Yahoooooo!

129 3 0
                                    

Shapterr 9.

Yeah~ BABY! :)

I wanna dance.. in love.. And dance.. again... ♪( ´θ`)ノ

I wanna dance! Haha.

Last day of school at sembreak na. Ohlalala~ 2 weeks rin yon noh! Puwede na akong makapaggala at mag-spend time with Gab ko!

Papasok talaga ako ngayon para naman masulit na 'to. Bago-bago buhay rin kasi 'pag may time. :)

*DOOR OPENS*

"Oy, Nygel ano 'yan ha? Patalun-talon ka pa diyan. Bangon ka na nga diyan saka maligo ka na at pumasok. Baka mamaya, absent ka na naman."

Nakapameywang si mama sa pinto ng kuwarto ko.

"Oo na ma. Last day na kaya ngayon kaya masipag ako. Sige na, maliligo na po ako." :)

"Sige at dalian mo na. Hinihintay ka na ni Kent sa hapag. Mag-aalmusal na."

Tumango ako kay mama saka dali-daling bumaba sa kama ko paglabas niya. >:D Natalon pala ako kanina sa tuwa haha.

Pagtapos maligo at gawin ang ilang mga orasyon ko, bumababa na ako. Nakaupo na si kuya Kent na nakasimangot tapos si mama parang nagsesermon. Wahaha. *o* Nakakatawa si kuya eh.. ang sama ng mukha niya.

Nakangiti akong umupo saka kumuha ng pagkain ko.

(`_´)ゞ

Napapakamot si kuya ng ulo kakasermon ni mama eh. Nambabae raw kasi si kuya kagabi kaya hindi nakauwi kaya nanggagalaiti ang nanay ko. Alam ninyo kung bakit? Pansin ninyo bang wala kaming papa dito sa bahay? Kasi nga broken family na kami kasi si papa naman eh, sumama na 'don sa babae niyang mukhang paa. Tsss. Buti na lang, masaya pa rin kami kahit si mama lang ang kasama namin. *O* 'Di ko na alam kung nasaan ang papa namin. Patay na yata, nagtago sa bundok, pumuntang Amerika, nalunod sa barko.. >:( Wala na akong pakialam.

"Ikaw Kenito ah! Ulitin mo pa yan at ibibigay kita sa tatay mo kung saan man siyang lupalop naroon!"

Pasigaw na sabi ni mama sabay inom ng kape. Nakasandal siya sa lababo namin.

"Mama naman eh! Hindi na kaya ako bata saka huwag mo 'kong ibibigay sa 'ex-husband' mo. Hindi kami magkatulad noh! Saka hindi naman ako nambababae ah? Wala naman akong girlfriend o asawa para sabihin mong ang sama ko." >3< Halatang hindi na makakain si kuya ng maayos eh.

"Ay nako Kenito! Kahit anong sabihin mo, nambabae ka pa rin. 'Di ba ibang babae yung kasama mo nong isang buwan? Tapos nong isang linggo, iba na naman. Tapos, nong nakaraan lang iba na naman tapos kagabi, iba ulit?! Aba, manang-mana ka kay Anghelito ah!" Tatay ko si Anghelito. Ang demonyong babaero. >__<

"Mama! Hindi ko naman naging girlfriend ang isa sa kanila eh! MU lang lahat 'yon. Hanggang doon na lang po."

"Kahit na anong sabihin mo, panloloko pa rin yon! Yung tatlong babae, pumunta dito nong mga nakaraang araw at hinahanap ka dahil hindi ka na raw nagpapakita. Juskoo ka naman! Pinapaasa mo naman ang mga 'yon eh! Pambihira ka!"

"Ayy nako mama. Wala naman akong sinabi na habulin nila ako ah. Hayaan ninyo na nga sila."

"Para kang tatay mo! Wala kang paninindigan sa babae."

"Hindi ako si papa! Hindi ako nananakit mama, alam mo yan. Ako nga ang unang nasaktan di ba?"

Tumayo na si kuya saka kinuha yung coat niya sa upuan na nakapatong. Si mama naman, nakasimangot.

"Huwag mo ngang gawing excuse 'yan, Kent! Hindi porke nasaktan ka ni-----" Hindi na pinatapos ni kuya kuya Kent si mama sa pagsasalita. Inis na inis na kasi siya eh.

That Juvenile Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon