XXXI.

3.6K 105 7
                                    

Chandria ♔

"Tignan mo yung nangyare sa anak mo! Ipinag-pilitan mo pa kasi yang lintek na investment mo sa mga Gil!" rinig kong sigaw ng isang babae.

"Wag mo 'kong masisi-sisi Min! Para din sa anak mo 'to!" sigaw naman ng isang lalaki.

"Anong para sa anak mo?! Tignan mo siya ngayon! Yan ba? Yan ba ang gusto mo para sa anak mo?!"

Unti-unti kong binuksan yung mata ko at puting kisame agad ang nakita ko. I blinked twice at medyo inisip pa kung bakit nasa ospital na naman ako.

Nang maalala ko ang mga nangyare ay agad akong napa-upo at agad ding napa-daing nang makaramdam ako ng sakit sa ulo. Hinawakan ko ito at may bendang naka-lagay.

Medyo kumirot yung ulo ko at nakita ko ang ilang sugat sa magka-bilang braso ko.

"Anak! Buti naman at gising ka na!" sabi ni Mommy sabay lapit sa'kin.

Si Daddy din lumapit pero hindi ko siya pinansin. Siya may kasalanan ng lahat ng 'to.

"Baby, matulog ka pa. Kailangan mo pa mag-pahinga." sabi sa'kin ni Mommy pero umiling ako.

"Si DJ, Ma?" tanong ko.

"Matulog ka na, Chandria." singit ni Dad.

Hindi ko siya pinansin at tinignan ko si Mommy. "Ma, si DJ? Nag-CR lang ba? Umuwi? Kumuha ng damit? Ma, sagutin mo 'ko!"

Naiinis na 'ko. Walang sumasagot!

"'Nak, mas mabuti pang mag-pahinga ka na mu---" pinutol ko yung sasabihin ni Mommy.

"MA! ASAN SI DANIEL?!" sigaw ko at nakita kong parang nagulat si Mommy.

"Nasa airport---"

"Bakit nandun siya, Ma?!" tanong ko na naman. Ba't nasa airport si DJ? May susunduin ba siya?

"Aalis na siya, Chandria." sabi ni Daddy kaya agad akong napa-tigil. Aalis?

"Hindi! Hindi pwede! Dalhin niyo 'ko kay DJ! Hindi siya pwedeng umalis!" frustrated kong sigaw. "Ma, yung phone ko? Ma, tatawagan ko si DJ!"

"Mag-pahinga ka---"

"Ma naman eh! Yung phone ko! Kakausapin ko si DJ!" inis kong sigaw.

Binigay naman sa'kin ni Mommy yung phone niya. Buti nalang at memorize ko yung number ni DJ kaya dinial ko yun. Nag-ring naman kaya medyo naka-hinga na 'ko ng onti.

("Hello, Tita?") sagot niya sa phone.

"DJ!" tawag ko sa kanya.

("Teka-- C-Chandria?") gulat na tawag din niya sa pangalan ko.

"DJ! Bakit ka nasa airport? Bakit ka aalis? Sa'n ka pupunta? Bakit iiwan mo na 'ko?! Diba walang iwanan! DJ!" naiiyak kong sabi.

("C-Chandria, b-break na tayo diba?") pag-papaalala niya.

"Oo! Alam ko! Pero bakit kailangan mo umalis?!"

("Sa England kami ikakasal ni Yassi, Chandria.")

"Ikakasal?! Anong ikakasal?! DJ! Nasa hospital ako! Di ako okay! Diba sabi mo hindi mo ko bibitawan hangga't di ako okay?! DJ, please! Wag ka na umalis! Di ko kaya! You can stay here, hindi na kita guguluhin. Loving you from a far wouldn't hurt as long as I can see you. Dee---"

("Chandria, I have to go. Tinatawag na yung flight namin. Please... take care of yourself.")

"No! DJ, wag! Hinde! Hindi ko kaya! DJ!!!" I began sobbing hard at nag-hyhysterical na din ako dahil hindi siya pwedeng umalis. Hindi!

"Baby, please keep calm." sabi ni Mommy na kina-inis ko.

"How can I?! Ma, si DJ! Iiwan ako ni DJ!" sigaw ko.

"Jan ka lang, tatawagin naminyung doctor." sabi ni Daddy at lumabas sila pareho ni Mommy. Leaving me all alone.

Napa-diin yung hawak ko sa cellphone. Kathryn is back. Yung mahina at walang labang, Kathryn.

"...Let's break up, Chandria."

"Hindi kita minahal. Hindi na ulit..."

"Please take care of yourself.."

"AAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!" malakas kong sigaw bago ibato sa kung saan yung hawak ko cellphone.

"Hindi ko na kaya!!!!!!"

"Ayoko naaaa!!!!!!!"

Nag-habol ako sa hangin nang maramdaman kong sumikip yung dibdib ko. Napa-sandal ako sa headboard ng hospital bed ko at ipinatong yung kanang kamay ko sa kaliwang dibdib at pinakiramdaman yung heartbeat ko.

Para akong hinihingal at ang bagal ng tibok ng puso ko. Napatingin pa 'ko sa pinto dahil narinig ko itong bumukas and for a moment ay parang nakita ko si DJ na nakatayo dun. My view was blurry dahil narin sa mga luha, baka doctor lang. "D.. Di ko na kaya..." yun lang ang huli kong sinabi bago ako pumikit at unti-unting nag-palamon sa antok.

Third Person ♤

"DJ..." tawag ni Chandria sa pangalan ng lalaking mahal habang nakatingin sa mga teddy bears sa gilid ng kwarto niya. "DJ, nakatingin sila sa'tin oh!" sabi niya na parang may kausap at tinuro yung mga teddy bear.

Humagikhik ito. "Bagay daw kasi tayo... pareho tayong nerd. Hihihi."

Nakasuot ito ng braces at nerd glasses. Nahanap niya kasi ang mga ito nung nag-general cleaning yung katulong nila sa bahay.

Napatigil sa pag-tawa si Chandria nang may kumatok sa kwarto niya.

"Chandria, buksan mo 'tong pinto." sabi ng Kuya niya mula sa labas.

Dali-dali namang pumunta sa pinto si Chandria at binuksan iyon.

"Hi Kuya! Nag-uusap lang kami ni DJ. Hihihi." sabi ni Chandria habang iniikot ang ilang hibla ng buhok sa hintuturo niya.

"DJ? Chandria, matagal nang umalis si DJ!" sigaw sa kanya ng kuya niya.

"Huh?" bumalik ang tingin ni Chandria sa kama niya na wala namang katao-tao.

"Shhh! Kuya, andun siya! Nakakahiya ka naman eh. Baka sabihin niya, di mo siya nakikita!" at nilagaypa niya yung hintuturo niya sa harap ng labi niya at nag-shh sa kuya niya.

"Chandria, matagal nang umalis si DJ! Stop dreaming!" sigaw ng kuya niya at mariin siyang hinawakan sa magka-bilang braso.

"Kuya! Nasasaktan ako!" inalis ni Chandria ang hawak sa kanya ng kuya niya at sinarhan ito ng pinto.

Napa-takbo siya sa CR ng kwarto niya at umupo sa ilalim ng shower habang naka-bukas iyon. Nababasa na siya habang naka-damit pero parang wala lang siyang pakielam.

Tumayo siya at lumapit sa lalagyan ng mga sabon at may nakitang matulis na blade doon.

Napa-hagikhik muli si Chandria at pumunta sa shower.

Umupo siya sa ilalim ulit habang nababasa na.

"Wala na si DJ... Hihihi... Iniwan ako." kumunot yung noo niya. "Di ko naman sinabing okay ako, pero bakit binitiwan parin niya 'ko?" sabi niya at sinimulang idiin ang blade sa pala-pulsuhan niya.

Kasabay ng pag-patak ng tubig ng shower sa kanya at ng dugo niya sa sahig ay tumulo din ang mga luhang ilang araw na niyang pinipigilang lumabas.

"Iniwan ako... Napagod na sa'kin..." sabi niya at binitawan na ang blade.

Naramdaman niyang mamanhid ang braso niya pero wala na siyang pakielam. Itong braso ko, parang yung puso ko. Namamanhid pag nasusugatan.

Hinayaan niyang bumulwak ang dugo mula sa kanyang pulso kasabay ng pagka-manhid ng kanyang buong braso, at ng kanyang puso.

That Nerdy ChicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon