Part 2. HBG (Bittersweet)

105 3 0
                                    

Shapterr 15.

Gabi na naman. :| Nagugutom na ako kaso lang 'di naman ako makalabas ng kuwarto eh. Alam ko kasi, nagbibida pa don si Elanie. Naiinis lang ako kapag nakikita ko siya, eh. =____=

Badtrip talaga! Sinundan na nga ako ni Gab no'n eh, kaya lang bigla niyang niyakap! (>人<;)

Masasabunutan ko talaga siya kapag napuno ako sa kanya! Grrrrrrrrrrr! Buti na lang talaga, nagbabagong buhay na ako para kay Gab.

Umupo ako sa kama ko saka nag-scan ng cell phone ko. May text galing kay Boom. Haay, nami-miss ko na yung baklang yon kahit mukha siyang paa! :P Atleast, siya naman ang nagpapasaya sa'kin di ba? Siguro, kung nandito si Boom, hinding-hindi na talaga ako mabo-bore! --___--

*PHONE CALL*

Hmmm? Sino ba 'tong tumatawag? -__- Hindi naka-register yung no. eh. Tae naman. Shit lang lahat ng namimigay ng number ko. >______<

"Hello?"

"Hello? Nygel?" Tss. Lalaki 'to, promise.

"Sino 'to? Saan mo nakuha number ko?"

"Si Harris 'to. Nakuha ko number mo sa isang upuan sa room namin. Napadpad siguro doon 'yon galing sa inyo."

"Ahh.." Takteng yan! Oo nga pala, gawain ko pala yon. Sinusulat ko yung number ko sa mga upuan tapos may buo 'kong pangalan. Ang lakas lang ng loob ko, eh. :D

"Nasaan ka ngayon?" Tanong ni Harris.

Nasa puso ni Gab. :"">

"Nasa Subic, bakit?" Sagot ko after ng malanding kaisipan.

Matagal bago sumagot si Harris kaya medyo ginulat ko siya.

"Wooi! Ano na? Bakit ka pala napatawag, huh? May session ba tayo ulit ng lessons ko sa gitara?"

"Wala.. Ah, sige na, Nygel.. goodbye na."

"Uy, teka muna may sa---"

*TOTOOOT*

Ay shete! -__- Binabaan na ko ng cell phone. May sasabihin pa naman sana ako sa kanya. Gusto ko sanang magpaturo ulit kasi nakalimutan ko na yung tinuro niya eh. >3< Napakatanga ko lang kaai talaga para hindi na matandaan. Ang puso at isip ko kasi, si Gab ang palaging laman.

(♡_♡)

Sorry, Harris! ●__●

Humiga na lang ako sa kama. Nasasabaw ang utak ko. Di ako makapag-isip ng maayos eh. =__= Ano kayang nangyayari kay Gab at sa Elanie na yon? Nahahalata ko na may gusto yong mukhang siopao na babaeng yon sa Gab ko eh. (´ε` )

"Aahhh! Dapat hindi siya nagpapalandi sa babaeng yon! Akin lang siya eh!"

(/ _ ; )

"Nygel? Anong ginagawa mo diyan? Halika na, kakain na tayo baby girl."

Bakit ba kapag nagcha-chant ako, palaging may biglang susulpot para biglain at pag-panic-in ako?

Mabilis akong umupo sa kama.

"Ate Ash, wait lang, ha? Sumakit kasi bigla yung tiyan ko, eh." ---kanina. :D

"Ganoon ba? Eh, tara, labas ka lang para naman hindi ka nag-iisa." Tuluyan ng pumasok si ate Ash dito sa kuwarto. Napangiwi ako dahil for sure, hindi siya titigil. Huhu. ×____×

"Nyeeee. Mauna na lang kayo, hindi na po ako kakain kasi naman baka abutin ako ng LBM."

Sinapo ko yung tiyan ko para kunwari totoo. Para-paraan din kasi. :"">

That Juvenile Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon