha! I love you, Ma. Take care. :)

Pagkatapos kong isend yun ay dumiretso na 'ko sa CR para gawin ang morning rituals ko. It's sunday at wala naman akong gagawin... english form. Oo nga pala! Yung activity sa English! Magkikita nga pala kami ni Padilla ngayon!

I looked at the clock and it's 10:40 in the morning already! Wth! Sabi ko kagabi 8:00 ng umaga kami magkikita. Sht. I grabbed my phone and texted him.

To: DJ Padilla
Hey, I'm sorry, I told you we'll meet at 8:00 but I woke up late today so... Starbucks later, 11:30AM. The one near our university. Bring the form in english. See you.

After texting, I went to my closet and grabbed some jeans and my batman shirt. -- Well, batman's one of my fave superheroes, fyi. I also wore my pair of black vans shoes and put some powder on. I don't feel like wearing girly dresses nor crop-tops today, and DJ? He's not the kind of guy na kailangan mo pang maging maganda para mapansin ka niya. For him, being simple is beautiful.

*

I went out of my car as soon as I parked my Lexus in the parking lot. Nag-lalakad ako papasok ng Starbucks kung saan kami magkikita ni DJ for our english activity.

"Welcome to Starbucks, Ma'am!" bati sakin nung guard at may binigay na sticky note, Starbucks design na sticky note. Tinignan ko yun at may nakalagay ditong, "Smile! =)"

Iisipin ko na sana kung kanino yun galing pero nang nakita kong binigyan din ni Manong Guard yung couple na kasunod kong pumasok sa SB ay binalewala ko nalang yung tanong sa isip ko.

Nagpa-linga linga ako pero di ko maaninag si DJ kaya naman nag-order muna ako sa counter at nag-hanap ng mauupuan ko. Tatawagin nalang daw yung pangalan ko pag order ko na yung iseserve. Nang maka-upo na ko ay tinext ko agad si DJ.

To: DJ Padilla
Where are you? It's 11:25 already. Was hoping you'll be here as early as me.

Pagkatapos kong isend yun ay agad din naman iyong nag vibrate, nagreply na si DJ.

That Nerdy ChicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon