Chapter 25

3.8K 102 13
                                    

REESE

Hindi ko alam kung magugustuhan niyo ito. I can't remember the last time I cooked or prepared something in the kitchen. It's not what I'm best at, but I can say, at least I can make something edible. Napangiti ako habang inaayos ang mga maki na ginawa ko sa mga microwaveables. Pumasa naman ang mga ginawa ko sa panlasa ni Yaya Myrna. Sana magustuhan ni Adler ang mga ito. And since mahilig din siya sa mga oriental foods, I also have some kimchi for him that Yaya Myrna made. It's the best on earth, for sure he'll love it. Next time, magpapaturo na ako sa kanya kung paano gumawa nito.

"May naghahanap sa'yo sa gate. Adler daw."

Napahinto ako sa ginagawa ko. What on earth was he thinking? Wala sa usapan namin na susunduin niya ako.

"Uhm, pakisabi po...ah lalabas na ako." nataranta ako at hindi ko alam ang sasabihin. "Hindi pala, sige pakisabi po, papasukin na lang siya,"

Kunot-noong nakatingin sa akin si Yaya Myrna. Tila naguguluhan sa ikinikilos ko. Pero hindi ito nagsalita at bumalik sa sala.

Nagmadali kong isinilid ang mga ginawa kong maki sa mga lagayan, pati na ang kimchi. I have to meet him at the driveway. Hindi ko na siya papapasukin. Baka lumabas sina Daddy at Mommy. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko kapag nakita siya.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ulit si Yaya Myrna sa tabi ko.

"'Nay pakidagdagan po ulit yung kimchi bukas ha. Magbabaon ulit ako." I tried to sound calm and unaffected. Kahit na halos magkandautal-utal na ako sa pagsagot sa kanya kanina. This is the first time that I had a male visitor and I wasn't prepared for it.

Napalingon ako sa tabi ko. This is to check if she came back. Wala kasi akong narinig na sagot mula sa kanya.

Nakatingin lang ito sa akin at hindi nagsasalita. Hindi ko alam kung may mali ba sa ginagawa ko o may mali ba akong sinabi.

"Bakit po?"

"Manliligaw mo ba siya?" tanong nito nang hindi man lang kumukurap.

Tuluyan na akong huminto sa ginagawa ko. I can't pretend that I'm busy anymore. This is what she's like when she thinks I'm hiding something. She's my second Mom and she knows me well. Nakaramdam ako ng guilt.

At panliliit.

She assumed he's courting me because this is the first time she heard a guy is coming to see me. Wala siyang kaalam-alam na boyfriend ko na Adler. And we've crossed the line of just being lovers. I'm sure she will be disappointed if she finds out.

This is also the reason why I can't just bring him in and introduce to everyone. Especially to my parents and to Nanay Myrna. Hindi pa nila ito nakikita kahit isang beses na umakyat ng ligaw at magugulat ang mga ito kung bigla na lang akong magdadala ng lalaki sa bahay at ipapakilalang boyfriend.

Hindi dahil sa ayoko siyang ipakilala kila Daddy. Well, nagkita na sila before. I mean, ang ipakilala siya as manliligaw, that is a different story.

Kaya lang naman naging mahigpit si Daddy sa akin dati pagdating sa boys, it's because I was still a minor. Siguro naman ngayon, papayagayan na niya akong magka-boyfriend. As long as makikilala niya ito at makikitang dumadalaw sa bahay. Despite this modern age, I believe my parents are still conservative.

That's why I invited him today. Para hindi sila mabigla. I promised Adler that he'll meet my parents soon.

"Kailan ako pwedeng pumunta sa inyo? " lambing nito.

Hindi lang isang beses niyang tinanong ito, pero lagi akong nagdadahilan. Na sa tingin ko ay nahalata niya na hindi ako komportable sa topic na ganun. So he'd tried a downplay. "Punta" lang. Hindi "meet the parents". Hindi "dalaw", kundi "punta" lang. Just like what friends normally do.

Race Against Love (on-going)Where stories live. Discover now