XVIX.

5.1K 144 6
                                    

Chandria ♔

Nagising ako dahil sa ingay na galing sa cellphone ko. Umupo ako sa kama at tinignan kung ano yun... alarm? Ay, shoot! May pasok nga pala ngayon! It's Monday!!!

Agad akong pumasok sa CR at naligo, ginawa ko na lahat ng morning rituals ko at bumaba na. Naabutan ko naman si Mommy na nag-luluto sa kusina.

"Mi! Di na po ako kakain ng breakfast! Male-late na po ako eh! Bye mi!" sigaw ko at lumabas na ng bahay.

Napahinto ako nang makita ko yung sasakyan ni Padilla sa labas ng gate namin. Nakasandal pa siya dun.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makalapit ako sakanya.

"Oh, nanjan ka na pala. Hinihintay kasi kita." sagot niya.

"At ba't mo naman ako hinihintay?"

"Para sabay na tayo pumasok."

"May kotse ako."

I heard him sighed, "Chandy, I'm sorry."

"Nah, wala ka naman kasalanan. Pinilit ko lang kasi yung gusto ko kaya ayun, di ata tayo nagka-intindihan. Sige, male-late na kasi talaga ako eh."

Pumasok na 'ko sa kotse ko at bumusina dahil naka-harang yung kotse ni DJ sa dadaanan. Agad din naman niyang ini-atras yun kaya inatras ko na din yung sa'kin. Nang maka-labas na 'ko ng gate ay agad ko nang pinaandar yung kotse ko paalis.

Tumigil muna ako sa tapat ng stoplight dahil naka-red pa yun. Nag-vibrate naman yung phone ko kaya tinignan ko kung sino yung nag-text.

From: DJ Padilla
Dahan-dahan lang sa pag-ddrive. I know you're still pissed and I'm sorry, baby. See you at school.

Baby?! Baby, nanaman?! Ilang beses ko na bang sinabi sa kanya na wag akong tawaging baby dahil hindi nga ako sanggol, at lalong hindi pa naman kami!

Hindi ko siya nireply-an at inilapag ko nalang yung cellphone ko sa shot-gun seat katabi ng bag ko.

Diniretso ko na yung kotse ko nang mag-green light na at habang tumitingin ako sa side mirrors ay nakikita ko yung kotse ni DJ. Binabantayan talaga niya 'ko ah? Psh. Bahala siya jan.

Nang maka-rating ako sa school ay pinark ko nalang ng maayos yung kotse ko at nag-mamadaling tumakbo papunta sa classroom. 10 minutes late na 'ko para sa 1st subject eh.

Hingal na hingal akong dumating sa classroom at na-dismaya nang wala akong nakitang prof. Sabi ng mga kaklase ko ay nagka-meeting daw yung profs hanggang sa pang 3rd subject na time namin. Foundation week na nga pala next week kaya halos lahat busy na para sa preparations.

Kanina pa 'ko palinga-linga dahil 30 minutes na ang lumipas pero wala parin si DJ. Sa'n ba nag-punta yun? Kanina lang ka-sunod ko pa yun ah? Wala naman din sila Julia at Miles kaya naman wala akong maka-usap.

"Huy, Chandria. Hinahanap mo si Daniel noh? Kanina ka pa pa-linga linga eh." agad akong napatingin sa kumausap sakin, It's Jinnel. Isa sa mga girl classmates ko.

Tinaasan ko naman siya ng kilay, "Excuse me? Hindi noh! Ba't ko naman hahanapin yun?"

"Ikaw naman, Chandria. 'Yes' lang naman dapat isasagot mo, pinahaba mo pa sasabihin mo. Anyway, concerned lang naman ako sa'yo." sabi pa niya.

"At bakit naman?" tanong ko.

"Eh nakita ko kasi si Daniel kanina, kasama yung isang alipores ni Cheska. Ano nga pangalan nun... Uhh... Michelle! Oo, tama. Si Michelle! Yun lang. Hehe. Sige, bye." sabi niya at tinalikuran na 'ko.

Walang hiyang lalaki yun! Kanina ko pa hinahanap, nakikipag-landian lang pala sa iba! May pa-ligaw ligaw pang nalalaman, wala pa ngang kami, nambababae na agad!

Dala narin siguro ng inis ko sa kababawan niya kagabi at sa kalandian niya ngayon. I texted him.

To: DJ Padilla
Kalimutan mo nang pumayag akong magpa-ligaw sa'yo. Liar. Jerk. I hate you.

Dumating ang break time pero wala pa din siya. Enjoy na enjoy ba kasama yung Michelle na yun? Tss. Bakit ko ba kasi nararamdaman 'to?! Bakit ko ba namimiss yung lalaking 'yun?! Grr.

"Alam mo Chandria, inlove ka na kay DJ pero idinedeny mo lang." napatingin naman ako sa nag-salita.

"Ikaw nanaman?!" It's Jinnel. Again.

"Yeah. Hehe, pasensya na kung sulpot ako ng sulpot. Napadaan kasi ako tapos narinig kong bumubulong ka." tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Alam mo, Chandria. Love naman na 'yang nararamdaman mo para kay DJ, di mo lang maamin sa sarili mo kasi nga takot ka na baka kagaya siya ni Enrique."

"Are you some kind of a mind reader huh?"

"Hindi naman, nafefeel ko lang. Sige, kain lang ako." paalam niya saka nag-lakad palayo.

Inlove? I'm not inlove with DJ! I won't be inlove with that jerk! I can't be inlove! No, just... no!

Buong araw kong hinintay yung text o tawag ni DJ pero wala parin. Hanggang sa maka-uwi ako sa bahay, hindi rin daw pumunta dun. Nag-bihis muna ako bago umupo sa kama. Nag-twitter nalang ako. I tried doing an indirect to him.

chandybrnrds: I really hate you rn. :|

Agad namang may mga nag-retweet, fav at requote nun. May mga nag-reply pa nga pero ni-isa dun, wala parin siya!

→ jujuxmontes: Sino yan, Kath? chandybrnrds

→ milyaxocampo: Share naman, bebe. chandybrnrds

Nag-reply lang ako ng 'I'll tell you soon.' at mag-lolog out na sana nang makita ko yung tweet nung Michelle na yun. Hindi na sana ako maniniwala sa sinabi ni Jinnel kanina pero ito, yung babae pa talaga mismo ang nag-post ng ibidensya!

michxvito: Thanks for today, deejaypdlls! :*

Nakita ko yung mga nag-tatanong kung boyfriend daw ba niya yun, anong status nilang dalawa at lalo naman yung tweet ni Cheska.

barrettocheska: Oh? Break na sila ni Nerdy Girlfriend? Aww. Sabi na nga ba, walang seseryoso dun eh. michxvito

→ michxvito: Ligawan stage pa lang sila, girl. Paanong mag-bbreak? barrettocheska

→ barrettocheska: Whatever. Anyways, you're better than her naman. michxvito

→ michxvito: I know right! barrettocheska

Di ko na tinignan yung mga sumunod pa nilang conversation at inexit ko na yun. Bumalik nalang ako sa profile ko at nag-tweet ulit.

chandybrnrds: You may be better, but I'm always the best. Always remember.

Pagka-tapos kong itweet yan ay bigla namang tumunog yung DM tone ng phone ko.

jnlxx: Chandria, online si DJ ah?

chandybrnrds: Ikaw nanaman?! Hanggang dito ba naman?! Anyways, he's not online.

jnlxx: Huh? Eh sino yung nag-fave ng tweet ni Michelle?

chandybrnrds: He faved it!?

jnlxx: Oo, ito nga oh. ((Multimedia))

I did not bother to reply. Ganun na pala siya ngayon? Pagkatapos niyang sabihing gusto niya 'ko ligawan, ganun nalang yun?! Buong araw akong hindi mapakali dahil sa kanya tapos nakikipag-landian lang naman pala siya sa Michelle na yun?! What the heck.

Damn this feeling. Damn this heart. Damn it, I'm really... inlove.

That Nerdy ChicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon