Kabanata 5: Mega Ultron

7 1 0
                                    

Tumambay ako sa may open field habang naghihintay ng next subject. Two hours kasi ang free time ko. Total ay lunch time naman bumili nalang ako ng cheeseburger sa Mcdo saka dito kakainin.

Nakasalpak ang earphones sa tainga ko habang sinusubukang aralin muli ang tinuro ni Sir Dela Paz kanina habang kinakain ang burger ko.

Napairap ako nang dumaan sa paningin ko ang grupo ng mga fashionistang leader si Tamara.

"Kala mo siguro sobrang ganda mo" bulong ko habang matalim siyang sinusundan ng tingin

Naka sky blue flowy skirt ito at white crop top. Naka plain blue hairband ito. Mukhang inosente pero may itinatagong baho.

Kumagat ako ng malaki sa burger ko.

Sinasabi ko may araw ka rin Tamara

Napabuntong hininga nalang ako nang makitang tinitignan pala ako ng grupo ng babaeng nasa kabilang parte lang. Bumubulong ang mga ito at saka ako tinititigan na tila napakapathetic 'kong tao.

"'Yung idol niyo cheater" I mouthed

Sigurado naman akong hindi nila iyon naintindihan dahil inikutan lang ako nila ng mata

"'Ge ikot niyo pa baka mahanap niyo utak niyo diyan!" sigaw ko para marinig nila

Ipinagpatuloy ko nalang ang panonood ng youtube video tungkol sa lesson namin dahil kailangang ilang ulit muna bago maproseso ng utak ko.

Tumayo ako para bumili ng corndog sa canteen. Nasa cellphone ko pa rin ang tingin ko kaya nagulat ako nang may mabanggang bulto.

"Tammy"

Iyon pa lamang ay alam ko na kung sino iyon. Imbes na itaas ang tingin ay nag sorry nalang ako saka itinuloy ang paglalakad.

Buti nalang ay nakasalampak ang earphones sa tainga ko. Hindi naman malakas ang sounds ko kaya narinig ko ang boses niya ngunit umakto na lamang akong abala at hindi siya naririnig dahil bumabalik sa memorya ko ang nakita ko last week.

Clinic

Brandon

Tamara

Ang legs ni Tamara at kamay ni Brandon

Napailing ako

"Happy thoughts, Tammy. Hindi ka dapat makialam" paalala ko sa sarili ko habang nasa pila.

"Ate isang corn dog naman po" iniabot ko ang bente sa kanya.

Nilagyan ko muna ng ketchup bago ako sumubo.

Nang mamataan papila rin si Sebastian ay agad akong umiwas at sa kabila nalang dumaan.

Hindi naman ako ang nanloko pero bakit ako ang hindi makaharap sa kanya?

Paano nagagawang lokohin ni Tamara si Sebastian para lang sa isang kambing? Hindi ko tanggap

"Sta. Mayor, Prof Dela Paz is looking for you. Nasa faculty siya, puntahana mo na" bungad ni Ms. Loyzaga nang makapasok ito sa classroom.

Napatango nalang ako at saka lumabas.

"Good afternoon po, Is Sir Dela Paz around?" pagtatanong ko nang buksan ko ang pintuan ng faculty

Nagtama ang tingin namin ni Ejercito.

Agad akong umiwas na tila napadaan lang ang mata ko sa kanya.

"Oh, Sta. Mayor come in" lumabas mula sa CR si Sir Dela Paz.

Napabusangot ako nang makitang nagsisipilyo ito. Tignan mo nga naman si Tanda, walang manners.

"I have something to tell you" he said as he motioned me to come closer

Journey To The Stars (OPM Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon