Shapterr 18
GABRIEL'S POV
"Elanie.." I tried to push her away pero hindi siya bumibitaw sa pagkakayakap sa'kin.
"Elanie, ano ba?!"
"Gab, bakit ba ayaw mo sa'kin? Ibibigay ko naman lahat, ah? Sabihin mo lang, kahit ano gagawin ko.."
Hinaplos niya ang pisngi ko. I immediately grabbed her hand away but she's really stiff.
"Elanie.." She kissed me passionately. She's caressing me in every way. She's setting up the fire..
I'm about to go with Elanie's flow nang bigla na lang akong napatingin banda sa gilid ko and there, I saw Nygel at bigla akong nakaramdam ng kaba.
Nakita ko ang pagbagsak niya sa buhangin. Na-blanko ako. I know, Nygel is very unpredictable. She may be doing her pranks but I can feel it now, it's not this time. It isn't surreal.
Tinulak ko bigla si Elanie to save Nygel. I know, that was rude but I cannot do anything more gentle that time. I was furious and jittered. I want to save my princess, I need to save my Nygel.
"Saan ka pupunta?" Narinig kong tanong ni Elanie sa'kin habang papalayo na ako sa pagtakbo. But I didn't throw her any answer.
I cupped Nygel's pale cheeks. Mainit siya and probably, she's vulnerable kaya siguro siya unconscious ngayon. Nakaramdam tuloy ako bigla ng guilt. Kanina kasi, kinakausap niya ako. She was approaching me but I resisted her. I feel so stupid. Bakit ko ba siya sinungitan kanina? Para akong tanga. It could be my fault, I should've talked to her. Baka kanina, balak niyang sabihin na masama ang pakiramdam niya pero ako itong si tanga, binalewala siya.
Binuhat ko siya papasok sa rest house at dinala sa mini clinic namin. Hindi ko na tinawag sila mama Angela pati si mom at dad kasi nag-panic na talaga ako, eh. Pinahiga ko siya sa bed at agad na naghalungkat ng mga gamot.
Bastard, Gabriel! You're not even a doctor.
Nilabas ko ang cell phone ko saka nag-dial. Tinawagan ko na 'yong family doctor namin.
Habang kinakausap ko si Doc Arthur, hinawakan ko ang kamay ni Nygel. She's cold.. Pinisil-pisil ko 'yon. Hawak ko pa rin ang kamay niya hanggang matapos ang emergency call. Binitiwan ko lang 'yon nang magsidatingan na silang lahat, nakapagpalit na sila ng damit. All worried, all curious.
Napatayo ako para i-welcome si Doc Arthur saka para i-kuwento kung ano'ng nakita ko. Ang laki ng pagkapahiya ko sa sarili ko.. I think, Nygel saw Elanie and I kissing. I shook my head.
"Gab, bakit hindi mo kami tinawag?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni mommy na nasa gilid ko. Busy kasi ako kakatingin kay Nygel habang chini-check siya kaya 'di ko napansin.
I snorted.
"I panicked mom, sorry. I don't know what to say and what to do kaya dinala ko na siya kaagad dito."
"Okay. Well, I hope she gets better na. Buti na lang at maagap si Doc. Anak, next time sabihan mo kaagad kami para hindi kami nagugulantang, hane?" Mom said.
I'm glad, malayo sa panenermon ang pagsasalita niya ngayon. Minsan kasi sa sobrang 'concern' ni mommy, madalas niya kaming masermonan. Buti nga, malayo na 'ko sa kanya, eh. May sarili na 'kong condo unit kaya hindi na siya gaanong nagagalit. Pati si Harris, dahil nasa Canada siya nag-aral puwera na lang ngayon dahil nag-transfer siya sa Kawaii Academy. He transferred because he fell in love with Nygel in their first acquaintance. He told me the root of the story but I only remember a bit.
"Gab, anak, ano ba'ng nangyari?" Si mama Angela na halos hindi alam kung anong itatanong at kung paano. Nasa tabi niya si mommy at kino-comfort siya.
BINABASA MO ANG
That Juvenile Kind of Love
RomanceHi DEALING WITH MY YOUNG LOVE readers! Pinalitan ko na 'yung title. Gusto kong mag-sorry sa inyo. Na-disappoint ko kayo. Ang tagal kong hindi na-update 'to. Mag-e-edit pa po ako. Sorry talaga. Sana suportahan ninyo pa rin ito. Salamat. =)))