Kabanata 11:Taylor Swift

4 0 0
                                    

Panay ang tingin sa akin ng mga manonood habang naglalakad ako papuntang court.

"Great hair, Tammy. Ang ganda" thumbs up na sabi sa akin ni Maureen.

"Thank you" I said smiling.

Naninibago ako sa papuri at pagpansin sa akin ng mga tao.

Sa kalayuan ay nakita ako ang paghawi ni Tamara sa mga nanonood.

"What the hell" I can read her lips. Tinaasan ako nito ng kilay.

I colored my hair pink. Iyong parang buhok ni Rosé noon.

Trademark talaga nito lagi ang pink. She always have a hint of pink in her outfit. At ang pagkulay ko ng buhok ko ng pink  sigurado akong iniisip ng ibang tao na a) ginagaya ko siya o b) hinahamon ko siya.

At sa kaso ko it's the second one.

"That bitch!" I heared one of her friends say.

Nakatirintas ang pink kong buhok. Reding ready na ako humampas ng tao na parang bola.

Nanalo ang football team ng BAU kahapon. Rinig ko ay lampaso ang kalaban nilang university. Usap-usapan rin sila Koko at Brandon kahapon. Mukhang sila ang highlight ng game.

Nang magsimula ang game ay lamang kami. Nanalo kami sa first set. Nang mag exchange ng court ay nakita kong lumapit si Tamara sa coach team ng Montgomery University. Mukhang magkakilala sila. Nanliit ang mata ko.

Ano nanaman kaya ang binabalak ng isang 'yon?

Pumito ang referee, hudyat na magsisimula na ang 2nd set.

"Mine!" Sigaw ko nang papunta sa akin ang bola

Natamaan ko iyon at nasalo muli ng kabilang team. Ibinalik sa akin ang bola at muli ko iyong tinamaan.

Sa kalagitnaan ng game ay napapatingin sa akin ang mga ka-team ko. Tila pare-pareho kami ng iniisip.

Hindi ko na kailangan pang sumigaw ng "mine" dahil sa akin naman lagi dumidiretso ang bola.

Kahit saan ako pumwesto, laging ako ang puntirya nito. Mabilis rin nila akong nakikita dahil sa buhok ko.

Kung minamalas ka nga naman.

Kaliwa't kanang spike at mga block. Sinasadya nilang ibigay sa akin. Napangiwi ako ng maramdam ang pagkapulipot ng paa ko.

"Time out!" Sigaw ni coach na tila napapansin rin ang nangyayari.

Nagreklamo ito sa referee ngunit pinagsawalang bahala iyon ng referee. Nagkatitigan kami ni coach.

"Okay lang po coach. Kaya ko" sagot ko pero sa totoo lang I'm in Spain but S is silent.

Muli kong tinamaan ang bolang papalapit sa akin. Nang magspike ang kabilang team ay agad kong hinabol ang bola. Nakasanayan ko kasi iyon bilang libero- ang magsalba ng bola.

Napadaing ako ng maramdam ang pagkapulipot ng ankle ko. Agad nagsilapit ang mga kateam ko pati narin si coach.

Napahawak ako sa ankle ko. Napasinghap ang mga nanonood. Kita ko ang pag ngisi ng kabilang players.

Ang ending- dinala ako sa clinic. Natalo kami ng Montgomery University.

"Doc, gaano katagal po bago makapaglaro ulit si Sta. Mayor?" tanong ni coach

Binendahan ang parteng nasprain. Kaya naman paika-ika akong naglalakad.

"Nanggigigil na ako!!!" Inis kong anas habang naglalakad.

Panay ang sulyap ng mga estudyante sa akin. Kanina ay dahil sa buhok ko, ngayon ay dahil sa paa ko.

"Tammy, ok ka lang ba? Narinig ko 'yung nangyari kanina"

Journey To The Stars (OPM Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon