Chapter 37

1.2K 48 6
                                    


REESE

Bakit ako pa ang kailangang mag-orient sa kanya? Ano'ng ginagawa ng executive secretary niya? Maya't-maya, ako ang tinatawag. Halos maghapon na ako sa dito sa office niya. Hindi ko magawa nang maayos ang mga trabaho ko. Sana pala ako na lang ang kinuha niyang assistant, nahiya pa siya.

At ang nakakainis pa, habang busy ako sa kaka-explain sa kanya ng mga kailangan niyang malaman at gawin, busy naman siya sa pagtitig sa mukha ko. Hindi ko malaman kung may natututunan ba siya o wala.

Aside from that, hindi madali 'tong ginagawa ko. I can't just pretend that we didn't talk. At hindi ko pwedeng balewalain ang sinabi niya na ako ang dahilan ng kanyang pagbabalik. Pero sa kanya, as if nothing happened. Parang hindi kami nag-usap. 

After I walked out on him that day, I swore, I will do every possible way not to cross his path again. Kung kinakailangang hindi ako lumabas ng office ko, gagawin ko.

Pero sa ginagawa niya ngayon, imposible ang plano ko. Dahil araw-araw ko siyang nakikita. Kapag naaalala ko ang mga sinabi niya noong araw na 'yon, hindi ko maiwasang hindi ito isipin. It gave me sleepless nights.

Sobrang lakas ng kaba ko nang magpakilala ang assistant niya sa intercom. Akala ko mahihimatay ako nang sabihin nitong gusto akong makausap ni Adler.  Hindi ako agad nakasagot. And when she hung up,  I was left dumbfounded for a few minutes and stared at the wall. Huminga muna ako nang malalim at  nagsimulang kumilos.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Ang pag-aayos ng sarili ko o ang pagpe-prepare ng report.  At malamang ito ang dahilan kung bakit niya ako pinapatawag.  Well, dahil kahapon ko pa tapos ang report, napagdesisyunan kong ayusin ang sarili ko. 

Ayokong bigyan ng ibang meaning ito, pero siguro normal lang na ayusin mo ang sarili mo kapag pinatawag ka ng boss mo, right?

Inamoy ko ang damit ko, I can still smell my perfume. Hindi na siguro ako maglalagay ulit. Kinuha ko ang lipgloss at powder sa bag ko para hindi naman ako magmukhang haggard. I took one last look in the mirror and pleased with what I see. Napangiti ako. Now, I'm ready for him. Mali. I'm ready to go pala.  Kinuha ko ang folder ng report sa mesa at lumabas ako ng office ko.

Ano ang sasabihin ko sa kanya? Ako ba ang unang magsasalita o siya? As if magagawa kong makapagsalita kapag kaharap ko siya. When we first him, all I did was stare at his face. And thank God he left right after kasi may hinahabol siyang flight. Kaya ito ang una naming pag-uusap simula nu'ng bumalik siya from Cagayan de Oro. At hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan. 

Siguro mabuti na rin ito. We've met again but in a work environment. At least may ibang focus ang pag-uusap namin. Dahil hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Pero dahil siya ang nagpatawag sa akin, I expect him to start the conversation.

Huminto ako tapat na ako ng office niya.  On the door, I'm staring at these bold letters in gold.

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT
OPERATIONS

I made myself one very important reminder. Avoid long eye contact. 

So help me God. 

Huminga ako nang malalim at kumatok. Ica greeted me and motioned me to his office's door. As soon as I stepped in, I was met with two glaring eyes. Mukhang kanina pa ito nakaabang sa pagdating ko. He's on black long sleeves paired with wool black pants, his two hands are resting on his pockets. This man is far from the man I fell in love with, a few years back. He's grown few inches taller. O dahil mas lumaki ang katawan nito. And I can't seem to avoid staring at the prominent bulge on his chest . I wonder how many hours he spent in the gym to achieve that. 

Race Against Love (on-going)Where stories live. Discover now