Part 3. HBG (Expect the Unexpected)

106 3 0
                                    

Shapterr 16.


*ALARM CLOCK RINGS*


Woooo! Gising na rin sa wakas! Akala ko, 'di na ko makakagising eh. =____= Teka, anong oras na ba?


5:46 AM


Dali-dali akong bumangon para maligo saka mag-toothbrush. 'Di ba nga, magkikita kami ni Gab ko? ^O^ Excited much na 'ko kung anong sasabihin niya sa'kin. Saan kaya kami pupunta?

★____★

"Baby girl, saan ka pupunta?"


"Ahmm, maglalakad-lakad lang po ako sa labas."


"Okay. Dalian mo na lang kasi mamaya, dadami na 'yung tao. Parating na 'yung mga bisita ng labi-----"


Tinakpan ko kaagad 'yong bibig ni ate Ashley. Ano ba yan! Baka kasi magising si Elanie, eh! =___= Ang himbing pa naman ng tulog niya, tsss. Sana di na siya magising. De, joke lang.


"Ate, huwag kang maingay please! May magising tayong kaluluwa siguradong patay ako." Tumangu-tango si ate Ash.


"Okay fine. Ingat ka, huh?"


Ngumiti lang ako saka mabilis na lumabas ng rest house. Tumakbo ako papunta sa tabing-dagat. Nandoon si Gabriel sa tabi ng puno. Nakangiti siya habang kumakaway sa'kin.


"Good morning, sweetie. Akala ko hindi ka na pupunta, eh. Ready ka na ba?"


Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. :"> Sana.. sana.. Waaaah!

Hawak ni Gab yung kamay ko palabas buong rest house nila. Basta, daan 'to papunta sa ibang bayan. Nakarating kami don sa may kalsada na tapos may ibinigay sa'kin na helmet si Gab.


Sumakay siya sa motor saka pinaangkas na rin ako. Woooo! Saan niya ako dadalhin? Baka papakasalan na niya ako? Hihi. *O* Tiwala lang.


"Sweetie, yumakap ka sa bewang ko."


Kiliiiig! Kahit naman hindi mo ako paalalahanan Gab, gagawin ko talaga 'yan eh. :D Chance ko na rin 'to noh! Wahahaha. Ang landi na naman ng iniisip ko. :'>


Sa paglandi magaling ako, sa academics lang talaga hindi. :(


Nagsimula nang paandarin ni Gab yung motor. Saan ba talaga kami pupunta? ^O^


"Gab, itatanan mo na ba ako?" Hindi ko napigilang itanong 'yan kay Gab. -___-


"Anong sinabi mo, sweetie?"


Hala, 'di ko napigilan yung bibig ko. Natanga na naman. Buti na lang, bingi ka talaga Gab. 'Yan naman ang gusto ko sa'yo eh.

That Juvenile Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon