"Ms. Sta Mayor kindly fill out the entry for January" napabuntong hininga ako ng muli nanaman akong tawagin ni Sir Dela Paz para ifill out ang buong entry ng January.
Mukhang nasobrahan ata ang inis niya sa akin ng sagut-sagutin ko siya noong nagtake ako ng extra credits.
"Sir, for the one millionth time, hindi ko po alam" mahinangon kong sagot rito
Anong magagawa ko kung hindi ko talaga alam hindi ba?
"Aba, hindi pwedeng papetiks petiks ka nalang at laging aasa sa extra credit Ms. Sta Mayor. Now stand up and fill out the entry" anas niya sa akin
Napatingin ako kay Ces at minataan siyang tulungan ako. Mukhang naintindihan naman niya iyon kaya bigla itong nagtaas ng kamay.
"Sir, I can fill it out po" pagboboluntaryo niya.
Tanggapin mo na Tanda, wala ka talagang makukuha sa akin kahit isang entry.
Nang ibinaling ni Sir Dela Paz ang tingin sa akin ay umiwas ako ng tingin. Napabuntong hininga ito at umiling.
"If you can't be pretty then atleast be brainy" pagpaparinig niya
"Huwag muna ngayon. Saka natin gantihan" Hinawakan ni Ces ang kamay ko para pigilan akong muling sagutin si Sir dahil siguradong see you next school year ako sa kanya kapag nagkataon. Baka hindi ako makagraduate.
'May panahon ka rin sakin tanda' bulong ko
Nang matapos ang klase ay tila nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Hanggang kelan ba ako pag-iinitan ni Sir Dela Paz?
Kung magsorry nalang kaya akong tinawag ko siyang kokak? Pero tinawag niya naman akong topak!
Tama, an eye for an eye, a topak for a kokak
Dumiretso kami sa canteen para idaan nalang sa pagkain ang inis ko.
"Ces totoo na 'to, turuan mo ako sa accounting please" desperada kong sabi kay Ces habang kinakain ang donut na binili nito.
"Ilang beses na kasi kitang inalok Tammy, sana ay magseryoso ka na talaga ngayon" agad akong tumango rito saka sumubo ng malaki mula sa donut ko.
Agad naming sinimula ang basics ni Ces. Hindi ko nga rin alam kung paano ako nakatuntong ng Third year college ng ganito.
Pakiramdam ko ay pinasa nalang ako ng mga prof para hindi na nila ako ulit Makita next school year.
"Ingay ha" asik ko
Napabuntong hininga ako nang mamataan ang grupo nila Holy Spirit aka Koko. Todo ang ngiti nito habang hawak sa bewang si Tamara. Naka itim na shirt ito at jeans habang si Tamara ay naka red dress at white block heels.
"Sana ol beauty and brains" Agad nawala akong kakarampot na confidence ko.
Napatingin ako sa suot kong blue shirt na may nakaprint na 'TEAM' sa likod. Miyembro ako ng volleyball team ng university, may practice kasi mamaya kaya suot ko na iyon. Tinernuhan ko ng black jeans at flats.
"Okay lang yan Tammy. Atleast hindi ka kakainin ng zombie pag nagkaroon ng apocalypse" sinamaan ko ng tingin ito habang impit itong tumawa.
Grabe nacomfort ako.
"Mas magiging pangit kana sa akin pag ganon." Irap ko dito saka itinuloy ang pagkain
Sa katabing table lang namin sila naupo kaya rinig na rinig ko ang ingay nila. Tumayo si number 03 kasama ang ilang lalaki para luminya.
Nang bumalik ito sa table ay pang dalawa ang buhat nitong pagkain.
"Babe, I'm on a diet. Hindi ako pwede sa sweets" napatingin ako sa ilang supot ng donut na pinagkainan ko. Pang-apat ko na 'to pero hindi pa rin ako busog.

BINABASA MO ANG
Journey To The Stars (OPM Series #1)
HumorDahil sa iisang pangalan ay tila parusa para kay Tamara ang maging kapangalan niya ang perpekto at napakagandang si Tamara. Oo, dalawa silang Tamara. Isang maganda at biniyayaan at isang napabayaan. At ikaw, malas ka dahil ang babasahin mong kwento...