Saglit pa kaming nanatili sa tabi ng puntod kahit pa wala ni isa sa amin ang nagsasalita ngayon. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa inakto ko noon sa kasal ni tita ngunit umaatras ang dila ko para ungkatin pa ang mga nasabi ko na sa kanya. Nakokonsensya kase ako at nahihiya rin dahil wala ako sa sarili nung araw na 'yon. Nakapag bitaw ako ng salitang mahirap ng bawiin.
"By the way, Freesia, are you going to work with Uncle?" rinig kong tanong ng lalaki.
Nag-aalangan pa akong sumagot ngunit ng nilingon niya ako ay agad ang pag-sagot ko. "O-opo. Nakakahiya man, pero oo. Sisikapin kong ibalance ang trabaho at pag aaral ko, sir."
Nangunot ang noo nito. "Well, it's okay for me to talk to him, Freesia. I will tell him about your schedule. I know he's willing to adjust."
Agad akong napa-iling sa gusto nitong mangyare. "Hindi na po, sir. 'Wag po. Kagustuhan kong magtrabaho habang nag aaral kaya gagawa ako ng paraan para magawa ang dalawang 'yun. At tsaka kakayanin ko po lalo pa't sem break pa namin."
"You sure?" Tinignan niya ako sa mata. Nakagat ko ang labi ko bago tumango ngunit uminda ako sa sakit ng maramdaman ang hapdi sa sugat ko.
"May mga gamot ako sa kotse. Pwede ko 'yang linisin at gamutin."
I shook my head, "Ako na po ang bahala rito, sir. Gagamutin ko po sa bahay."
"But it might get worse. Halika na."
"H-ho? Pero kase—"
Tumayo na ito sa pagkaka-upo bago pa ilahad sa akin ang kamay para itayo ako. Saglit ko pang tinignan ang kamay ko bago abutin ang kamay niya para makatayo. Nang magawa 'yon ay siya kong tanggal sa kamay ko dahil sa pamamasa.
Nakakahiya.
"S-salamat." Ngumiti ako ng bahagya.
Nauna akong naglakad ng makatayo at hindi alintana na wala pala siya sa aking likod. I didn't realize that he hadn't followed me yet.
Saglit muna akong huminto sa kinaroroonan ko at tinanaw ang lalaking nakatayo at naka yuko habang nakatingin sa puntod ng ina. Hindi ko alam kung ano ang salitang lumalabas sa bibig niya pero alam kong may sinasabi siya. Ilang minuto lang akong ganun hanggang sa nahuli niya ang paninitig ko. Otomatiko naman akong umiwas sa ginawa niya.
Nakakahiya ka, Sygourney!
Kinurot-kurot ko ang sariling palad sa kahihiyan. Panay ang iwas ko kahit pa nasa harapan ko na siya at nahahalata ko na hindi niya inaalis ang patingin sa akin.
"Let's go?" he asked.
I just nodded without giving him a look. Nauna siyang bumaba at sumunod naman ako.
Tanaw ko na mula rito sa pababa ang kotse ni sir Larke. Nararamdaman ko na gusto niya akong alalayan sa pagbaba dahil sa maya't-maya niyang paglingon sa akin ngunit pinili ko lang na sundan ang anino niya. Nang sa wakas ay nasa tapat na kami ay huminto siya ng saglit.
"Sit down here, Freesia." Tinapik niya ang harapan ng kotse niya ng makalapit kami.
Nangunot naman ako sa pagtataka.
"Gagamutin ko muna ang sugat mo bago kita ihatid sa inyo." Kalmado niyang paliwanag matapos buksan ang kotse. May kinuha siya mula sa sasakyan kaya naman habang hinahantay siya ay umupo ako sa sinasabi niya.
Ngayon ko lang napansin na BMW pala ang gamit nito. Sedan na itim iyon kaya naman hindi mahirap sa akin na sumakay sa ibabaw. Ibang-iba ito hindi gaya sa dalawang sasakyang nakita ko noon. Pare-pareho ang kulay ngunit iba ang tatak at iba ang desenyo. Napapaisip tuloy ako, ilan na kaya ang nasakay niya sa kotse? Puro kaya babae 'yon? O kaya may iba pa ba siyang sasakyan bukod sa tatlong koseng nakita ko?
YOU ARE READING
Kissed By The Sunlight
RomanceThe Andrade Siblings Series #1 'Isang kasalanan ang maging babae.' 'Yan ang tumatak sa isip ng dalagang si Sygourney Freesia Paz noong bata palang ito matapos iparamdam ng ama na ang tulad niyang babae ay mahina, walang kakayahan at puro iyak lang a...