Meeting my Sister.

126 2 0
                                    

Shapterr 7. 

Naglalakad ako ngayon papunta sa building nila Gab. Eeh. Gusto ko na kasi siyang makita e. *w* Super miss na miss ko na siya! 

Nginitian ko si manong guard na pogi pagpasok ko. Tinanguan niya ako habang nakangiti pa rin. :) Alam ninyo ba minsan, feeling ko, alam na ni mang SG ang feelings ko kay Gab. Haha. Naku, huwag niya naman sanang sasabihin! >:(

Pumunta na akong elevator. *10th Floor* 

Pagpunta ko doon, hindi kaagad ako nakapasok sa office niya dahil nagulantang ako kung sino ang nandoon. >\\\< Eh, teka.. Sino ba siya? >:( BAKIT WALA ANG GABRIEL KO?!

Nakatingin ako sa babaeng nakaupo sa couch at nagbabasa ng magazine. :3 Anla! Sino 'tong babae na 'to?! Takte naman oh! Nakakainis naman talaga kapag ganito. Ihhh. Pero sige, papasok na ako sa loob.. 

Pagpasok ko, halatang nagulat yung babae saka umayos ng upo. Ngumiti siya sa'kin---friendly smile. (*`へ´*) Tss. Feeling naman siya! Ayaw ko nga siyang maging friend. Bakit kasi siya nandito sa office ni Gab? :( 

Nygel, alam mo wala kang karapatan na magalit sa babaeng 'yan! Hindi mo hawak ang buhay ni Gab, 'kay? -____- Haay. Nakakakonsensya naman talaga. Oh, sige, fine! I smiled back at her. Umupo rin ako sa couch pero medyo malayo sa kanya. Niyakap ko na lang yung bag ko saka nag-pout. (Para kunwari cute ako.) 

"Hinihintay mo ba si Gabriel?" Tanong 'nong babae. Ay malamang lang. Alangan naman siya. Hmmp! :3 Gabriel? Tinawag niya si Gab ko na Gabriel talaga? 

Tumingin lang rin ako sa kanya. 

"Ahm.. opo." Niyakap ko ulit 'yong bag ko. Tae. Bakit ganon? Ang ganda 'nong babae? :3 Anla! Baka naman may gusto siya kay Gab. >:( Ayaw ko 'non! Ayaw kong isipin 'yon kasi nafu-frustrate lang ako. 

Mukha kasing matalino ang babae na 'to tapos.. mabait? Tapos, socialite and sophisticated? Omooo! o__o Nakakababa ng self-esteem. >__< Siguradong madali siyang magugustuhan ni Gab ko. 

"Hey, miss. Gusto mo bang magbasa? Ito, oh.. ang tahimik mo kasi e." I looked at her intently as she was giving me the magazine na kinuha ko rin. Ang gondo niya! 

"Salamat." :) 

Nyaah~ Mukha siyang mabait. Nababasa ko mga mata niya e. Pero kasi, kasi, si Gab e.. =__= 

"Haha. You look like tense baby girl.. May problema ka ba?" >o< Halaa! Nahalata pa ko! Takingshet naman oh! Baby girl? Eww.

"Nako.. hindi po." :3 Umayos na ako ng pagkakaupo para naman hindi niya isipin na may butterfly sa tiyan ko. Kainis kais ayaw nila mag-fly away e. "Nilalamig lang po ako.."

Tumango siya saka umurong palapit sa'kin. 

"Galing ka pang school? Kuya mo ba si Gabriel?" Ay.. -__- Hindi ko kuya yon! Mahal ko yung bilang ano..

"Opo. Galing akong school.." (; ̄O ̄)"Hindi ko po kuya si Gab.. Ah, eh.. parang ganon na po pala pero ang totoo, bestfriend siya ng kuya ko." :( Bakit ba gusto ko siyang awayin pero 'di ko magawa? 

Ako kasi yung tao na unang kita pa lang, alam ko na kung magkakasundo kami o hindi. Kilala ko yung dapat pakisamahan o hindi. Kasi naman, may ibang tao na mainit na kaagad yung dugo ko kahit unang kita pa lang. :3 Pero siya.. ang babaeng 'to.. Ommo! Baka magkapatid kami? Nyaah~ Hindi. Hindi kami magkapatid noh! 

"Here." Inabot niya sa'kin yung jacket na amoy mayaman. Wahaha. *O* "Sa'yo na lang 'yang jacket ko para 'di ka lamigin." 

O____O

Napangiti ako ng alanganin. Sa akin? Ibibigay niya 'to sa'kin? Haaalaaa. Parang bago pa kasi may tag price. Luuh! Hindi naman talaga ako nilalamig e. Konti lang. Kaya lang naman ako yumakap sa bag ko eh, wala lang. Gusto ko lang. Tapos siya ibibigay sa'kin ang jacket niya? Weeh? Agad-agad?!

That Juvenile Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon