Part 4. HBG (Unconsciousness)

102 2 0
                                    

Shapterr 17.

"Sweetie, good morning."

Haay, ang sarap pakinggan ng boses ng mahal ko. Nakapikit pa lang ako, nagu-good morning na kaagad. >:))) Ang landi ko.

Parang ayaw kong dumilat, yieeee! :""> Parang gusto kong titigan niya lang muna ako para naman ma-realize niya kung gaano ako kaganda! :3 Para mahalin niya naman ako.

Hinaplos niya 'yung pisngi ko.

Weeee! :) Inangat ko yung katawan ko saka ko siya inabot at niyakap kahit nakapikit pa ako.

(⌒▽⌒)

Teka, parang iba na 'yung pabango niya? Tss. Mas gusto ko 'yung dati niyang pabango, mas nakaka-in love.

Sabi na, mahal ako ni Gab eh. Ang tagal na kaya ng pagkakayakap ko sa kanya hindi pa rin siya nabitaw.

I love you, Gab ko. ♥♥

"Sweetie, kakain na ta------" Narinig kong bumukas 'yong pinto.

(O___* )

Binuksan ko 'yung isang mata ko. Kitang-kita ko kung ano yung reaksyon ng mukha ni Gab. Nasa likod siya ng.... ng.. pinto?

WAAAAAH! Agad akong bumitaw sa kayakap ko! >___<

"Harris, anong ginagawa mo dito?" Ma-awtoridad na tanong ni Gab kay Harris.

Ehhh! Speechless ako eh. Teka lang, woo. Ang init! =__= Wala akong alam diyan, wala akong alam. :3 Hindi ko naman alam na si Harris pala yon eh! Tinawag niya kasi akong "sweetie", 'di ba?

Napakamot ng ulo na tumayo si Harris mula sa pagkakaupo sa kama ko.

"Pumunta ako dito para gisingin si Nygel, kaso lang, natutulog pa pala siya."

"And what's with the embrace?" Ngayon naman, tagis-bagang na tumingin sa'kin si Gab.

Waaah! Huwag ka naman manakot mahal ko. >0<

I bit my lower lip! Uy, Harris, don't you ever say na niyakap kita! Sabihin mo ano, ahmm.. Waa!

Gumawa ka ng dahilan. >3<

"Sobrang crush ko si Nygel kaya hindi ko na napigilan na yakapin siya dahil sa tuwing nakikita ko siya, nanggigigil ako at gusto ko siyang laging yakapin. Bigla ko

na lang nararamdaman yun.

(; ̄ェ ̄)

~~~~~~~~~

Magbi-beach kami ngayon. >:D I'm so eggzoited! Kasi naman, eh. Last day na namin dito sa subic. :3 Kakaasar, 'di ako nakapamasyal pero okay lang, babalik naman siguro kami dito kapag may occassion, hihi.

Oy, ah! Isusuot ko na 'yung swimwear na binili sa'kin ni mama, yung green. >:)) Sana lang, matalbugan ko ang pesteng Elanie na 'yan. Akala niya, hindi ko nakita yung pag-ismid niya nung binigay ko yung libro na regalo ko kay Gab ko. :3 Sasamain talaga siya sa'kin kapag inulit niya!

Nandito kami ni ate Ashley, nagsusukat ng mga swimwear. May binigay pa nga siya sa'kin eh, binili niya, para sa'kin daw talaga. Si Elanie, nauna na do'n. Excited lang, nakakainis!

"Baby girl, anong nagustuhan mo kay Gabriel?" Nagsusuot na ako ng see-through jacket nang tanungin ako ni ate Ash. Ayt. Nag-blush ako, yieee.

Buffering.......

Buffering.......

"Ang hirap naman ng tanong!" >3<

Ewan ko kung bakit pero biglang natawa si ate Ash.

That Juvenile Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon