"F-freesia, Freesia, anak . . .s-sorry. . ."
Paulit-ulit kong naririnig ang tawag ni Nanay matapos lumabas ni Tatay ng bahay.
Wala akong lakas na tumayo at daluhan siya kaya nanatili akong nakatingin sa pintuan.
Inilabas kong lahat ng luhang hindi ko kayang pigilan habang nakaluhod sa sahig. Umalis si Tatay at iniwan kami ni Nanay. Galit na galit siya sa akin. Hindi niya gusto ang tulad ko. Hindi niya gustong babae ang naging anak niya.
Noon pa ma'y ramdam ko na iyon at lagi niyang ipinapaalam ngunit hanggang ngayo'y hindi ko parin matanggap. Sa kada salita niya na sana ay naging lalaki nalang ako ay nadudurog ng sobra ang puso ko. At ngayon naman ay pinag sisisihan niya na pinanagutan niya kami ni Nanay. Kitang kita ko iyon sa dalawa niyang mata. Hindi siya nagsisisi na sabihin sa akin ang lahat ng iyon.
"Freesia. . ."
Pinunasan ko ang aking luha at iika-ikang dumalo kay Nanay. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang kamao ni Tatay sa aking tiyan, ang palad niya sa aking muka at ang kamay niya sa aking buhok.
Naaawa ako kay Nanay. Hindi ko alam kung ganito ba ang turing ni Tatay sa kanya tuwing wala ako. Ngayon lang kase nangyare ang ganitong kaganapan dahil noon, kapag nag kakaroon kami ng hindi pag kakaunawaan ni Tatay ay sa likod bahay niya ako sinasaktan.
"Nay, k-kumusta po kayo?" Hinimas himas ko ang muka ni Nanay habang inda-inda ang tiyan. Si Nanay naman ay gustong hawakan ang muka ko ngunit pinipigilan niya dahil masasaktan ako.
"Anak..." saglit itong huminto ng pagsasalita. Kitang kita ko ang kintab ng kanyang mata sa pag-iyak. "Iwan mo si Nanay ha?"
"P-po?"
"Aalis ka ngayon, Freesia. Hindi ka muna rito tutuloy. Naiintindihan mo?"
"N-nay. . ."
"Ayus lang, Freesia. Ayus lang ha? Sa ngayon sa tita mo Damiana ka muna tutuloy. Maiintindihan niya, anak. Basta sabihin mo lang na inutusan ka ni Nanay. Gaya noon. Tanda mo pa?"
Umiling ako at siya ring sabay ng pagtulo ng luha ko. "Ayoko po, Nay," Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.
Hindi na ito kalmado ngayon. Ang pananalita niya ay natataranta na. Ang kanyang haplos sa akin ay mabilis na para bang kinakailangan kong magtago upang hindi mahanap ng kung sino.
"Sige na, Freesia." Lumandas ang luha sa mata ni Nanay. "Parang awa mo na anak. Sige na." Itinulak niya ako palayo ngunit mabilis akong sumiksik sa tabi niya.
"Pero, Nay ayoko po."
"Mapapahamak ka lang dito, Freesia." Tulak niya sa akin na lalo kong ikinaiyak. "Tumuloy ka kay tita Damiana mo. Palipasin muna natin 'to ha? Magiging maayos din ang lahat kinabukasan. Pangako ko sayo na magsosorry ang Tatay. Naintindihan mo?"
Umiling ako. "Ayoko, Nay. Gusto ko kasama kita. Kung aalis ako, isasama kita, Nay."
Itinutulak ako ni Nanay palayo sa kanya ngunit ayoko. Ayokong iwan siya rito kasama si Tatay. Ayus lang na saktan niya ako 'wag lang si Nanay dahil hindi ko iyon kakayanin.
"Sundin mo muna ako, Freesia. Isang araw lang ang pagtuloy mo doon. Sige na, Anak."
"P-pero, Nay. Paano ka?'
Suminghot ito bago ako itaboy. "Kaya ni Nanay, Anak. Sige na." malumanay niyang paki-usap. "Sabihin mo sa tita mo na pinapunta kita ha? Alam na ni tita 'yon."
Umiling ako habang papunta sa kanya. Ayoko siyang iwan. Paano siya mamaya kapag nandito si Tatay.
"Nay. . ."

YOU ARE READING
Kissed By The Sunlight
RomanceThe Andrade Siblings Series #1 'Isang kasalanan ang maging babae.' 'Yan ang tumatak sa isip ng dalagang si Sygourney Freesia Paz noong bata palang ito matapos iparamdam ng ama na ang tulad niyang babae ay mahina, walang kakayahan at puro iyak lang a...