Chapter 31

1.6K 61 10
                                    

REESE

"Natawagan ko na ang catering service, na-accomodate nila ang additional 50 heads na dinagdag natin  sa package. 'Yong mga bulaklak, ako na lang ang magpi-pick up. Konti lang naman 'yon. Baka ma-delay pa ng dating kapag sinabay natin sa mga deliveries nila."

Si Kai. Pinakiusapan ko siyang mag-asikaso ng catering at flower arrangements para sa opening ng dojo. Minamadali na namin ang opening para humabol din sa pagbubukas ng klase.

Dito ko ibinuhos ang oras ko. I kept my mind occupied para makalimutan ko ang isang taong naging pansamantalang sentro ng buhay ko.

Naisip ko ang idea ng pagtatayo ng dojo slash gym, dahil na rin sa kanya. I want to forget him at the same time I want him to stay in one aspect of my life. This is what we have in common. Dito kami nagkakilala.

"Yong mga application forms natin, ako na lang ang kukuha. Malapit lang naman 'yong printing press."

Habang nagsasalita ako, nahuli kong nakatitig sa akin si Kai.

"What?" Sita ko sa kanya.

" Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko alam kung magtatamtampo ako o matutuwa sa gjnawa mo."

Isa ako sa mga magtuturo ng Kyokushin sa binuksan kong dojo. Lex accepted my offer to co-teach, and 3 others na dumaan sa online application na pinost namin.

And yes, since isa ako sa magtuturo, I had to disclose that I hold a black belt in Kyokushin and won several tournaments locally and in Spain.

At ito ang tinutukoy ni Kai.

" Alam mo, ang galing mo ring magtago, buti hindi nahalata nina Lex at Adler na black belt ka."

Inirapan ko si Kai. Though allowed na siyang banggitin ang pangalan ni Alder, it doesn't mean na aaraw-arawin na niyang bukam-bibig ito. Since we started planning to set up the dojo, lagi niyang nababanggit si Adler.

Natawa siya sa reaksyon ko. "Naka-move on ka na di ba?"

Hinampas ko nga siya ng towel na hawak ko at natatawang lumayo.

Well, kung pinagbawalan ko siya dati na 'wag banggitin ang pangalan ni Adler, ngayon, hinayaan ko na lang. This is probably part of my moving on, harapin ang mga bagay na ilang linggo ko ring iniwasan.

At kung hindi nahalata ni Adler na marunong na akong magkarate bago pa ako mag-enroll sa program nila, I wasn't sure. Kasi minsan, napapalakas ang tama ko sa kanya sa sparring namin. At kapag solid ang sipa ko kanya, natitigilan siya saglit, nagtataka.

But anyway, ito na nga. This dojo keeps me from thinking about him, at the same time, this will always remind me of him. Magulo, pero ganun na nga.

At medyo nairita ako when Kai played a song from her phone,  blasted from her bluetooth speaker.

Oh, hush, my dear, it's been a difficult year
And terrors don't prey on
Innocent victims
Trust me, darling, trust me darling
It's been a loveless year
I'm a man of three fears
Integrity, faith and
Crocodile tears
Trust me, darling, trust me, darling

"Kai!"

She knows I hate that song and she's playing it on purpose.

At inasar pa niya ako lalo nang sabayan niya ang kanta. Humarap sa akin at kinanta ng sobrang OA ang lyrics

"So look me in the eyes
Tell me what you see
Perfect paradise
Tearing at the seams
I wish I could escape
I don't wanna fake it
Wish I could erase it
Make your heart believe

But I'm a bad liar, bad liar..."

"KAI!!!"

Naghabulan kami sa dojo habang hawak niya ang phone niya at bluetooth speaker. Lagi na lang niya akong inaasar. Hindi ko na magawang magalit. Siguro dahil medyo okay na ako.

Huminto lang kami nang may mga dumaan upang mag-inquire sa dojo. At ang bruha, she kept the music playing.

Actually, I don't hate the song. I love it. It's just the nemory of it that I hate. Naalala ko siya kapag naririnig ko ang kantang 'yan. At siguro part ng therapy na ginagawa ni Kai sa akin, since medyo okay na ako, ay i-expose ako sa mga bagay na nagpapaalala sa kanya.

Hindi ito madali. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako tuwing naalala ko siya. I gave everything to him, everything, kaya nahihirapan akong magsimula ulit. Pero at least hindi na ako madalas umiyak.

I still keep most of our pictures from my phone. Kung noon, madalas kong pagmasdan ang mga ito kahit na alam kong iiyak ako kapag gjnawa ko ito, ngayon, hindi na. Pero wala pa akong lakas ng loob na burahin ang mga ito. Hindi ko pa kaya. Wala pa ako sa stage na ito. I'm hoping that I can let go of all those stuff, soon. Lalo na ang mga bagay na iniwan niya sa akin.

"Reese, may naghahanap sa'yo."

Natigilan ako at lumingon sa pinto.

It took me few seconds para makapag-react nang makilala kung sino ito.

"Jhon?"

Natatawang lumapit ito at yumakap sa akin.

Hindi ko siya agad namukhaan. His beard and hair have grown.

"Kelan ka dumating?" Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya para pagmasdan siya ulit.

" Ngayon lang. I went straight here. Sabi ni Nanay Myrna, you're here."

How can this guy pull this kind of look off? Siguro kapag ibang tao, mapapagkakamalan mong ermitanyo sa ganitong ayos. But Jhon, kahit ano'ng isuot niya o ayos niya, his good looks and extreme confidence, he always stands out.

"So, this is it?" Tanong nito habang iginala ang mata sa dojo.

"Finally," maikli kong sagot.

Nabanggit ko sa kanya ang plano ko. At full support naman siya. He even offered to help me, pero tumanggi ako. Kaya nagtataka rin ako kung bakit siya umuwing Pilipinas. Hindi man lang siya nagsabi.

Nahagip ng mata ko si Kai. She's mouthing "sino yan?", sabay kindat at kagat-labi. Parang tanga. I'm sure she finds Jhon attractive. But I ignored her. Kukulitin ako nito mamaya tungkol kay Jhon.

"Ang laki ha," dagdag nito.

"Yeah, half of it is gym kaya gusto ko malaki 'yong space."

He's heading to the window, I followed.  The dojo is at the fourth level, overlooking the city view.

"The view is nice. Maganda rin ang location ng building. Did you buy it?"

"How I wish it's for sale," sagot ko.

Tumawa ito.

" Third level is for lease, I saw the ads sa baba. Maybe I can open up my own firm, too," makahulugang sabi nito.

"How long will you be staying?"

Humarap ito sa akin at hinawakan ang mga kamay ko at ngumiti.

"I'll be staying for good."

***

Thank you for reading! ^_^

Race Against Love (on-going)Where stories live. Discover now