Kabanata 9: Philosopher

3 0 0
                                    

"Parang laser na 'yang mata mo Tammy. Malapit ng malusaw si Brandon diyan" bulong sa akin ni Ces.

Kakatapos ng meeting mg mga varsity players sa AVR. Nagbigay lang ng general reminders at ibinigay na rin iyong mga jersey namin dahil sa susunod na linggo na ang Sports Fest.

"Akala ko ako ang pinuntahan mo bruha ka" sinimangutan ko si Ces nang lumapit sa amin ang isang miyembro ng football team.

Mukhang ito ang bagong palaman ng kaibigan ko. "Hindi ba natry mo na ang mayonnaise?" bulong ko sa kanya

Tinapunan ako nito ng naguguluhang tanong. "Mukhang lady's choice 'yang bago mo. Mahilig ata magspread mga babae diyan" sagot ko

Napatawa ito saka ako hinampas sa likod. "Bad ka, Tammy"

"Sta. Mayor, right?" pagtatanong ng lalaki sa akin.

Tinapunan ko ito ng tingin saka saglit na ngumiti at ibinalik ang pagkain sa burger ko.

"Nasa loob pa sila Brandon" imporma niyo sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay. Wala naman akong pake.

"Okay. Hayaan mo lang baka nagpapalamig lang ang kambing" sagot ko.

Malakas kasi ang aircon sa AVR dahil karaniwang dito nagmemeeting ang mga professors. Bahagyang tumawa ang lalaki sa sinabi ko ngunit hindi ko nalang iyon pinansin.

Nag indian seat ako sa isang sulok na medyo malayo sa AVR. Masyado kasing maingay doon at gusto ko lang manahimik habang kinakain ang burger ko.

Hindi ko rin maatim na tignan ang pakikipaglandian ni Ces sa mayonnaise na iyon.

Isinalampak ko sa tainga ko ang earphones saka sumandal sa pader. Tahimik kong pinapakinggan ang Burnout ni Ebe Dancel.

Oh wag kang tumingin

Ng ganyan sa 'kin

Wag mo akong kulitin

Wag mo akong tanungin

Dahil katulad mo

Ako rin ay nagbago

Di na tayo katulad ng dati

Kay bilis ng sandali

Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo nang may kumalabit sa akin. Agad kong tinaggal ang earphones ko nang makitang si Sebastian iyon.

Nakasuot sa kanya ang jersey niya at bahagyang magulo ang buhok. Naka dirty white itong jeans at polo. Napakaeffortless talaga ng kagwapuhan niya. Lalong lalo na sa tuwing sisilay ang dimples nito.

"Uy Koko" bati ko sa kanya

Sandali itong napatigil saka ako pinanliitan ng mata. "Hindi na Sebastian?" he asked then laughed

Iniabot niya sa akin ang isang Zest O Apple juice. Nagpasalamat ako nang tanggapin ko iyon.

"Kanina pa ako nasa tabi mo, hindi mo lang pansin. Ano ba 'yang pinapakinggan mo?" nagulat ako nang kunin niyo sa akin iyong earphones at isinalpak iyon sa isang tainga

Oh, kay tagal din kitang minahal

Kung iisipin mo

Di naman dati ganito

Teka muna, teka lang

"Burnout by Ebe Dancel, hmm?" nakangiti nitong tanong sa akin

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang pagngiti. "Ah, oo. Alam mo?" tanong ko sa kanya

"Oo naman, nakikinig ako ng OPM" sagot niya saka ngumiti

"Talaga? Sinong mga pinapakinggan mo?" tanong ko sa kanya

Journey To The Stars (OPM Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon