Napatitig ako sa salamin nang makita ang mukha ko. Mahaba ang straight kong buhok. Kay Tamara ay paalon-alon ang mahaba nitong buhok.
Pareho naman kaming maputi. Iyon nga lang ay natural na pumupula ang pisngi ko kaya mukha akong may sun burn lagi. Malaki ang dibdib nito kumpara sa akin na forever 32A.
Mas maganda rin ang pananamit nito. Ako kasi ay laging tshirt at jeans lang.
Napabuntong hininga ako. Eto nanaman ako, kinukumpara ko nanaman ang sarili ko sa kanya.
"Bumaba kana diyan, Tamara. Huwag kang feeling donya!" sigaw ng tatay ko mula sa labas ng kwarto.
Isinuot ko ang ripped jeans at White Levis shirt saka sinuot ang white sneakers ko.
Pagkababa ko ng kwarto ay sinalubong ako ni papa ng matalim na tingin.
"Bakit ba ang tagal tagal mong bumaba?" inis na tanong nito sa akin
"Sorry po pa" naupo na ako sa hapag saka sumalo sa umagahan.
Tortang talong at hotdog ang niluto ni mama. Tahimik akong kumain. Hindi ako komportable sa presensya ni papa dahil mahigpit ito sa akin.
Parang lahat ng galaw ko ay binabantayan niya. Isang maling galaw ay pinupuna niya.
Nakahinga na lamang ako ng maluwag nang makalabas ako ng bahay. Nagjeep ako papasok ng university. Sa back gate na ako bumaba dahil mas malapit ang klase ko doon kumpara kung sa front gate pa ako dadaan.
Napahiyaw ako sa gulat ng malakas na bumusina ang nasa likod ko. Nagdilim ang paningin ko nang makitang si Brandon iyon.
Taray, ganda ng sasakyan.
"Masyado kang magugulatin, Tammy" nakangisi nitong saad saka hinagod ang mahaba nitong buhok
Feeling close ang kambing na ito
Imbes na barahin ay hindi ko na lamang iyon pinansin. Masisira pa ng poise ko sa lalaking iyon. Pinili kong ituloy nalang ang paglalakad na tila wala akong narinig.
Malalim ang huminga nang sabayan ng kotse niya ang paglalakad ko.
"Umalis kana, I don't talk to animals" pigil na galit kong sabi nang hindi siya tinatapunan ng tingin
"I have a proposal for you" he said
Napatingin ako sa kanya
"Ano yan, aalukin mo ako ng kasal? No thanks" tanggi ko sa kanya
Napailing ito na tila nandidiri pa sa sinabi ko. Edi don't as if naman papakasalan ko rin siya.
"Let's say, a business proposal" nakangisi niyang sabi tila may kakaibang balak
"Kung aalukin mo akong mag Front Row ayaw ko. Hindi ako open minded!" asik ko sa kanya saka binilisang maglakad.
Sa may parteng shed na ako naglakad para hindi ito makalapit total ay makitid ang daan dito at hindi kakasya ang sasakyan niya.
Diretso practice agad ako pagkatapos ng klase. Nalalapit na kasi ang Annual Sports Fest kung saan ang iba't ibang schools ay dumadalo rito para sa iba't ibang sports competition.
At competitive ang school namin. Gustong makuha ng university ang championship sa football at volleyball kaya puspusan ang training namin.
As usual ay maggagabi nanaman natapos iyong practice. Nagshower muna ako bago lumabas ng locker room. Suot suot ang jersey at extra shorts ko habang nakasabit sa balikat ang bag ko.
Napalingon ako nang may humablot sa bag ko at saka ikinawit iyon sa kanya.
"Kamusta ang paa mo, Tammy?" nakangiting tanong ni Sebastian sa akin.
BINABASA MO ANG
Journey To The Stars (OPM Series #1)
HumorDahil sa iisang pangalan ay tila parusa para kay Tamara ang maging kapangalan niya ang perpekto at napakagandang si Tamara. Oo, dalawa silang Tamara. Isang maganda at biniyayaan at isang napabayaan. At ikaw, malas ka dahil ang babasahin mong kwento...