Diretso ako sa CR matapos lumabas ng site. Tuyo na ang ilang semento sa uniporme ko at ganoon din ang dugong mayroon ang balat ko.
Pinag titignan ako ng mga college student dahil sa itsura ko pero hindi ko sila binigyang pansin. Dumiretso ako sa CR nila para maligo. Ngunit wala akong maisusuot na pampalit. Hindi ko rin matawagan ang kaibigang si Neil dahil ibinenta ko ang cellphone ko kahapon. Ngayon naman ay nag aabang ako ng kakilala sa loob ng CR para makisuyo.
Hindi ako madalas nakakapasok sa eskwela dahil rumaraket ako. Kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi ako aabsent at papasok ng eskwela ng tatlong beses sa isang linggo.
"Grabe!"
Napanguso ako ng tignan ko ang aking sarili sa salamin habang ang kamay ko'y hawak ang aking muka.
Kung naging lalaki kaya ako ay kasing gwapo ko rin ang lalaking nakita ko kanina sa construction site? Medyo makapal ang kanyang kilay habang ang akin ay sakto lang ang kapal. Malago ang kanyang buhok at maayos 'yong nakasuklay. Matatalim naman ang kulay itim na may halong kayumanggi nyang mga mata habang ang akin ay tila ba kakulay ng puno. Hindi astigin. Hindi nakaka-akit. Hindi matapang at hindi nakakatakot. Dumagdag pa ang marami at mahahaba kong pilikmata na madalas nilang purihin dahil bumbayin daw ito. Ang ilong ko naman ay matangos habang ang bibig ko ay nanunuyo na dahil sa kapabayaan. Agad ko iyong binasa at nahalata ang pagkakapula.
Napadpad ako sa aking maliit na katawan at napairap ako sa inis.
"Napaka payat ko!" Ibinato ko ang aking I.D lace sa salamin.
Paano ako magiging lalaki kung ang muka ko'y pambabae? Ang katawan ko naman ay parang pinabayaan. Payatot! Kumakain naman ako ng marami kahit pa dalawang beses lang sa isang araw. Ang dib-dib ko naman ay malaki. Kung hindi ko pa iipitin ay hindi ito magiging flat. Samantalang ang kamay ko naman ay mahahaba at mapapayat. May iilang kalyo ito na ikinapapasalamat ko dahil karamihan sa lalaki ay may kalyo.
Iba-iba rin kase ang raket ko. Kung hindi ako sa tindahan ni Tatay na bentahan ng karne sa palengke ay sa salon ako. Pinapagamit ko ang muka at buhok ko para sa model ng business nila. Minsan naman ay sa tita kong kapatid ni papa. Ginagawa nya akong utusan. Bili ng ganyan, punta sa ganito. Pero ngayon, ang pinag kakaabalahan ko ay sa Japanese restaurant. Isa akong food runner doon kung saan, ako ang responsable sa pag deliver ng inorder na pagkain mula sa kusina hanggang sa customer table.
Natanggap lang naman ako sa trabahong 'yon dahil malapit na ang birthday ko. Pero kung malayo pa ay hindi nila ako tatanggapin.
Eighteen na ako next month at ang edad na iyon ang pinakahihintay ko sa buong edad ko sapagkat, may mga trabaho akong gustong pasukan na hindi pwede. Tangging maliliit na raket lang ang kaya ng edad ko sa ngayon para sa gamot ni Nanay.
"Sygo?"
Natigilan ako sa pagmamasid sa sarili ng may narinig na tatlong katok mula sa pintuan.
"Sy?"
Nangunot ang noo ko sa pamilyar na boses, "Neil?"
"Uy, Sy?" Tawag nyang muli bago kumatok.
Napatayo ako ng maayos matapos marinig ang boses ng kaibigan kong si Neil sa labas ng CR. Paano nya nalaman na nandito ako?
"Sygourney! Nandyan ka pa?" Tawag nyang muli.
Gumuhit ang labi ko sa saya, "Pako? Ikaw 'yan 'diba?"
"Oo. Buksan mo 'tong pinto. Bilis."
"Pakoo," Gaya ng inutos nito'y kumilos ako para pagbuksan siya ng pinto. "Pako, alam mo bang ang dumi ko na? Ang dumi ko talaga," pagpapaalam ko sa kanya ng pihitin ang doorknob.
YOU ARE READING
Kissed By The Sunlight
RomanceThe Andrade Siblings Series #1 'Isang kasalanan ang maging babae.' 'Yan ang tumatak sa isip ng dalagang si Sygourney Freesia Paz noong bata palang ito matapos iparamdam ng ama na ang tulad niyang babae ay mahina, walang kakayahan at puro iyak lang a...