Chapter Three: Istorbo
Sabado ngayon at wala akong pasok sa school. Tatlong araw rin ang absent ko sa trabaho kung kaya't nahihiya ako sa amo ko. Bumalik ako ngayong araw para sana mag resign nalang dahil hindi ako nakapasok ng tatlong sunod-sunod na araw ngunit sabi ng amo ko'y ayus lang daw iyon. Nagulat ako sapagkat, bakit ayos lang sa kanya na hindi ako pumasok?
Ang sabi nya ay kakilala raw nya ang mama ko. At alam nya ang kalagayan nito ngayon. Dati raw silang magkaibigan at bilang tulong ay hinayaan nya akong pumasok dito sa restaurant nya ng kahit anong araw. Nauunawaan daw nya ang pag-absent ko at siswelduhan pa rin daw nya ako dipende sa araw ng pinasok ko.
Laking pasasalamat ko sapagkat may ganoon parin palang tao. Tinanggap ako ni sir Daryl kahit seventeen palang ako at ngayon naman na marami na akong absent ay ayos lang sa kanya. Nahihiya ako sapagkat pakiramdam ko'y nagiging pabigat ako sa trabaho na laging iniintindi ng iba.
"Good afternoon, ma'am, sir. Here's your order." Inilapag ko ang inorder ng dalawang magkasintahan. Nakangiti ako sa kanila at ganoon din naman sila sa akin. "Please enjoy your meal." Sambit ko bago sila iwan.
Bumalik ako sa pwesto ko kung saan madali lang na makikita. Nakasuot ako ng puting long sleeve na may vest na itim. Naka palda rin ako ng maiksi at two pointed heels. Ang buhok ko'y nakatali sa likuran habang may suot-suot akong wire earpiece.
Kailangan sa trabahong ito na malinis at presentable. Laging nakangiti at atentibo. Hindi kase pwede ang lumilipad na isip habang naka duty dahil may nanonood sa amin sa CCTV.
"Table number 9 is ready." Rinig ko na boses mula sa earphone ko. Tumango ako at pumunta ng kitchen para kunin ang pagkaing inorder ng customer. Isa iyong hamburger steak at rice omelet.
Nang makuha ang inorder ay lumabas ako mula sa kitchen at pumunta sa table 9. May nakita akong lalaki na mag-isang naghihintay sa pagkain bandang bintana. Nang makita ang paglapit ko ay nginitian niya ako.
"Sorry for waiting," sambit ko habang nakangiti bago ilapag ng maayos ang pagkaing kanina pa niya hinihintay. Nang matapos ay nagpaalam na ako na aalis.
Gaya ng kinagawian ay bumalik muli ako sa aking pwesto ngunit bago pa ako makabalik ay bumukas ang pintuan ng restaurant at sya ring luha ng magandang babae.
Naka purple fitted dress ito na tinirnuhan nya ng puting heels. Bitbit naman nya ang kanyang mamahaling purse na kumikinang dahil sa palawit. Napangiti ako sapagkat napakaganda nya. Ang buhok nya'y maayos na nakapusod sa likod. Kompleto ang alahas sa katawan ngunit nagmuka lang syang simpleng tao. Ang muka naman nya ay maaliwalas. Hindi madilim ang shade na make-up sa kanyang pilikmata bagkus ay kumikinang iyon. Medyo chinita ang mata nya, ang ilong ay parang niretoke sa tangos habang ang bibig ay katamtaman ang nipis.
Babatiin ko sana ito ng magandang hapon ngunit ang nakangiti kong bibig ay tila ba umawang dahil sa pagkadismaya.
"Good afternoon, ma'am, sir. Welcome to The Dariru Resto! We have prepared a nice table for you. May I know how many people will be dining today?" Tanong ko kahit na obvious namang pang dalawahan lang.
"Table for two, please." Malalim na bigkas ng lalaki. Diretso ang tayo nya at ganoon din ang tingin sa akin.
Nanliliit ako sa tingin nya at sa height nya. Para syang harang na pader.
"Okay, sir. This way please." Sabi ko na sinundan din naman nila ako.
Nahahalata kong pinagmamasdan ako ng lalaki simula kanina ng makita nya ako.
Simula ng nireject nya ang kagustuhan kong magtrabaho sa construction ay palagi na akong tumatambay sa loob ng site. Doon banda sa trapal na napunit dahil sa pako. May upuan kase doon at para bang inilagay 'yon para sa akin. Kaya imbis na pumasok ng tuluyan sa loob ay doon ako naupo para magpahinga. Hindi ako lumalagpas sa harang at hindi na rin nang gugulo.
YOU ARE READING
Kissed By The Sunlight
RomanceThe Andrade Siblings Series #1 'Isang kasalanan ang maging babae.' 'Yan ang tumatak sa isip ng dalagang si Sygourney Freesia Paz noong bata palang ito matapos iparamdam ng ama na ang tulad niyang babae ay mahina, walang kakayahan at puro iyak lang a...