DJ ♕
"I'm back.." bulong ko sa hangin nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko sa NAIA.
7 months din akong nawala at sa loob ng 7 months na yun madaming nag-bago.
"Daddy!!!" tawag sa'kin ng anak kong si Dash.
Bumaba ako ng kaunti para maka-pantay ko siya. "Yes, little guy? What do you want?"
"Daddy, it's too hot here. Can we go back to England?" demand niya kaya napatawa ako.
"You'll get used to this in time, little guy." sabi ko at binuhat na siya.
"Ay? So, ako pala mag-bibitbit nito?" napalingon naman ako kay Yassi na nakatayo sa di kalayuan at nakatingin ng masama sa'kin.
"Dalhin mo na! Dala ko kaya anak mo!" natatawa kong sabi.
Nag-pout siya, "Inaaway niyo ko. Nakakainis."
Napa-iling nalang ako at lumapit sa kanya para kunin ang ilan sa dala niya. Para siyang bata...
"Little guy. Can you go down first? I'll help mommy carry our things kasi." paki-usap ko kay Dash.
Tumango naman siya, "Okay po."
Binaba ko siya at pinakapit sa laylayan ng shirt ko. Nauuna si Yassi mag-lakad at naka-sunod naman kami ni Dash.
Napansin kong lumapit si Yassi sa isang babae, kakilala niya ata. Kaya huminto din ako.
"Hi Liza! Nice to see you here!" rinig kong sabi ni Yassi sa babae.
"You too! It's been a while! So.. tell me something I need to knooow~" sabi naman nung Liza at tumingin sa'kin.
"Ah. Yeah. This is DJ, and this---" napatigil si Yassi sa pag-sasalita at tumingin sa'kin. "Si Dash?"
Napalingon naman ako sa pwesto niya kanina pero wala nga si Dash! "Wait, I'll be back. Hahanapin ko lang." sabi ko at nilapag yung mga gamit namin bago ako tumakbo para hanapin si Dash.
Naikot ko na ata yung buong airport pero wala si Dash. Huminto muna ako sa isang gilid para huminga dahil hiningal ako kahahanap. Nakakaba din kasi.
"Daddy!" napa-lingon lingon ako nang marinig ko yung boses ng anak ko.
Nakita ko siyang karga ng isang babae na naka-shades, naka-ombre ang buhok niyang hanggang balikat at kasing edad ko lang ata. "Daddy, ni-bigyan ako ng chocolates ni... hmm... ni future girlfriend!" sabi ni Dash.
Ngumiti naman yung babae sa'kin. "Anak mo?" tanong niya.
"Oo eh." sabi ko at napa-kamot sa batok ko. "Pasensya na sa abala, Miss."
Inabot naman niya sa'kin si Dash.
"Sa'n ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap!" sabi ko kay Dash.
Nag-pout naman siya. "Ni.. ano.. nisundan ko si future girlfriend kanina eh... nikita ko kasi yung... hmm... chocolate niya."
"Future girlfriend? Ba't future girlfriend tawag mo sa kanya?" tanong ko kay Dash sabay tingin sa babaeng nag-dala sa kanya dito. Tinitignan lang kami nito na parang winiwish din niya na magka-moment na gan'to.
"Kasi... Ano... Maganda kasi siya daddy eh. Nigugusto ko siya maging future girlfriend. Hehehehe." sabi ni Dash at napatawa siya.
Tumunog naman yung phone nung babae kaya napatingin kami ni Dash sa kanya. May binasa lang siyang text tapos tumingin ulit sa'min.
"Pa'no ba yan future boyfriend? Aalis na future girlfriend mo!" sabi nung babae kay Dash.
"Eh? Bakit niaalis ka na agad, future girlfriend?" tanong ni Dash.
"Hinahanap na 'ko ng kuya ko eh." sagot naman nung babae kay Dash.
"Aww." nag-pout nalang si Dash.
"Sige, mauna na 'ko ah?" sabi nung babae.
"Teka lang... Ano... Salamat pala sa pag-hatid kay Dash... tsaka, pwede bang makuha pangalan mo?" tanong ko.
"Sure." sabi niya at tinanggal niya yung shades niya na ikinagulat ko. "I'm Chandria Bernardo. Nice meeting you... uh..."
"Daniel Padilla."
"Okay! Nice meeting you Mr. Daniel Padilla! I'm sorry di na 'ko pwede makipag-daldalan ng matagal. I gotta go." sabi niya at tumango nalang ako.
"Teka lang, future girlfriend! Nikikiss mo dapat si future boyfriend diba?" pahabol pa ni Dash.
Natawa si Chandria at lumapit kay Dash para halikan sa cheeks. "Oh, babye na future boyfriend ah? Sana mag-kita pa tayo ulit!" sabi ni Chandria at tumalikod na.
"See? Danda ni future girlfriend ni Dash, Daddy! Hahahaha." natatawang sabi ni Dash.
Oo nga, baby. Ang ganda ni Chandria. Pero bakit... di niya 'ko nakilala?
Chandria ♔
"Sa'n ka ba nanggaling?" tanong sa'kin ni Kuya pagka-pasok ko sa kotse.
"May hinatid lang na bata, kuya. Kawawa naman, naligaw eh." sabi ko at tumango lang siya.
Ilang minuto akong natahimik nang na-realize ko nalang na nag-kukwento na pala ako kay Kuya.
"Kuya.. nakita ko ulit siya." sabi ko kaya napalingon siya bigla sa'kin.
"Ha? Sinong siya? You mean..." di pa natatapos ni Kuya yung sentence niya ay tumango na 'ko.
"Si DJ, kuya. Nakita ko ulit siya." sabi ko.
"Tsk. Yung gagong yun.. Anong nangyare? Nakita ka ba niya? Nag-usap ba kayo? Anong sinabi mo?" sunod-sunod na tanong ni Kuya.
"Nakita niya 'ko. Nag-usap kami, nag-kunwari akong di ko siya kilala.." pag-kukwento ko.
"Ha? Ba't mo ginawa yun?" tanong ni Kuya.
"Natakot ako kuya. Natakot akong malaman na may iba na. Na hindi na ako." sabi ko at naramdaman ko nalang yung mga nangingilid na luha sa mata ko.
"Hindi ka pa naka move-on sa kanya?" tanong ni Kuya at umiling lang ako.
"Walang mangyayare kung tatakasan mo ang realidad, Chandria. Haharapin at haharapin mo pa din yan kahit anong mangyare sa kahit anong pwedeng paraan."
"Alam ko, Kuya. Kaya lang.. di pa 'ko handa na harapin yung reality kuya. Not yet." sabi ko.
Napa-buntong hininga siya, "Oh eh, anong nangyare dun sa bata na naligaw? Naibalik mo ba sa magulang niya?" pag-babago ni Kuya sa topic.
Tumango ako at naramdaman kong tumulo yung mga luha sa pisnge ko, "Naibalik ko, Kuya. Naibalik ko sa Daddy niya... Kay DJ."
Tuluyan na 'kong humagulgol dahil sa sinabi ko. Umusog si Kuya para yakapin ako at umiyak lang ako sa balikat niya.
Akala ko may babalikan pa 'ko.
Akala ko ako parin.
Akala ko ako lang.
Akala ko ipaglalaban parin niya yung 'kami'.
Akala ko joke lang lahat ng sinabi niya nung araw na yun.
Akala ko dahil kay Daddy lang lahat.
Totoo pala yun no? Yung madaming namamatay sa maling akala? Kasi unti-unti nang namamatay 'tong puso ko dahil sa sakit.
Ano, Chandria? Kaya pa ba? Kasi yung puso mo, bibitaw na.
BINABASA MO ANG
That Nerdy Chic
Fanfic"I fell in love the way you fell asleep: Slowly, and then all at once." #TNCwp