"Happy birthday, Sygourney!!"
Napatalon ako sa gulat ng makarinig ng malakas na hiyaw ng makalabas ng kwarto. Nakita ko sina Lascie at Mara na napatayo sa pag kaka-upo. Natulala pa ako ng saglit dahil lumabas ako ng kwarto na magulo ang buhok at naabutan nilang nagtatanggal ng muta sa mata.
"B-bakit..." nangunot ang noo ko't dumako sa kanila ng hindi madugtungan ang sasabihin.
Dinaluhan ako ni Mara ng yakap. Ganun din si Lascie na naka floral dress na.
"Namiss ka namin, babaita!" Ani ni Mara. "Ang lapit lang ng bahay ko pero hindi tayo nagkikita." She added.
Hawak ko ang bibig ko para maiwasang magsalita ngunit hindi ko maiwasang magtanong sa dalawa.
"Bakit naman ang aga niyo? Hindi pa ako nakakaluto ng handa." Umupo ako sa tapat nila't nahihiyang ganito ang naabutan nilang itsura ko.
"Hindi ba obvious? Girl, mag dedecorate kami." Iniangat ni Mara ang malalaking paper bags. Sinilip ko 'yon at nakita ang mga party materials.
Nanlaki ang mata ko sa mga dala nila, "Huy, bakit may mga ganito?" Lumuhod ako't tinignan ang laman ng paper bag, "Hindi na kailangan nito, Mara. Simple lang ang mangyayare mgayon. Kakain lang tayo ng pancit tapos iinom ng coke. Hindi na kailangan nito." Umiling ako bago makita ang LCD light. "T-tsaka b-bakit may ilaw-ilaw pa rito? Wala kaming kuryente 'diba?"
Hinawakan ako ni Lascie para patayuin, "Ano ka ba? Para saan pa't naging magkaibigan tayo? Kung pwede namang pagandahin at pabonggahin ang birthday bakit hindi natin gawin 'diba? Besides, we're here naman na with these materials so lets make it memorable. Don't worry, kami na bahala rito." Kinindatan ako ni Lascie na ikina-uwang ng bibig ko.
"Pero kase hindi naman malaki ang bahay namin para sa mga dala niyo."
"Na na na... maliit ang bahay niyo pero malaki ang likod ng bahay niyo." usal ni Mara.
Kumamot ako sa ulo. "Mara..." tumayo ito't kinuha ang dalawang paper bag bago lumabas ng bahay, "H-huy, Lascie..."
Hinabol ko sila ng tingin pero hindi sila mapipigilan pa.
Naglakad ako papunta sa kwarto ni Nanay para ipaalam ang lahat ng ito ngunit wala siya rito. Agad ang pag hahanap ko sa paligid dahil wala si Nanay. Tinignan ko pa ang kalendaryo dahil baka nasa center siya pero hindi ngayon ang araw ng dialysis niya.
"Nay!" Malakas na sigaw ko. "Nay!"
"Anak nandito ako!"
Napalingon ako sa bintana ng kusina. Nakita ko siya ro'n sa likod bahay kasama si Pako na nakahubad ang damit habang may kung ano siyang niluluto ro'n. Nagkatinginan kami ngunit mabilis lang din ang pag iwas niya ng makita siya ni Mara.
"Gising ka na pala." Naagaw ni Nanay ang atensyon ko kaya naman kumamot ako sa ilalim ng kilay ko.
"Nay..."
Hayss!
Napahinga ako ng malalim. Kahit pa magtanong ako at magreklamo'y isa lang din ang magiging sagot niya. Noon pa ma'y gusto niya na masaya at engrande ang birthday ko kaya para saan pa kung magsusumbong ako?
"Maligo ka na't tulungan mo kami rito. Namalengke lang ang tatay mo pero pabalik na rin 'yon maya-maya."
"May pasok pa ho ako, Nay."
Tinignan niya ako ng masama, "Kaarawan mo ngayon, anak. Maiintindihan naman nila kung liliban ka muna."
Napayuko ako ng saglit habang kausap ang nanay sa bintana.
Napatango nalang ako dahil wala naman akong magagawa.
Diretso ang paa ko sa CR para maligo't mag asikaso. Nakapulupot pa ang towel sa ulo ko ng lumabas ng bahay papunta sa likod bahay.
YOU ARE READING
Kissed By The Sunlight
RomanceThe Andrade Siblings Series #1 'Isang kasalanan ang maging babae.' 'Yan ang tumatak sa isip ng dalagang si Sygourney Freesia Paz noong bata palang ito matapos iparamdam ng ama na ang tulad niyang babae ay mahina, walang kakayahan at puro iyak lang a...