Prologue

152 10 1
                                    

Why does it seem so easy for a guy like him to get the attention of these girls so effortlessly?

Ni hindi manlang siya nagpakahirap na suyuin ang bawat babaeng nakatingin sa kaniya habang mahinang naghihiyawan. Bakit? Ganoon ba siya kapogi at nalipat ang mga matang ito na sa akin lang noon nakatingin?

Napakamot ako sa ulo bago pa man hawiin ang mga babaeng hindi maalis ang hawak sa asul na trapal na ginagawang harang para sa itatayong bagong building. Umaga palang ay kumpulan na ng tao ang paligid. Nagtataka ako kanina dahil sa bawat silid na nilalakaran ko'y iilan lang ang mga nandoon. Kaya pala! Nandito silang lahat!

"Makikiraan lang," magalang kong wika bago maingat na hinawi ang kumpol na tao.

Simula noong Lunes ay hindi ako pumasok sa eskwelahan dahil sa problema sa pera. Sa tanda ko'y maayos-ayos pa ang lugar na ito ng iwan ko ngunit matapos ang dalawang araw kong pagkawala ay siya ring pagkawala ng mga kaibigan kong babae dahil sa bagong transferred student na walang ginawa kundi pumunta rito sa ginagawang bagong building. Nag-iba na bigla ang kanilang atensyon.

Pinagbabawal na pumunta ang mga estudyante rito ngunit tila pasaway ang bagong dayo. Ginawa niya sigurong pahingahan ang lugar at hindi manlang nahiya sa mga nagtatrabaho sa loob. Napaka papansin!

"Makikiraan, girls," sambit ko ngunit hindi nila ako pinansin.

Napakamot muli ako sa ulo dahil para na akong anino. Bago matapos ang Friday ay kinamusta pa nila ako. Nag 'see you' pa sila sa akin ng uuwi na ako ng bahay. Pero bakit parang pakiramdam ko'y napalitan na ako ng ganon-ganon lang?

Simula kase kaninang umaga ay hindi na nagtigil ang mga babae sa pagsilip sa lugar na ito kahit pa pinaliligiran ng asul na trapal. Walang pwedeng pumuntang estudyante sa paligid dahil under construction nga ang building. Ngunit mas gugustuhin pa 'ata ng mga babaeng ito na mahulugan ng semento sa ulo kaysa sundin ang nakapaskil na babala sa bawat puno.

"Teka, ano bang tinitignan niyo d'yan?" Iritado kong tanong.

Pwersahan ko silang hinawi at pakunyaring sumiksik ng hindi ako pinansin. Ngunit ganoon na lang din ang mabilis kong paghawak sa kung saan ng maramdaman ang resulta ng ginawa kong pagsiksik para lang makita kung sino ba ang lalaking tinitignan nila kanina pa. Nagtilian ang iilan sa nangyare habang sinubukan ko namang itayo ng maayos ang mga paa ko para hindi ma-out balance. Kumapit pa ako ng mahigpit sa trapal habang ang iilan ay napaupo na sa bato-batong sahig.

"Araayyy! Puta! Ano ba?!" Malakas na inda ng babaeng nakasalamin. Napa-upo siya sa sahig habang ang kamay nito'y naipit ng isa pang babae na napaupo rin.

Agad akong nagmadali para tulungan siya sa pagtayo ngunit hinawi niya ng malakas ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya at umatras para bigyan siya ng space na makatayo. Manghihingi na sana ako ng sorry sa ginawa ko habang abala itong nag aayos ng sarili ngunit ganoon nalang ang naging pagtatako ko ng makita ang matindi niyang pag-irap na nagpa ahon sa galit ko.

"Aba!" Wala akong masabi matapos niya akong irapan. Napahalukipkip ako sa inis bago pa ito tuluyang makatayo.

Hinuhuli ko ang tingin niya para sana gantihan din ngunit hindi siya lumingon. Bagkus ay iritable siyang nagpa-pagpag ng suot na palda at kamay bago tumingin sa akin na akala mo'y nasa isang teleserye kami.

"Bakit kase kailangan mo pang sumiksik dito? Wala ka bang manners o nag iisip ka manlang ba?" Matalim na tanong niya sa akin. Umiling pa ito na naging dahilan ng pagsunod ng maiksi niyang buhok. "Tsaka, akala ko ba tomboy ka? Bakit nakikigulo ka rito? Ha? Gusto mo na rin ba ng lalaki at ganiyan mo kami kalakas hawiin?" Maamo na pinaghalong galit ang tono ng boses niya habang tinatanong ako. Tila naghalo ang takot at inis niya sa nangyare kanina dahil sa paninitig ng kaniyang mga mata. Sabayan pa ng matatalim at matatalas na pananalita niya.

Kissed By The SunlightWhere stories live. Discover now