Shapterr 19
Inhale. *3*
Exhale. *O*
Inhale. *3*
Exhale. *O*
Nandito ako sa harap ng law firm building ni Gab. Gusto kong pumasok kaya lang nagpipigil talaga ako. Oo miss na miss ko na siya pero... ewan! Ano nga bang gagawin ko?
Nagtatampo pa rin ako sa kanya. Kasi naman, eh! Kahit ilang linggo nang tapos ang October, ang sem-break at ang birthday niya, hindi ko pa rin makalimutan 'yong nangyari bago ako mawalan ng malay-tao. Buwiset talagang Elanie na 'yon!
Matapos 'yon, hindi na rin naman kasi ako nakapasok kaagad kasi nga nagpagaling pa ako. Hindi ko na rin siya nakita. Ewan ko r'on! Hindi nga 'yon nagpunta sa bahay namin, eh. Ang sama lang.
Asa naman kasi ako ng asa, eh. :3
Okay, fine. Papasok na talaga ako sa school. Kaso lang masyado pang maaga. Talaga inagahan ko ang pagpasok kasi nga gusto ko sanang puntahan siya kaso lang... bahala na.
Dahan-dahan akong naglakad habang hawak ko yung strap ng bagpack ko.
Ano kayang ginagawa niya ngayon? Kumain na kaya siya? Iniisip niya kaya ako? :3 Ang hirap mag-isip ng mga imposibleng bagay. Nabubuang ka na naman, Nygel.
"Nygel!"
"Nygel!"
"Nygel!"
Sa pangatlong beses na pagtawag sa'kin, napalingon na ako. Maaga pa kaya wala masyadong tao sa paligid. Lalaki 'yong tumawag sa'kin. Hindi 'yon boses ni Gab at ni Harris. :3
"Nygel!" Isang lalaking nakangiti ang patakbong pumunta sa'kin.
Do I know him?
Wait...
Hinawakan niya 'ko sa kamay saka inuyog. Shocked ako kaya hindi kaagad ako nakagalaw.
Si....
Si...
"Sino kaa?" Wala sa sarili kong tanong.
"Nawala ka lang ng halos dalawang linggo, hindi mo na kaagad ako kilala?" Nakangiti niyang sabi saka ginulo ang buhok ko.
Nakatitig lang ako sa kanya, sinuri ko 'yong buong anggulo ng mukha niya. Nang ma-realize ko, agad akong napatakip ng bibig.
OMOOOOO!
"Boom?!" Inabot ko 'yong mukha niya at dahan-dahang hinawakan 'yon.
Si Boom ba talaga 'to?!
Napailing ako. Hindi, eh. MALAYO! >o< Si Boom ay isang baklang nagdadamit-babae. Si Boom ay malandi! Ang lalaki sa harap ko ay napaka-manly. Inamoy ko siya. Man-scent na rin ang pabango niya. He is not Boom. Boom likes colognes with fruity scent. =___=
Tinuro niya 'yong noo ko sabay tulak. Aray naman ha!
"Aw! Sino ka ba?"
Natawa ulit siya. Pssh. Ang saya lang manapak! :3
"Si Boom."
"Hahahaha. Nagpapatawa ka ba? Ikaw? Si Boom? No way! Mas babae pa sa'kin 'yon, eh. Baka naman kakambal mo siya?!" Nag-cross arms ako saka tinaasan siya ng kilay. "Sino ka nga kasi?"
"Si Boom nga. Ang dami pang sinasabi eh." Masungit niyang sagot pero hindi nawawala ang pagkalalaki.
No way! He is not Boom! I won't believe him. Niloloko lang ako ng lalaking 'to.
Tinalikuran ko na siya saka ako naglakad papuntang school.
"Hindi kita kilala, waste of time." Mataray kong sabi habang naglalakad.
BINABASA MO ANG
That Juvenile Kind of Love
RomansHi DEALING WITH MY YOUNG LOVE readers! Pinalitan ko na 'yung title. Gusto kong mag-sorry sa inyo. Na-disappoint ko kayo. Ang tagal kong hindi na-update 'to. Mag-e-edit pa po ako. Sorry talaga. Sana suportahan ninyo pa rin ito. Salamat. =)))