Pinilit kong matulog matapos makauwi kaninang madaling araw. Masiyadong maraming nangyare sa buong magdamag sa kasal ni tita at hanggang ngayo'y hindi ko pa rin maiwasang hindi maluha. Kung wala lang akong exam ngayong araw ay magtatago ako sa kwarto at magpapahinga lang ngunit sigurado ako na si Mara'y naghihintay sa eskwelahan. Baka natataranta na siya ngayon dahil hindi niya ako makontak.
"Sabihin mo sa akin ang totoo, anak, wala ba talagang nangyare sa kasal kahapon?" Pang limang beses na tanong ni Nanay sa akin.
Kanina pa niya ako pinipigilan sa pag-alis dahil hindi niya matanggap ang isinasagot ko.
"Wala po talaga, Nay, promise po." Pagsisinungaling kong muli.
Iwas ako ng iwas sa pagbabasa niya ng kalungkutan sa mata ko tuwing nagtatanong ngunit hangga't kaya pang pagtakpan ng bibig ko 'yon ay gagawin ko. Alam ko kase ang mangyayare kapag sinabi ko ang totoo. Susugurin niya si tita Laura kahit pa hindi maganda ang kalagayan niya.
"Kung gano'n, bakit namamaga ang mata mo? Bakit hanggang ngayo'y gusto paring lumabas ng mga luha mo? Sabihin mo kung bakit, Freesia. Ako lang ang kakampi mo, anak. Pinahiya ka ba ng tita mo?"
Umiling muli ako sa ina. "W-wala po talaga, Nay. Sobrang emosyonal lang po talaga ng kasal ni tita Laura kahapon kaya po naiyak ako. Pero wala po talagang nangyareng. . . pagpapahiya." Napapikit ako matapos magsalita ng maalala ang muka ni tita Laura habang pinapa-ulan ang pera sa harap ko.
Sa hiya ko kahapon sa perang pilit kong isinasalba sa pagkakabasa ay pinalitan ko 'yon ng tuyo at maayos-ayos na libo gamit ang pera na bigay ni sir Larke sa akin sa sabungan bago ibigay kay Nanay. Kahit pa halos sampong libo ang nakuha ko kahapon sa pagpapaulan ni tita ng pera ay hindi ko maramdaman ang tamang halaga ng ginawa ko kahapon. Ganoon din ang hindi ko matanggap na paraan ng pagkuha ko ng pera sa sahig.
"Naglilihim ka sa akin." Puna ni Nanay. "Iniisip mo bang susugurin ko ang tita mo sa ganito kong kalagayan?" Tanong niya. "Kung ayaw mong sabihin sa akin ay ayos lang, anak. Sa pananahimik mo na 'yan ay positibo akong may ginawa siya sa'yo na ayaw mong malaman ko. Sige na, mauna ka na at mahuhuli ka sa klase."
"Nay. . ."
"Exam mo at baka mahuli ka. Kanina ka pa dapat umalis e. Sige na, anak. Iwan mo na si Nanay." Aniya bago subukang tumayo.
Kagat-kagat ko ang bibig ko bago magpa-alam kay Nanay. Alam niya na may mali sa akin at may inililihim ako sa kanya ngunit pilitin man niya ako'y hindi ko kayang aminin sa kanya.
Ayokong dagdagan ang alitan nila ni tita Laura. Ayos naman na e. Natapos ko na ang pagkuha ng litrato sa kasal niya at bayad na rin naman niya ako. Ang problema nalang ay ang memory card. Paano ko 'yon ibibigay sa kanya?
"Eneng, 'yung I.D ha. Pakisuot." Pakisuyo ng guard.
Nahinto ako sa pagpidal ng makitang hindi ko nga suot ang I.D. ko. Kinapa ko sa bag 'yon at nang makita ay agad kong sinuot bago pumasok sa campus.
Tamad na tamad akong pumasok ngayon at napipilitan akong gumalaw. Namamaga ang mata ko kakaiyak kagabi sa paghiga sa kama. Marami kaseng ala-ala na pilit na nagpapaalala sa sinapit ko sa kasal. Dagdagan pa ng mga binitawang salita ni sir Larke na hindi ko matanggap.
Lalayo na raw siya at iiwas.
Dapat maging ayos ako sa pinangako niya hindi ba? Ayun ang pinapaki-usap ko sa kanya noon pa man. Na lumayo at iwasan nalang ako dahil hindi naman talaga kami magkakilala. Pero ngayong sa bibig niya nagmula iyon ay pakiramdam ko'y nasasaktan ako.
"Hmn, you're almost late." A cold and low voice whispered in my ear.
Agad akong lumingon sa likuran sa pag-aakalang si sir Larke ang bumulong sa akin ngunit nadismaya ako sa nakita.
YOU ARE READING
Kissed By The Sunlight
RomanceThe Andrade Siblings Series #1 'Isang kasalanan ang maging babae.' 'Yan ang tumatak sa isip ng dalagang si Sygourney Freesia Paz noong bata palang ito matapos iparamdam ng ama na ang tulad niyang babae ay mahina, walang kakayahan at puro iyak lang a...