Kabanata 13

1.6K 93 96
                                    

Kabanata 13

Going

Sumilip ako sa kanto, kahit madilim-dilim pa ang paligid ay tanaw na tanaw ko si Rivan at ang kotse niya. Hindi ko na siya pinapunta rito sa bahay dahil alam kong hindi magugustuhan ni Mama iyon.

Katabi ko si Koseon, bitbit na niya ang mga plastic bag ng mga paninda naming damit sa araw na ito. Ako naman, bitbit ko ang mga pagkaing ibebenta pati ang mga kandila.

"Mag-iingat kayo ni Koseon ha. Paalis na rin ako. Tatahiin ko lang ang roba ko." Ani Mama.

Tumango ako at niyakap siya. "Mag-iingat ka rin, Mama. Please."

"Oo naman. Kumain ka ng tanghalian ah."

Bumaling siya kay Koseon at binilin ako. Binantaan pa si Koseon na puputulan daw ng hotdog kapag may nangyaring masama sa akin.

Nagpaalam na kami ni Koseon at mabilis na nagtungo sa parking sa tapat ng kapilya. Pinanood kami ni Rivan, nakasandal siya sa hood ng sasakyan. He's wearing a white t-shirt, black jogging pants and a black rubber shoes. Siyempre, hindi mawawala ang mahal niyang mansanas na relo.

Pagkalapit ko ay pinasadahan niya ako ng tingin at umismid.

"Ano? Bakit?" Asik ko.

"Nothing. You look thinner." Saad niya at bumaling na sa mga dala-dala namin. Kinuha niya ang container ng mga niluto kong hotcake, nilupak at mga kakainin. Pinabuksan niya rin kay Koseon ang likuran para ilagay doon ang mga damit.

Iyong mga kandila naman ay nasa bagpack ko. Inayos ko ang pagkakatali ko sa aking buhok. Medyo gulo-gulo kasi ang bun ko kanina at may laylay na mga buhok sa gilid. Ngayon, sininop ko. Pinanood lang ako ni Rivan doon, nakakunot ang noo at mukhang may sasabihin na naman.

"Hindi ka ba magpapalit?" Tanong ni Rivan sa akin.

"Bakit? May problema ba sa damit ko?" Napasimangot ako. Isang simpleng puting sando ang suot ko tapos jogging pants.

"Maputi naman kili-kili ko ah!" Inangat ko pa ang kili-kili ko para makita niya.

"Hindi ka ba lalamigin?"

"Naku, mamaya tirik na tirik na 'yang araw no kaya ayos lang 'to! Saka morena ako, hindi na ako iitim."

Tumango na lang siya at pumunta na sa driver's seat. Sinilip ko si Koseon.

"Koseon, tara na!" Higit ko sa kaibigan. Inaayos niya pa kasi yung likuran.

"Seat on the front seat, Rai. Magmumukha akong driver niyo." Simangot ni Rivan.

"Okay."

"Wear your seatbelts."

"Kailangan ba 'to?"

"Kung gusto mo pang mabuhay, oo."

"Bakit, oxygen ba 'to?"

Nilingon niya ako, iritado at kunot-noong umigting ang panga. Parang ngayon pa lang ay nakukulitan na siya sa akin.

"Chill. Ito na nga." Inayos ko ang seatbelt ko.

"Saan tayo?"

"Malate."

"Saan doon?"

"Sa Rajah Sulayman Park. Alam mo 'yon?"

"Of course, Rai."

"Okay, nagtatanong lang."

"Wala na ba tayong ibang pupuntahan?" Tanong niya, palabas kami ng tulay.

Umiling ako. Sa Plaza Miranda na si Mama magtitinda dahil may trabaho din siya bilang manghuhula. Kumbaga, hitting two birds with one stone. Praktikalidad na nga lang talaga ang pinakamahusay naming kaakibat ngayon. Si Tita Kassandra naman, sa munisipyo. At ako, dahil ako naman ang pinaka flexible ang oras at wala naman akong gagawin, kahit saan ako puwedeng magpunta at magbenta.

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon