XLI.

3.6K 104 10
                                    

Chandria ♔

Nakuha ko na si Tin-tin sa Orphanage at legal na siyang Bernardo. I named her Kristyn Chanel Bernardo. She said she hates the name Danielle, kaya pinilit niya 'kong palitan 'yun.

Bukas na ang alis namin nila Kuya at Tin-tin papuntang Paris at posible pa namang mag-bago ang desisyon ko kung ako ang pipiliin ni DJ at hindi sila Yassi.

I want to be selfish. Kahit ngayong pag-kakataong 'to lang. I have the rights to be selfish. Dahil ilang buwan ding ipinag-kait sa'kin ni Yassi ang maging masaya.

Maybe she knew about all of this. Maybe she planned it all out. Maybe she's insanely inlove with DJ kaya hindi niya ipinaalam ang tungkol sa DNA test.

Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko dun si Kuya na nanunuod sa sala. Hawak ko si Tin-tin sa kamay at nakatingin lang siya sa paligid.

"Wooow..." sabi niya kaya napalingon si Kuya sa'min.

"Uy, Kath! Nanjan ka na pala." tumayo si Kuya at lumapit sa'min.

"Ito na ba si Tin-tin?" tanong niya at tumango ako.

Lumuhod ako para maka-pantay ko si Tin-tin, "Tin.. siya yung Tito Kevin mo, Kuya siya ni Mommy Kath."

Humarap naman si Tin-tin kay Kuya at ngumiti, "Hello pooo!"

Lumuhod din si Kuya para maka-pantay si Tin-tin at kinausap niya yun, "Hello! Ako si Tito Kevin, kapatid ako ni Mommy Kath. Ikaw, anong name mo?"

"Khistyn Tsanel Bernardo po! Baby girl po ako ni Mommy Kath." masayang sabi ni Tin-tin.

"Ang ganda naman ng name mo. Ilang taon ka na ba?" tanong ulit ni Kuya.

"Three po." tapos pinakita niya yung apat na daliri niya kaya natawa kami ni Kuya.

"Four yan eh!" ibinaba naman ni Kuya yung isang daliri niya.

"Magugustuhan ka ni Akira, for sure." sabi ni Kuya then he patted Tin-tin's head.

"Sino po yun?" tanong ni Tin-tin.

"Baby girl ko din yun!" masayang sabi ni Kuya.

"Kailan siya makikita po ni Kishtyn?" tanong ulit ni Tin-tin.

"Bukas. Pag sakay natin ng airplane."

"Wooow! Sasakay ng airplane? Yeyyy!" at pumalakpak pa siya.

Tumayo naman si Kuya at pinapunta si Tin-tin sa couch. Manunuod daw sila ng Disney Channel.

"Kuya... paki-bantayan muna si Tin-tin." sabi ko kay Kuya nang makalayo si Tin-tin sa'min.

"Bakit? Sa'n ka ba pupunta?" tanong ni Kuya sa'kin.

"Makikipag-kita lang ako kay DJ." sabi ko.

"Ha? Ba't kikitain mo pa yung ga*ong yun?!" kumunot pa yung noo niya.

"Kuya, gusto ko namang maayos na ang lahat sa'min ni DJ bago ako magpaka-layo layo."

Tumango naman siya, "Sige, kung 'yan ang gusto mo. Mag-ingat ka."

Nginitian ko lang si kuya at nag-paalam na din ako kay Tin-tin.

Umakyat muna ako para kunin yung envelope na nag-lalaman ng DNA test at lumabas na.

Masaktan man ako sa kalalabasan nitong desisyon ko, ayos lang. Atleast, I fought. Atleast for once in my life, I can say that I chose to be selfish for love. I chose DJ than anything else.

***

Umupo na 'ko sa isang upuan at umorder na sa waiter. Pagka-tapos kong umorder ay tinext ko na si DJ.

To: Daniel
I'll be waiting.

Pagka-send ko ay tumingin nalang ako sa labas. Kung anu-ano nang posibilidad ang naiisip ko. Fcking calm down, Kathryn Chandria!

I've waited for 30 minutes pero wala parin siya.

1 hour.

1 hour and 30 minutes.

2 hours.

2 hours and 30 minutes.

3 hours.

Nilapitan ako ng waiter at sinabing wala na daw maupuan yung ibang customers kaya kung okay lang daw ay umalis na 'ko.

Naintindihan ko naman siya kaya lumabas na 'ko. Pumasok nalang ako sa kotse ko at dinial yung number ni DJ.

Ilang minuto pa ay may sumagot na. Thank goodness!

"Hello, DJ! Where the hell are you? Nandito parin ako sa--" naputol yung sasabihin ko nang makarinig ako ng hindi kaaya-ayang mga tunog.

("Uhh... Hmm... D-DJ... S-shit... Ugh...")

Pinatay ko agad ang tawag at nanginginig na tinakpan ang bibig ko para mapigilan ang malakas na hikbing gustong kumawala.

Tears started rolling down my face. Kahit pala pinili kong ipag-laban siya, yung kami, ako parin yung talo. They're doing it. And it just fcking hurts.

Nag-drive na 'ko paalis ng restaurant at nag-punta sa dati kong school. May pasok kaya nama'y bukas yung school. Pinapasok naman ako nung guard, buti naman at kilala pa niya ako.

Pinark ko yung kotse ko sa Parking Lot at dumiretso ako sa garden. I looked for the tree with Din-din and Chan-chan carved on it. Inilabas ko yung gunting sa bag ko at sinimulan kong burahin ang pangalan ko dun.

Inabot ako ng 15 minutes sa pag-tanggal nun, without knowing na umiiyak na pala ako. Nanaman. Umiiyak na naman ako. Damn these tears!

Umiyak lang ako ng umiyak habang tinitignan ang pangalan na natirang naka-carve sa puno. Din-Din.

Who would have thought that our love story will end up this way? Masyadong bitter! Masyadong tragic!

I always tell him nung nerd pa kami na kung magiging ako ang bida sa sarili kong storya, gusto ko happy ang ending.

Everybody deserves a happy ending; sabi nga nila. And I know, deep in my heart and my mind. That if it's not yet happy, then it's not yet the ending.

That Nerdy ChicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon