Sinampal ko ng malakas ang muka ko ng magising mula sa pagkakatulog. Sa unang pagmulat ko kase ay si Larke ang una kong naisip. Yung mga nangyare ang una kong naalala. Sa hindi makapaniwalang pangyayare ay sinadya kong sampalin ang muka para magising sa katotohanan.
Hindi naman ako na nanaginip hindi ba?
Muli kong sinampal ang muka na siyang pag ngiwi ko sa naramdamang sakit.
"Aray!" minasahe ko ang pisngi ko bago pa maisipang tumayo sa pagkakahiga at dumiretso sa labahin. Hindi ako makontento dahil hanggang ngayo'y hindi ako makapaniwala.
Hinawakan ko ang suot kong damit kagabi at ganoon nalang ang pag ngisi ko ng mahawakan ang basang damit.
"Totoo ang nangyare kagabi. Hindi panaginip." nakangiti kong bulong.
Hinarap ko muna ang sarili sa salamin bago pa pagmasdan 'yon. Ngayon ko lang nakita na may ganito pala akong itsura. Paanong na aappreciate ko ang kung anong meron ako ng walang iniisip na pagkukumpara?
"Hayst!"
Inangat ko pa ang kamay ko kung saan hawak ang kamay ni Larke kagabi. Nararamdaman ko pa rin ang kamay niya sa kamay ko tulad noon sa bewang ko.
Ang saya sa pakiramdaman!
Niyakap ko ang sarili gamit ang kamay at muling tumingin sa salamin. Agad ang pagseryoso ko ng muka ng mapansin ang pag ngiti ko.
Para akong ewan!
"Nagkape ka na ba, hijo?" rinig kong boses ni nanay sa labas ng kwarto. Nangunot ang noo ko sa pagtataka. Sino ang bisita ni Nanay?
Naglakad ako papuntang pinto bago pa dahan-dahang sumilip sa sala. Nakita ko ang kaibigan ko ro'n na nakayuko habang nakaupo sa kawayan naming upuan.
"Tapos na po, tita. Nag almusal na rin po ako" sagot ng kaibigan.
Naka porma siya ngayon. Suot ang puting t-shit na pinatungan ng denim jacket at denim jeans ay nagmuka itong modelo. Sabayan pa ng bagong hair cut niya na tila ba isa siyang matipunong maginoo. Ngunit makikita ang lungkot sa muka niya.
May problema ba siya?
"Pst!" sitsit ko sa kaibigan na siyang lingon sa akin. Ganun din si nanay na naka-upo sa tapat niya. "Pogi mo ngayon ha!" puri ko ngunit umisnab siya.
"Papasok ka ba? Ihahatid kita." tanong niya ng hindi nakatingin sa akin. Nagkatinginan kami ni nanay dahil iba ang ipinapakita ni Pako ngayon.
"Day off ko ngayon hindi mo tanda?" sagot ko bago lumabas sa loob ng kwarto. Nakikita niya na naka sando lang ako at naka short. Medyo gulo pa ang buhok ko at wala pang mumog pero hindi naman bago 'yon sa kanya dahil maski noon naman ay nakikita na niya akong ganito.
Tumabi ako kay nanay para makita ko ng malapitan ang kaibigan. "May...may problema ka ba?" tanong ko.
Gusto ni nanay tumayo ng marinig ang tanong ko ngunit napa-upo lang din siya sa pagsubok dahil hindi niya kaya.
"Nay dito ka lang po muna."
Umiling siya, "May pagtatalo kayong magkaibigan kaya ayusin niyo muna 'yan." anya habang sinusubukang tumayo kaya naman inalalayan ko siya.
Kaya na ni Nanay maglakad ngunit hindi ganun kadali't kabilis dahil namamanas parin ang katawan niya. Ganun din ang pangingirot nun. Hirap siyang maglakad kaya nag tataka ako kung paano siya nakalabas ng kwarto kanina. Siguro'y pinilit niyang indahin ang sakit gaya noon para lang makabangon at makapaglakad kahit papaano.
"Tita ako na po." mabilis na tumayo si Pako bago alalayan si nanay sa paglalakad. Dalawa kaming umaalalay kay nanay. Nagkatinginan pa nga kami ngunit iniwasan niya ako ng tingin.
YOU ARE READING
Kissed By The Sunlight
RomanceThe Andrade Siblings Series #1 'Isang kasalanan ang maging babae.' 'Yan ang tumatak sa isip ng dalagang si Sygourney Freesia Paz noong bata palang ito matapos iparamdam ng ama na ang tulad niyang babae ay mahina, walang kakayahan at puro iyak lang a...