Strings and Strums.

152 3 5
                                    

Shapterr 6.

Goodmorning, Philippines! :) Tinatamad na naman po akong pumasok. Magse-sembreak na kasi e. Usually, pinapaglinis na lang kami ng classroom saka nag-iingay lang naman kami tapos yung ibang teachers, tinatamad na rin pumasok. :/ Kaya lang naman nagbabagong buhay na kow! :) Kaya papasok ako 'di ba? Para friends kami nila ma'am Principal at ma'am Dacena. 

At ito na nga.. nandito na ako ngayon sa jeep. Nakatingin lang ako sa labas e kaso naman.. Hallerr! Ang dami kayang PDA. Wala pa namang Valentine's Day ah? Bakit ganoon? Kapag single at BH ka tapos makakita ka ng sweet na mga couples, parang may jealousy inside you? (`_´)ゞ Ang sakit lang sa ulo. Huhu. 

Buti na lang, nandito na ako sa school dahil 10 minutes lang naman ang biyahe e. >:) 

At katulad nga ng inaasahan ko, konti lang pumasok ngayon! Hay naku naman! Ang tatamad talaga. Haha. Nagfi-feeling naman ako na masipag kahit ngayon lang noh! :)

"Class. Clean your room before you take your break." Utos sa'min ni ma'am Lily habang nagla-laptop. Hindi na siya nagturo sa'min e. Natural. TINATAMAD NA. >:P 

"Okay ma'am." Tamad na sagot namin. 10 lang kaming pumasok ngayon e. 

"O, sige.. Huwag kayong maingay ah. Alis na muna ako basta yung utos ko sundin ninyo bye." Tumayo na si ma'am. Hindi na rin kami sumagot. Nakakatamad nga naman kasi. :P 

Lumapit pa yung dalawang nakakainis na lalaki kay ma'am saka nagpresinta na sila na daw yung magdadala ng mga gamit niya. Pfffft. Hahaha. >:D Alam ko na yan e. May crush yang dalawang mokong na 'yan kay ma'am kasi maganda saka dalaga. 

"Oy, Radona! Kain na tayo!" Tinapik ako ni Gen. Yung kaklase kong tomboy. (Epal lang siya sa kuwento.) 

Inalis ko yung kamay niya sa braso ko. Nambubwiset kasi.

"Mamaya na nga! Lumayas ka na dito. Shupi! Shupi!" 

Ayan lumayas na siya. Ayaw ko pa naman sa kanya. Hindi naman dahil sa tomboy siya. Bully rin kasi siya e nakakabadtrip lang. 

Haay! Nakakainis. Bakit kasi ang tamad kong pumasok dati? :/ Ngayon tuloy wala akong ka-close dito. Loner pa man din ako. WAAAH! (´-').。oO Nakakabuwiset talaga! Huhu. E kung nandito sana si Gab my labs, hindi talaga ako malulungkot, promise. Kahit pa nasa malayo siya sa'kin. Basta alam 'kong lumilibot siya sa school ngayon. :)) 

Hmm. May naaamoy akong magandang gawain. *u* Waah! Ano kaya kung puntahan ko siya? Malapit lang naman dito yung building nila e. Mga 5 building lang ang pagitan namin. ^___^ Kaya nga pala ako palaging nandoon, hihi. 

"NYGEL! HUWAG KANG MAG-CUT NG CLASSES AH! PARA BESTFRIENDS TAYO!" 

:'< Huwaaa! Na-LSS (LastShoutSyndrome) ako kay ma'am Dacena. Uggh. 'Di ako puwedeng magpakabaliw ngayon dahil baka maudlot pagiging in good terms namin. Psssh.

Tumayo ako saka lumabas saglit ng room para makabili ng pagkain. Nagugutom na mga alaga ko sa tiyan e. :(

At buti na lang rin.. Wala gaanong tao kaya naman mabilis akong nakabili. ^__^ Ang saya maging masipag kapag nagkataong tamad ang mga kasama mo. :)) Kung lagi ba naman ganito sa mundo, eh di hayahay ang buhay. :D 

Bumalik ako sa room na masaya na malungkot na hindi ko maintindihan. Hmm. Ewan. :/ Mas okay sana kung mapagtiyagaan ako ng multo dito e. Huwag naman sana. >\\\< 

After 15 minutes..

ABAA! Bakit walang bumalik ng room? Okay fine. Ayaw nila akong samahan dito! Hmm. Buti na lang nakakita ako ng gitara sa gilid. Ang suwerte ko naman at ang malas ng nakaiwan 'non dahil gagamitin ko siya ng walang paalam. Ehh.. Pasensya naman. Wala akong magawa eh! ~__~ 

That Juvenile Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon