Hinampas ko ng malakas si Ces nang tumili ito ng malakas. Napabangon ako ng wala sa oras
"Ingay mo marinig ka nila mama" saway ko sa kanya
Naupo ito sa tabi ko saka itinaas ang papel. Nakisleepover ang babaeng ito dahil sa kadahilanang wala lang. Ganyan 'yan minsan bigla-bigla nalang nasa bahay ng walang paalam.
"Hi Tammy, estudyante ako ng Madrigal University. I really like you a lot noong first year college palang. Gustong gusto kita lalong lalo na kapag nagvovolley ball ka dahil nakikita ko kung gaano ka kasaya doon. I hope I will finally have the courage to talk to you in person. Sincerely, someone who likes you"
Pinagpapadyak ni Ces nang muli nanaman niyang basahin ang laman ng papel. Napaikot ako ng mata ngunit sa kaloob-looban ay natutuwa rin. Ngayon lang kasi may nagkagusto sa akin at sinulatan pa ako.
"Baka andito siya sa Sports Fest" excited na sabi sa akin nito
Malapit lang ang Madrigal University dito sa Benjamin Alejandro University. Limang minuto lang kung magjejeep ka mula BAU papunta roon.
"Baka 'dun siya magpapakilala sayo" sinundot sundot niya ang tiyan ko saka ako binigyan ng makahulugang ngiti.
Isang buwan nalang ay Sports Fest na.
"Shh, tama na. Matulog na tayo" pagiisnab ko dito saka muling nahiga at nagtalukbong sa kumot
"Good morning savior"
"Good morning bhe, gwapo natin ah"
"Hello Elixir, my friend"
"Hello lodi balita ko magaling ka raw sa Accounting"
Naka white na tshirt lang ito at jeans. Dahil sa features ng mukha niya ay mukha itong cute softboy galing Pinterest.
Nagtatakang nilingon ni Elixir ang lalaking nakaupo sa tabi ko.
"Si Jonatahan 'yan. Hehe. Nakiusap lang na sumali" nakangiting sabi ni Harvey saka inabot ang isang iced coffee rito.
Nasa Study Café kami. Maaliwalas at pormal ang interior design. May malaking shelf ang nakakabit sa pader at punong puno ng libro.
"Hindi ako umiinom niyan kahit black coffee nalang" sagot niya saka naupo na at nagsimulang ilabas ang mga libro mula sa bag. Nagboluntaryo si Jonathan na ito na ang mag-oorder ng kape niya.
"Oh, you like your coffee black pala ako I like di-" agad tinakpan ni Marcey ang bunganga ni Harvey.
"Mukhang may sasabihing hindi maganda 'eh" depensa niya ng mapatingin si Elixir sa gawi niya.
"Let's start"
Agad kaming umayos ng upo. Isa isa naming nilabas ang mga dala naming gamit. Hindi ko napigilang matawa ng may dalang coloring materials si Harvey.
Dalawang oras kaming tinuruan ni Elixir. Ang inaasahan niyang maididiscuss ng 30 minutes ay naging dalawang oras.
"ABC takes into account all activities required to manufacture a product, and assigns a value to them" pagsisimula niya
"Cost pool total divided by cost driver" inangat niya ang tingin sa amin
Napatango kami- kunwari ay may naiintindihan.
Napabuntong hininga ito
"In layman's term, costs assigned to each product are divided by the number of units produced"
"Eli, tapos na ako" napaangat ito ng tingin sa akin, tila may gustong sabihin pero piniling huwag na lang magsalita.
Kinuha niya ang papel ko saka iyon chineck. Napapasilip nalang ako sa papel ko. Napapapikit ako sa tuwing binibilugan niya ang bawat items na mali ko.

BINABASA MO ANG
Journey To The Stars (OPM Series #1)
HumorDahil sa iisang pangalan ay tila parusa para kay Tamara ang maging kapangalan niya ang perpekto at napakagandang si Tamara. Oo, dalawa silang Tamara. Isang maganda at biniyayaan at isang napabayaan. At ikaw, malas ka dahil ang babasahin mong kwento...