Mr. & Mrs. Hughes
Malaki ang naka-ukit na puso sa likod ng inuupuan nila titang upuan habang nakasulat doon ang apelyedo ng mag-asawa.
Hughes na ang surname ni tita. Laura P. Hughes na ang itatawag sa kanya. Kasing ganda ng ngiti ni tita kanina ang ganda ng gabi kung pagmamasdan ang litrato niya rito sa camera. Napagod nga lang ang buo kong katawan sa pagtatrabaho. Ang kamay ko naman ay nangangalay parin hanggang ngayon kahit pa, alas otso ako pinatigil ni tita sa pagkuha ng litrato.
Hindi ko magawang pumasok sa loob dahil marami na ang naka-inom. Naghahalo ang amoy sigarilyo't alak sa loob. Sila sir Clarence naman ay hindi ko na napansin kanina. Binabalak ko na nga sanang umuwi ngunit inaabangan ko ang ibibigay ni tita.
Alam ko na wrong timing kung ngayon ko hihingin ang pera dahil sobrang saya niya ngayon. Pero kase, napapaisip ako na baka hindi na niya ako makita sa mga susunod na araw dahil bukas ay papasok na ako sa school. Hindi naman niya ako sasadyain sa bahay para lang ibigay ang bayad dahil mayaman na siya ngayon. Kaya kahit na maghintay ako ng hating gabi para lang makausap siya ay gagawin ko makuha ko lang ang pera.
Binigyan kong tingin ang pagsara ng pinto ng kotse sa labas na siyang kita ko sa driver ni tita.
"Hija, hindi ka pa pala umuuwi?" Takang tanong nito ng makita ako. "Balita ko ngayon ang simula ng exam mo. Bakit umabsent ka para dumalo rito?"
Binigyan ko siya ng ngiti habang naka-upo hawak ang camera.
"Kailangan ko po kase ng pera, kuya." Rason ko. "Maya-maya nalang po siguro ako uuwi. Hinihintay ko po kase na matapos ang party sa loob para makausap si tita."
"Pero parami ng parami ang bisita. Ayaw mo ba siyang puntahan sa loob? Masiyadong madilim dito at marami na ring lamok."
Umiling ako sa matanda. "Papasok din po ako maya-maya, kuya. Maraming salamat po."
Saglit pa niya akong tinignan bago tumango. "Okay, sige. Papasok na ulit ako."
"Sige po, kuya. Salamat po."
Sinundan ko ito ng tingin matapos magpaalam. Kinakagat na nga ako ng lamok pero ayus lang. Ayokong pumunta sa loob dahil hindi ako nararapat sa ganoong lugar.
Masiyado silang matataas at napakababa ko lang kung sila ang titingin sa akin. Kung hindi ko lang suot ang magarang damit na ito at mabalbon na sandals ay baka kanina pa nila ako pinagtawanan.
Tumunog ang cellphone ko sa loob ng maliit na bag ni tita. Mabilis ko 'yong kinuha at nakita ko doon ang recent text ni Pako. Hindi ko namalayan na pati si Mara at Lascie pala ay nag text rin kanina.
Pako:
"Sy, ano oras uwi mo? Gusto mo sunduin kita? Hindi ako mapakali sa tapat ng bahay e. Wala ka pa."
-10:23 p.m.
Napatingin ako sa paligid habang nag iisip sa oras ng pag-uwi ko. Nang walang maisagot ay tinignan ko ng saglit ang text ni Pako bago magtipa.
Ako:
"Hindi ko pa alam, Neil. Hindi ko pa nakukuha yung pera e. Maaga ang pasok bukas kaya matulog ka na. 'Wag mo na akong sunduin dahil baka mamaya pa ako makakauwi. Pa-lowbat na rin ako e. Kita tayo bukas."
-sent
Binack ko ang message at pinindot naman ang text ni Mara kaninang umaga. Hindi ko 'yon napansin dahil abala ako sa pagkuha ng mga litrato kay tita.
Mara:
"Nakakatakot kanina, Sy. May nagkopyahan sa kabilang room. Kasama dun si Camille. Nakakahiya! Unang subject palang pero nahuli na agad? At alam mo kung anong subject? P.E! P.E, Sy! Engot 'di ba? P.E na nga lang nangopya pa?? Maiintindihan ko pa kung calculus e. Pero P.E? Kung nandito ka lang kanina baka nakita mo kung gaano siya nahiya sa ginawa niya. Tanggal taray niya kanina e. HAHAHAHA!!"
![](https://img.wattpad.com/cover/268968722-288-k236857.jpg)
YOU ARE READING
Kissed By The Sunlight
RomanceThe Andrade Siblings Series #1 'Isang kasalanan ang maging babae.' 'Yan ang tumatak sa isip ng dalagang si Sygourney Freesia Paz noong bata palang ito matapos iparamdam ng ama na ang tulad niyang babae ay mahina, walang kakayahan at puro iyak lang a...