Kabanata 7: Bulong

4 0 0
                                    

"Kampon ka ni Satanas, Alvarez. Ang sama mo" hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya habang napapailing.

Napasilip ako sa boutique at namataang kausap ni Sebastian ang mananahi. Seryoso ang ekspresyon nito habang tumatango.  Napakaperpekto niya, paano nagawang maghanap ng iba ni Tamara?

"Kaibigan mo si Sebastian diba?" pagtatanong ko saka ibinaling ang tingin sa kanya

Tumango ito

"Ba't mo 'to ginagawa sa kanya?"

Nakatitig ako sa kanya, naghihintay ng sagot. Ngunit ilang segundo pa ang lumipas ay hindi ito nagsalita.

"Sta. Mayor, volleyball team na daw" naibaling ko ang tingin sa lalaking nasa harap ko. 

Isa sa mga kasamahan nila Brandon.

"Kayong dalawa ha" Pabalik balik ang tingin nito sa amin tila nantutukso ngunit hindi ko nalang pinansin.

Tapos na ang mga ito dahil palabas na ang football team.

"Sige, salamat" sagot ko saka tumayo

Hindi ko na tinapunan ng tingin si Brandon, imbes ay naglakad nalang ako papuntang boutique

"Perfection is too boring you know" rinig kong saad niya

Wala namang perpekto sa mundo- bukod kay Sebastian hehe

"Hindi naman porke't hindi siya katulad mo ay boring na siya. Iba-iba tayo ng taste, Brandon. Pero sigurado akong pare-parehas tayong ayaw ng manloloko" sagot ko ng lingunin ko siya bago pumasok ng boutique

Kaloka

"Psst, follow me Sta. Mayor. Buhatin mo na rin yang outputs niyo" napasimangot ako ng tawagin ako si Sir Dela Paz

Napilitan akong buhatin ang tila bulu-bundunking sliding folder. Naroon ang output naming pinapapasa niya ngayon.

Kulang nalang ay hindi ko na maaninag ng maayos ang dadaanan. Nagbabawas ata ng galit sa akin si Tanda.

Galong-galong tubig nga ay kaya kong buhatin, ito pa kaya

May bultong humarang sa akin. Napatigil ako

"Tabi" masungit kong saad dito ngunit imbes na tumabi sa dinadaanan ko ay kinuha nito buong buo ang buhat-buhat ko.

"Salamat"

Hindi na ako tumanggi nang makitang si Ejercito iyon. Magulo ang buhok nito at tila kakatapos lang magshower.

"Oh total ay nandito ka narin Mr. Ejercito, may sasabihin ako sa inyong dalawa" saad ni Sir Dela Paz nang maibaba namin sa table niya ang buhat-buhat

"Magsisimula na ang tutor program this week pero dahil parehas kayong abala sa varsity team alam kong hindi pa kayo makakapagstart sa tutoring" panimula ni Sir Dela Paz habang numunguya ng Nutri Star. Napailing nalang ako

"Si Koko ang magiging tutor mo sa Accounting, Sta. Mayor"

Tumango ang katabi ko.

"Sir hindi ba 5 weeks ang tutoring? Lugi lang naman ako kung tatlong linggo lang" pahayag ko

Dalawang linggo nalang kasi ay Sports Fest na.

"Kapag nanalo kayo pwede kayong mag-extend ng dalawang linggo" sagot niya

Napatango ako

"Ano namang mapapala ni Sebastian 'don sir?" pagtatanong ko

Mas lalo lang itong kawawa dahil tatanda siya ng maaga kakaturo sa akin. Ako na 'sing tigas ng niyog ang ulo.

Journey To The Stars (OPM Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon