"Hindi ka talaga papasok? Pero ngayon ang araw ng exam." Ngumunguya ng pepino si Mara nang mag video call sa akin.
Alas singko na ng umaga at balak niya akong sunduin dito sa bahay ngunit ipinaalam ko na hindi ako mag eexam ngayon dahil dadalo ako sa kasal ng tita ko.
Mas natatakot kase ako na pagalitan niya kaysa mag exam sa eskwela kaya oo. Pinili ko ang mapanakit kong tita.
"Meron namang special exam e. Doon nalang ako mag tetest." Sagot ko.
Kumamot ito sa ulo. "Pero bukas papasok ka naman 'di ba?" Tumango ako sa kanya. Huminga naman ito ng malalim. "Sige sige. Ang mahalaga papasok ka. Calculus ang exam bukas at tang*nang subject na 'yon. Hindi ko talaga maintindihan kahit pa itinuro mo na sa akin ng maraming beses." Anya.
Bahagya akong natawa sa sinabi nito. "Dapat maunawaan mo kahit kaunti."
"Ay hindi! Mas mauunawaan ko ang sagot mo kapag nangopya ako."
Sabay kaming tumawa sa biro niya.
"Aralin mo pa rin kahit papaano, Mara dahil baka hindi tayo magkatabi sa upuan bukas." payo ko bago pa hipan ang apoy sa gasera para mas lalong magdilim.
"Oo, susubukan ko. Papaturo ako kay kuya Neil at baka sa kanya e maintindihan ko. Ay teka nasaan ka?!" Tawag ng babae matapos makitang madilim ang screen ko. "Kinuha ka na ba ni satanas? Pero maaga pa ha."
"Loko!"
Pinagmamasdan ko ang muka ng babae sa cellphone habang nakamulat ng malaki ang mata niya kakahanap sa akin.
"Pinatay ko na ang gasera dahil magsisimula ng lumiwanag. Hindi ka pa ba pupunta sa school? Baka malate ka." Pagpapaalala ko matapos tanggalin ang tali ng buhok.
Hindi pa nakikita ni Tatay, Mara at Lascie ang buhok ko. Matapos ko kaseng magpagupit kahapon ay sa center ang tungo ko. Si Pako ang unang nakakita sa buhok ko dahil inabangan niya ako sa babaan ng jeep ng mag text ako na pabalik na.
Nakangiti ang loko nang makita ako ngunit nang makitang nakatali ang buhok ko'y mabilis niya 'yong tinanggal.
"Mahabaging diyosa!!" Unang salitang binigkas niya. Nangunot ang noo ko sa pagka OA niya. "Hindi halatang wala kang pera sa hairstyle mo, sister ha. Nagmuka kang mayaman." Mangha niyang sabi bago pa tumungo sa harapan ko.
Pinagmamasdan niya ang buhok at ang muka ko kaya medyo ngumiti ako para mas makita niya kung ayus ba na ganito ang gupit ko.
"Bagay." Anya habang tumatango. "Bagay na bagay sa'yo, Freesia. Lalo kang gumanda alam mo ba 'yon?" Umiling ako.
Freesia na rin ang tawag niya sa'kin.
Hinahaplos haplos niya ang buhok ko habang papunta sa center kung saan nandoon si Nanay. Tuwang tuwa ito kahit pa hindi nasunod ang gusto niyang gupit sa akin dahil bumagay raw ito sa hulma ng aking muka.
"Ibinenta ko po ang buhok ko, Nay. Sayang naman po kung itatapon lang." bigkas ko habang pinag pipyestahan nila ang buhok ko sa kakahaplos.
"Kung ano-ano nalang binibenta mo." Tugon ni Pako. Siniko ko siya na ikinatahimik nito.
"Ayus lang, Anak. Ayus lang 'yon." pag sang ayon ni Nanay. "Ganito ang itsura ko nung college sa medical school. Magkamukang magkamuka tayo alam mo ba 'yon?"
Tumawa ako sapagkat halatang-halata na magkamuka kami.
"Hay naku tita, para ka lang nananalamin kapag kaharap mo 'tong si Sygo. Pinagkaiba lang ay mas maganda po kayo kaysa sa kanya." Pagsingit ni Pako. Nagsasalita siya habang sinusuklay ang buhok ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/268968722-288-k236857.jpg)
YOU ARE READING
Kissed By The Sunlight
RomanceThe Andrade Siblings Series #1 'Isang kasalanan ang maging babae.' 'Yan ang tumatak sa isip ng dalagang si Sygourney Freesia Paz noong bata palang ito matapos iparamdam ng ama na ang tulad niyang babae ay mahina, walang kakayahan at puro iyak lang a...