Kabanata 23

1.5K 82 121
                                    

Kabanata 23

Christmas

"Aber, bakit... Ano bang pinaramdam niya sa'yo?" Taas baba ang kilay ni Alverry, tila nanghuhuli.

Tsk. Wala siyang mapapala sa akin.

If she thinks that I felt 'something' for Rivan, it's certainly not a struck of a nerve or butterflies in my stomach. It's something different. Like despise... Like deep-rooted hated. Hating him is better option than liking him.

We've been running in circles now. Palagi namang ang bottomline nito ay ayaw ko pa rin kay Rivan at sa pamilya. Thinking about what they did to my family is enough proof why I shouldn't associate myself with him.

"Para ka namang Nanay diyan." Ngisi ko.

"Magiging Nanay talaga ako soon. Kaya ngayon pa lang mag papractice na akong manghuli ng sinungaling."

"So sinong huhulihin mo? Wala namang sinungaling dito." Luminga ko sa paligid at tinuro pa sina Koseon.

"Ikaw." Turo naman ni Alverry sa akin.

"Ako?"

"Kita ko sa mga mata mo."

"Anong nakikita mo sa mga mata ko? Chineck ko kanina, wala naman akong muta ah?"

"Something deep." She answered.

"Gaano kalalim?"

"Rai!" She sighed.

"Alverry!" I sighed, ginagaya siya.

Natatawa naman siyang pinaupo ni Koseon. Nilibre kami ni Koseon dahil ang tagal na niyang hindi nagpaparamdam sa amin dahil sobrang busy siya. Kahit noong birthday niya, hindi kami nakalabas o nakausap man lang siya dahil sobrang dami niyang ginagawa. Minsan, naaawa na ako sa kanya pero alam kong sanay naman siya sa hell week. Bawat linggo ba naman eh hell week nila.

"Makinig kayo sa akin... Iyong si Moreno, kahit gusto niya ako, hindi uubra sa akin 'yon. At hindi ko siya magugustuhan."

"Sana hindi lumaki ang tiyan mo pag kinain mo 'yang mga salita mo."

Tumawa sina Koseon. Parang hindi pa naniniwala sa akin.

"Totoo naman eh!"

"Okay, we heard you." Si Jiro at nagkibit-balikat. "Pero hindi titigil 'yon. Sigurado ako."

"Pustahan?" Si Koseon kaya naman mabilis silang binatukan ni Mikasa.

"Guys, bakit ba pinupush niyo si Rai kay Rivan? She has a boyfriend."

"Exactly," Turo ko kay Mikasa kasi siya lang ata ang shipper namin ni Chasen.

"Hindi sa ganoon, Mikasa." Si Alverry at madramang umupo sa tabi nito. "Sinasabi ko lang kay Rai na kung may nararamdaman siya para kay Rivan-"

"Wala nga sabi eh. Ang kulit." Pagmamaktol ko.

"Harapin niya ang nararamdaman niya dahil kung hindi, lahat sila ay masasaktan. Siya, si Rivan, at si Chasen."

"Hmm..." Tumango-tango si Mikasa. "May point."

Umirap ako. "Eh wala nga kong nararamdaman para kay Rivan. Okay? Isa pa, kung sakaling may maramdaman ako sa kanya, galit at inis lang 'yon."

Pagdating ng Lunes, marami kaming gawain at may mga pa quiz pa si Sir Jacobo pero nakaraos naman kaming lahat. Pinag-usapan din namin ang mga UPCAT moments namin lalo pa't ang daming na i spot ni Texon na pogi.

"Gagi ako nga, nagpipigil lang eh. Kasi kasama ko si Kodiak." Si Hope at tumawa pa. Natawa rin ako. I totally get her. Minsan kapag monthsary namin ni Chasen at nag da drive siya, minsan kapag nakakakita ako ng gwapo, hindi ko maiwasang mapatingin pa rin sa iba.

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon