Maingay at mausok. Naka full blast ang pa music ni DJ habang punong puno ng alak sa lamesa. Nagsama ang football at volleyball players para magcelebrate ng pagkapanalo ng BAU.
Pinilit kong hindi iikot ang mata ko kay Tamara. Naka pink itong one suit. Daig niya pa ang unggoy na nakasabit sa puno kung makakapit ito kay Sebastian.
"Cheers!" Pare-parehas namang saad nang sabay sabay tumungga ng isang shot ng Blowjob.
Hindi ako gaanong uminom dahil mag-aabang pa ako ng taxi mamaya. Nakakatakot kayang maglasing ng ganitong oras tapos wala kang sundo.
"You're not drinking" Umupo sa tabi ko si Brandon. May hawak hawak itong shot ng tequila pero hindi pa naman lasing.
"Uuwi pa ako mamaya. Mga alas onse" sagot ko saka tinignan ang relo.
9:30 palang naman.
"Chug chug chug!" Nagsilapitan ang mga ka teammates ni Brandon sa kanya. May hawak hawak silang Cuervo.
Lumayo na lamang ako habang pinapanood pa rin siya.
"1! 2! 3! 4! 5!" Sabay sabay nilang pagbibilang.
Naghiyawan ang mga ito pagkatapos. Hinampas pa ng isa ang mesa. Ano ba naman ang mga unggoy na ito.
Lumayo nalang ako sa kanila dahil sumasakit na ang ear drums ko. Lumapit ako kay Maureen.
"Tignan mo ang anak ni pres" bulong niya sa akin.
Napatingin ako sa direksyon tinitignan niya. Napangiwi ako nang makita si Peach na nakakandog sa ka-teammate nila Brandon. Pinaglalaruan niya ang buhok ng lalake.
"Kala mo naman may nai-score ang lola mo" natatawa niyang saad.
"Cheers?" Kumuha ito ng shot ng tequila saka ibinigay sa akin.
Pareho namin iyong tinungga.
Napatingin ako sa banda nila Sebastian at Tamara. Nakapatong ang isang kamay niya sa sofa. Hindi ito umiinom. Si Tamara ang may cocktail na iniinom.
Nang mabored ako ay napagdesisyonan ko munang pumunta ng cr. Nagretouch lamang ako saka lumabas.
Nakasalubong ko si Sebastian na nakaalalay na ngayon kay Brandon.
"Lasing na?" Pagtatanong ko
Tumango ito.
"Ayos ka lang? Hindi ka ba nakainom?" Tanong niya sa akin
Umiling ako. "Hindi naman."
"Congrats by the way, one of the best ang game niyo sa finals" he said smiling
Thanks rin sa jowa mong hater. Kung hindi dahil sa kanya, hindi magiging ganoon kaintense ang laban
"Thank you, kayo rin. Super galing niyo nga daw sabi ng mga fangirls"
Tumawa lamang ito saka umiling.
"Lasing na si Brandon, hindi na niya kayang magdrive. Hindi ka na mahahatid neto" saad niya
Napatingin ako kay Brandon. Nakaakbay si Sebastian dito- binibigyang suporta para makatayo ang kasama.
"Huh? Bakit niya ako ihahatid? Magtataxi ako pauwi, Koko" sagot ko
Nagtagpo ang kilay niya. "Akala ko ba nililigawan ka ni Newt?" he asked
Agad akong umiling. "Hindi ah. Tropa troops kami neto" sagot ko
Tumango naman ito. "Sabi mo 'eh" tila hindi niya naniniwalang sagot
"Ako nalang maghahatid sayo" alok niya sa akin ngunit umiling ako. Bukod sa nakaka- suffocate ang sasakyan niya masusuffocate rin ako sa presensya ni Tamara.

BINABASA MO ANG
Journey To The Stars (OPM Series #1)
HumorDahil sa iisang pangalan ay tila parusa para kay Tamara ang maging kapangalan niya ang perpekto at napakagandang si Tamara. Oo, dalawa silang Tamara. Isang maganda at biniyayaan at isang napabayaan. At ikaw, malas ka dahil ang babasahin mong kwento...