Chapter Seven

80 9 3
                                    

Magdamag kong inisip ang mga sinabi ni Pako sa akin matapos niya akong kausapin kagabi. Hindi ako nakatulog sa kakaisip na pati sa pag-uwi ko ng bahay para magpalit ng damit ay salita parin niya ang mga naaalala ko.

Sa tingin niya'y may gusto si Larke sa akin at mag iingat daw ako sa mga kinikilos ko dahil baka raw hindi ako maintindihan ng lalaki. E kumusta naman ako? Nagugulat ako sa mga kinikilos nung Larke na 'yon simula pa ng magkita kami sa sabungan. Panay ang pilit niya sa akin na pakinggan ang ieexplain nIya tungkol sa nangyare sa kotse kasama 'yung Mariana na sinasabi niya pero hindi niya maintindihang wala sa akin 'yon.

Ang sabi ko'y wala akong nakita noong gabing iyon para lang matigil na ang sinasabi nya ngunit ang ipinambabato niya sa akin ay ang salitang nag seselos. Nag seselos daw ako!

Anong tinira niya? Kinukulit niya ako tungkol sa nangyare e halos mag iisang linggo na 'yon. Puro siya selos, selos, selos. Saang parte ako nagselos at bakit ako mag seselos?

"Freesia. . ."

Napapikit ako sa pagkatulala ng marinig ang boses ni Nanay. Nakita ko ito na bagong gising kaya naman agad akong tumayo para daluhan siya.

"Nay, kumusta po kayo? May. . .may masakit po ba sa inyo?" Tanong ko bago ito pasandalin.

Umiling lang ito sa akin at nanghingi ng tubig.

Kagabi ay hindi ko na siya nakausap tungkol sa nangyare. Kung bakit siya nasa hospital at kung sino ang babaeng pumunta ng bahay dahil nakatulog na ito. Mahaba rin ang pinag usapan nila ni Tatay kagabi at hindi na ako sumawsaw pa roon.

Umuwi ako ng bahay para magpalit at hanapin ang sinasabing bulaklak pampatay ni Pako ngunit wala iyon sa bahay. Ngayon naman na nakikita ko si Nanay na gising ay gusto ko siyang tanungin tungkol sa mga nangyare kahapon.

"Dumalaw po pala si Tita Damiana kanina, Nay. Eto po ang pagkain na hinanda niya para ngayong umaga." Ipinakita ko ang mga pagkaing nasa lalagyan. Puro gulay 'yon. Nangangapa pa kase ako kung paano ko maitatanong ang gusto kong malaman.

"Hayaan mo lang diyan, Anak. Kakain si Nanay mamaya." Sambit nito.

Tumango ako at isinara ang lalagyan.

"Bumisita ang mga kaibigan mo kahapon, Anak pero hindi kita nakitang kasama sila." Pagbabago niya ng usapan.

Nahinto ako sa ginagawang pag aasikaso dahil sa tanong ni Nanay. Napakagat labi ako at hindi mapakali.

"Halos mag iisang linggo ka na raw na hindi  pumapasok sa school sabi ni Mezzie. Totoo ba?" Mahinang boses na tanong ni Nanay. Napatingin ako sa kanya at nakaramdam ako ng panlalamig.

Nangeelam nanaman pala si Mezzie.

Magsasalita na sana ako para magsinungaling ngunit inunahan ako ni Nanay.

"Patawarin mo sana ako, Anak ha. Hindi kita naipagtanggol sa Tatay mo." Hinawakan ni Nanay ang kamay ko na siyang pag-upo ko sa gilid ng kanyang higaan. "Alam ko namang hindi ka pumapasok sa eskwelahan dahil sa pasa at sugat mo noong binugbog ka ng Tatay mo. Naiintindihan ko iyon anak at alam ko na ayaw mong makita ka nilang gano'n."

Binasa ko ang aking labi dahil akala ko'y pagagalitan niya ako. Sa totoo niyan, hindi talaga ako pumasok dahil wala akong ganang pumunta ng eskwela dahil sa mga problema. Iniinda ko pa ang sugat at pasa ko noon at hindi ko kayang pag-isipan ng masama si Tatay kung sakaling may makaalam sa nangyare.

"Sorry po, Nay. Hindi na po mauulit." Pangako ko na pwedeng mapako. Tinitignan ako ni Nanay kung nagsasabi ba ako ng totoo kaya tinitigan ko rin siya. "Papasok na po talaga ako sa school, Nay. Siguro po sa Martes nalang."

Kissed By The SunlightWhere stories live. Discover now