"Sta. Mayor, Lady Wolves daw" nabalik ako sa huwisyo nang tawagin kami mga BAU volleyball players.
Opening ng Sport Fest ngayong araw at ipinapakilala ang bawat team. Nakasuot kami ng Red dahil iyon ang opisyal na kulay ng university.
Suot namin ang uniporme at jersey habang naglalakad papuntang stage.
Naghiyawan ang mga taga BAU, may mga hawak silang pulang mga long balloon at lahat ay naka pula rin. Dahil dito gaganapin ang Sports Fest ay mas marami ang suporta namin mula sa mga manonood.
"And now the Bad Wolves are here!" narindi ako sa lakas ng sigaw. Pati ang mga taga ibang university ay nakikisigaw.
Naglakad papunta sa stage ang BAU football team na pinangunahan ni Sebastian. Parang mga modelo ang dating ng mga ito. Hindi mo masisisi ang mga manonood sa paghiyaw lalo na't nakauniporme ang mga ito at may tatlong pulang line na hula ko'y mula sa face paint.
Agad sumama ang timpla ko nang magtama ang tingin namin ni Brandon. He smiled devilously.
"Tangina mo" I mouthed then he laughed
Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi nito. Mamaya pa man din ay may game kami.
Nasa locker room ako naghahanda para sa game. Kanina ko pa hinihintay ang text ni Ethan. Tinanong ko kasi kung manonood ba ito sa game. Open ang BAU para sa mga dayo kaya napakarami talagang tao.
"30 minutes nalang game na. Bumalik ka agad" paalala ni coach sa akin.
Lumabas muna ako para makapagpahangin. Panay ang tingin ko sa phone ko.
Masyado ata akong nagpapaapekto sa sinabi ni Brandon. Pero what if, hindi ba?
Napabuntong hininga ako saka naupo sa white bench.
Tanaw mo dito ang field at kasalukuyan ng nag-aayos ang mga empleyado dahil maya-maya ay magsisimula narin ang game.
Nanliit ang mata ko ng mamataan si Tamara.
"Bakit 'ganon ang isang 'yon?" Bulong ko nang makitang tila nag-iingat itong hindi makilala habang naglalakad.
Panay ang tingin niya sa paligid at tinatago ang mukha habang naglalakad papuntang parking lot.
"Tammy!" Nawala ang atensyon ko kay Tamara nang makitang papalapit sa akin si Sebastian.
Hinagod nito ang buhok nang makarating sa tapat ko saka ngumiti ng malawak. Jusko, sino ang nagsabing walang perpektong tao?
"Goodluck sa game mo" he said smiling
"Thank you, good luck rin sa inyo. Manifesting mananalo kayo for today's video" I said smiling
"Sana nga."
Inilibot nito ang tingin
"Nakita mo ba si Tamara?" tanong nito sa akin
Nagtataka ko siyang tinignan "Bakit sakin mo hinahanap jowa mo?" tanong ko
"Kanina ko pa siya hinihintay sa locker room, baka lang nakita mong napadaan dito" sagot niya
Opposite way ng locker room ang parking lot. Sa kaliwa ko ang parking lot at sa kanan naman ang papuntang locker room. Huwag mo sabihing-
"Never enough talaga ang lahat para kay Tamara" bulong ko
"Hindi eh." Sagot ko
Mapuntahan nga 'yang si Tamara mamaya sa parking lot.
"Captain!" pareho kaming napalingon.
"Tawag ka ni coach" saad ng lalaki kay Sebastian. Tumango nalang ito saka nagpaalam sa akin.
Nang makalayo siya ay naglakad ako papuntang Parking lot. Ano kaya ang tinatago ng Tamara na iyon?
BINABASA MO ANG
Journey To The Stars (OPM Series #1)
ЮморDahil sa iisang pangalan ay tila parusa para kay Tamara ang maging kapangalan niya ang perpekto at napakagandang si Tamara. Oo, dalawa silang Tamara. Isang maganda at biniyayaan at isang napabayaan. At ikaw, malas ka dahil ang babasahin mong kwento...