Chapter Thirteen

53 9 0
                                    

"February six." Bigkas ni Milca habang tinatype sa cellphone niya ang araw ng birthday ko.

Nilalangaw na ako sa pagtayo rito ngunit hindi ko magawang umalis at puntahan ang kaibigan. Panay kase ang kulit sa akin ni Milca tungkol sa araw ng birthday ko kaya, kahit ayaw ko mang sabihin ay sinabi ko. Matigil lang ang pangungulit niya. Ngayong nakuha na niya ang gusto niya'y hindi ko pa rin magawang umalis dala ng nararamdaman. Pakiramdam ko kase may kulang sa puso ko ngayong araw at. . .at hindi ko alam kung ano 'yon.

"You managed to push the wind in a different direction. Akala ko ba'y papauwiin mo ang kuya mo?" Medyo napalakas ang sambit ko sa huling salita.

Napaangat ito ng tingin at nangunot noo sa akin. Gusto ko siyang bigyan ng tingin na nagsasabi sa nararamdaman ko ngayon ngunit naglihis siya ng tingin at itinuon iyon sa paghahanap sa kuya niya.

Nang makitang medyo naging kalmado si sir Larke ay ngumiti ang babae.

"Hays, okay na pala, Ate. Don't worry. Uncle Daryl is with him. He knows how to tame the monster. Magkasing ugali sila kaya nagkakasundo. Hayaan mo na lang sila." Nangingisi niyang wika na tila ba wala lang ang pang iistorbo sa akin.

Kanina lang ay natataranta siya at natatakot sa inaasta ng kuya niya ngunit ngayon ay nakampante ito matapos mabago ang ihip ng hangin.


 Hindi ko siya maintindihan.


Humalukipkip ako sa pagtayo at pinagmasdan pa ng saglit ang mag tito na nakatalikod sa amin hawak ang malaking papel.

"Nga pala, ang balita rito sa school. Si sir Larke daw ay galing Europe? Nag aral ba siya do'n o. . . doon na siya tumira matapos ng nangyare sa mommy niya?" Bigla kong tanong kay Milca.

Umiling siya bago tumingin sa akin, "Nope. He studied here in the Philippines. Pero hindi siya tumira kasama si dad." Maiksi niyang sabi.

"Hindi tumira? B-bakit naman?" Kuryos kong tanong.

Sa hiya ko dahil sa malisyosong tingin ni Milca ay napabaling ako sa mag tito na abala sa kanilang ginagawa.

"Curious ka ha."

"Ah, hindi naman," tanggi ko.

"Anyways, Kuya left our house. He was six at that time sabi ni Kuya Clarence."

Nagtaas ako ng kilay sa nalaman. "Sa ganoong edad? Saan siya tumira kung gano'n?"

Hindi agad ito nakasagot sa tanong ko. Bagkus ay tumingin siya sa akin, at sa cellphone niya bago 'yon ipasok sa maliit na wallet.

"Kuya left our house because he's mad. He's always been like that. He would rather leave the house and vent his anger elsewhere than hurt his family. Pero noon, hindi na siya bumalik."

Tila ba isa akong chismosa na naghahangad pa ng maraming impormasyon mula sa kaniya ngunit ang babaeng ito ay natutuwa sa ginagawang pambibitin sa akin.

Bakit paunti-unti siya?

"Mas pinili niyang lumayas sa bahay at tumira sa kapatid ng nanay niya kaysa tanggapin si mommy. Lumaki siya sa probinsiya kasama ang mga kamag-anak ng nanay niya. He's alone and he keeps all the ache to his heart. Wala siyang kasama. Walang dumamay sa kaniya. But kuya is the kind of person who can endure pain without showing his feelings. Magaling siya sa gano'n. But if you ever try to imagine, I think, ang batang si Larke ay umiiyak gabi-gabi sa sarili niyang kwarto. Not wanting people around him to see his weaknesses. Dinadamdam niya ang pagkawala ng ina. But who knows, right? You can see in him now that he is a strong person but he's cold and a demon. He's secretive and evil."

Kissed By The SunlightWhere stories live. Discover now