Chapter 33

1.4K 58 6
                                    

REESE

"Congratulations!" Halos mapatalon ako sa gulat.

Nakangisi si Kai habang hawak ang dalawang glass ng champagne. Inabot niya sa akin ang isa.

"Kaa-aanounce lang ng engagement mo. Ba't para kang namatayan?" biro nito.

Pahablot kong kinuha ang baso sa kamay niya. "Ang wild talaga ng imagination mo," sagot ko sa kanya.

Wait, gano'n ba talaga ang dating ko? Na hindi ako masaya sa announcement ng engagement ko? Bakit ganito siya mag-isip? She thinks I'm not happy about it?

"Umayos ka ha. Baka makita ka ni Jhon na ganyan ang histura mo."

This time, I did not object. She's right. Right after our engagement was announced, lumayo agad ako sa kanilang lahat. Hindi ko alam kung bakit. Basta gusto kong mapag-isa. Ibig sabihin ba nito, hindi ako masaya sa engagement namin ni Jhon?

"Hindi pa naman kayo kasal. Engagement pa lang naman ito," paalala niya.

Hindi ulit ako sumagot. Kung ano man ang iniisip ni Kai na nararamdaman ko, she had it right. Hindi ko na kailangan pang magpanggap kay Kai. She's my bestfriend. Hindi man niya mahulaan minsan ang takbo ng utak ko, alam na alam niyang basahin ang expression ng mukha ko at mga kilos ko.

I drank the champagne, straight. Iniwan ko siya at lumapit ako sa bar. Nag-request ako ng isang shot ng tequila at umupo. Nakasunod si Kai at umupo rin sa tabi ko. Sinaid ko ang laman ng shot glass. Parang uhaw na uhaw pa rin ako. Humingi ako ng isa pa. At ng isa pa. Hindi ko pinapansin si Kai na nakamaang sa akin.

After the third shot, nagsalita si Kai.

" Kapag hindi ka nakatayo diyan at hindi makapaglakad ng derecho, tandaan mo, hindi kita kayang iuwi mag-isa. Hindi ka naman pwedeng sumabay sa parents mo at magtataka sila. You arrived here on a separate car. At lalong hindi ka pwedeng mapgpahatid kay Jhon. Ano na lang ang iisipin no'ng tao sa ganyang ayos mo?"

My mind went numb as I stare at the empty shot glass in front of me. Why are we having this kind conversation? Pwede naming pag-usapan ang tungkol sa detalye ng kasal. O kaya ng reception at kung ano ang mga menus. Pero bakit ganito?

"This is the best time para pag-isipan mo ang married life. Habang engaged ka. Kasi kapag kasal ka na, there's no turning back. I mean, it will be hard to break free especially when you have kids."

I want her to stop talking. Kasi lahat ng sinasabi niya ay totoo at tagos ito. I know she's referring to her experience with Owen. Until now, hindi maiwan ni Owen ang asawa dahil sa mga anak nila. And this could happen to me in case my marriage with Jhon goes south.

I smiled. " Don't worry, pag-iisipan kong mabuti."

Umirap ito. "Siguraduhin mo lang. Eh pumayag ka nga sa engagement nang sa tingin ko hindi mo napag-isipang maigi."

Hindi ako nakasagot. She's right, again. This seemed to be a rushed engagement. No'ng sinabi ni Daddy na isasabay ang announcement ng engagement namin sa Thanksgiving Party ng La Casa Grande, I reluctantly agreed. Maganda kasi ang reason ni Daddy kung bakit niya nai-suggest ito. The long guest consists of our families, friends, relatives and associates. This is a great opportunity to let everyone know the integration of two powerful families.

"I'll just look for Owen. Let me know if you need me," she finished her champagne and left.

Pag-alis niya, pakiramdam ko, nag-iisa ako. Siya lang ang nakakaalam ng totoong nararamdaman ko. I am an unwilling guest in my own engagement. Hindi pa nga nagsisimula ang party kanina, iniisip ko na kung anong oras ako uuwi.

I love Jhon, but not the type of love I felt before.

Pumikit ako nang madiin. No. I can't believe I'm doing this. Ayokong isipin ang nakaraan. Sinabi ko sa sarili ko magsisimula ulit ako sa wala. Na kalilimutan ko ang lahat. Pero ang hirap. Nahihirapan ako. It's like there's something deep inside me that won't go away.

Ito siguro ang ibig sabihin ni Kai. My mind and heart went somewhere else.

Or my heart and soul are still with someone else.

Bakit gano'n? Ginawa ko naman lahat para kalimutan siya, pero parang walang nangyari. This burden in my chest weighs and pains me even more.

Kaya ako pumayag kay Jhon na magpakasal, baka sakaling magbago ang nararamdaman ko. Pero hindi pa rin.

And I think one more shot won't hurt. Pero biglang umikot ang paningin ko. Hindi ko matandaan kung gaano na kadami ang nainom ko. I've been drinking even before I saw Kai. Kahit champagne lang ang ininom ko bago ako nag-tequilla, sa tingin ko malakas pa rin ang tama nito sa kagaya kong hindi sanay uminom.

Pinilit kong tumayo at lumipat sa isa mga dining table. Sobrang hilo ko. I searched the venue hoping to find Jhon. Pero hindi ko siya makita. Pero ano naman ang sasabihin ko sa kanya kapag nakita ko siya? Napailing na lang ako.

No, not Jhon. I need Kai. Inilabas ko ang phone ko galing sa pouch. I tried calling Kai pero hindi ito sumasagot. And I'm too groggy to text.

Sumandal ako sa chair. And the music being played by the DJ is rocking me to sleep. Hindi ko na talaga kaya. I leaned on the table and closed my eyes. The music is slowly fading. Gumaang ang pakiramdam ko. Hanggang sa wala na akong marinig. And I drifted away.

" Reese..."

***

Thank you for reading! ^_^

Race Against Love (on-going)Where stories live. Discover now