Kabanata 8: Selda

3 0 0
                                    

Ethan

Good morning, Tammy. Eat your breakfast

Pinigilan ko ang pang-angat ng sulok ng labi ko nang mabasa ko ang mensahe ni Ethan. Siya iyong 'sincerely, someone who likes you'. Nagpakilala na rin siya sa akin dahil nang makita daw niya ang ginawa ni Brandon sa Mcdo noong nakaraang linggo ay lumakas ang loob niya.

May maganda rin palang naidudulot si Brandon sa akin at siya pa ang nagtrigger ng lovelife ko.

Good morning rin. Yap, kumakain na ako breakfast. Ikaw?

"Sige, pigilan mo pa ang pagngiti, Tammy. Magkukunwari akong hindi ko alam na may boyfriend ka na" patay malisyang saad ni mama

Agad kong ibinaba ang cellphone ko at nagkunwaring walang narinig. Ramdam ko ang patagos ng matalim na tingin ni papa.

"Ang sarap ng itlog ngayon ah" bati ko sa luto ni mama nang matapos kaming kumain.

Napaiwas ako ng ihagis ni papa ang tsinelas niya sa akin. Tumama iyon sa orasan na nasa likod ko.

"Alberto" saway ni mama rito

"Siguraduhin mong matalino ang boyfriend mo, Tamara. Baka pati 'yan ay palamunin lang rin sa bahay!" asik ni papa sa akin

Sabado ngayon, wala kaming klase ng hapon ngunit dahil malapit na ang Sports Fest ay puspusan na ang training namin. Kung noong nakaraang linggo ay umaabot hanggang 8:00, ngayon ay hanggang 10:00 na ang practice.

Nakikitulog nalang tuloy ako sa kasamahan kong malapit lang ang dorm dito.

"Ma, pa alis na po ako" pagpapaalam ko nang makababa ng kwarto dala-dala ang bag ko.

Ibinaling ni papa ang tingin sa bag ko. "Sa susunod, maleta na ang dalhin mo" saad niya saka ibinalik ang tingin sa TV

Napabusangot ako

"Si Adelfa?" pagtatanong ko ng maibaba ko ang bag ko at saka tinali ang buhok ko

Nagwawarm up na ang ilan kong mga kasamahan. Hinahanap ng mata ko ang kaibigan ko.

"Absent. Kakatawag lang kanina,umuwi ng probinsya nila sinugod daw sa hospital ang tatay niya" sagot ni Maureen sa akin na kanina pa nakaupo

Si Maureen ang best server naming sa grupo. Tumayo na ito nang mamataan si coach. No choice ako at kailangan kong umuwi sa bahay.

Pagod na pagod ako dahil buong hapon ay water break lang ako nakapagpahinga. 6:00 nang bigyan kami ng early dinner kasama ang football team.

Nakaakbay si Sebastian kay Brandon. Panay ang ngisi sa akin ng lalaki ngunit tamad ko lang itong tinitignan.

Chicken curry at buko salad ang dinner na ibinigay ng canteen. Hindi ko nalang pinansin ang presensya nito nang magkataong magkaalign kami ng linya ni Brandon. May pila ang football team at pila ng volleyball team sa pagkuha ng pagkain. Kami-kami nalang naman ang narito sa canteen.

"Sta. Mayor" pagtatawag sa akin ni Brandon ngunit hindi ko iyon pinansin

"De Salva, huwag kang masyadong kakain, magprapractice tayo agad" saad ko sa babaeng nakaupo malapit sa linya.

Napabuntong hininga ako ng mapagtantong iyong freshman na anak ng university president ang ipinalit kay Adelfa. Malubha kasi ang lagay ng magulang nito kaya imposibleng makalaro pa. At ako ang inatasang magtrain sa kanya dahil magaling naman na raw ako at hindi na masyadong kailangan ng ensayo.

"Strikto mo naman, Sta. Mayor" saad ni Brandon nang sabay kaming inabutan ng dinner.

"May gusto ka ba sa akin?" inis kong tanong dito

Journey To The Stars (OPM Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon