Kabanata 50

2.5K 103 36
                                    

Hi! This is the last chapter of ATB. I couldn't even begin to describe how amazing it is to be surrounded by you: my precious readers and my third family yieeee! Thank you so much, mga mahal! Salamat sa pagmamahal at suporta!

I am thrilled to publish the Epilogue within this week too, I hope that you'll be patient and will wait for Rivan's side of the story. 

May Twitter ba kayo or IG? Let's be moots hehe, my UN is @nicsaykate. Let's interact there, pleaseeee <3 I badly want to interact with all of you. 

-----

Kabanata 50

"You can take off your blindfold now, Rai..." Marahang bumulong si Rivan sa likuran ko. Unti-unti, naramdaman ko ang pagkalas ng yakap niya sa baywang ko.

Inangat ko ang mga kamay ko at tinanggal ang piring.

Tamad naman kasi nito ni Rivan, bakit hindi na lang siya ang magtanggal ng blindfold tutal siya rin naman ang naglagay nito? Hmp.

"Rai,"

"Wait," I chuckled.

Unti-unti pa akong nag adjust sa sikat ng araw at pinikit-pikit ko muna ang mga mata saka tuluyang nakita ang malaki at malawak na hardin sa harapan ko. Well, not a garden to be exact—it looks like an estate, the one where you can start a family.

Iyon ang unang sumagi sa isip ko nang makita ang bahay sa gitna ng lupain. The contemporary three-storey house decorated with muted shades of black, gray, and white with a soft touch of cream, beige, and dark green. There's a lot of plants surrounding the place—I can see vines crawling up to a small portion of a marble foundation near the main door.

It looks beautiful and homey... Gumala ang mga mata ko sa buong lupain. Sa garahe, tiyak kong kasya ang ilang sasakyan. May stone path din doon patungo siguro sa likuran. Sa kabilang parte—sa gilid mayroong outdoor sauna at plunge pool. Mayroon ding mga modernong cabana, sun terrace na tiyak kong magandang pagtambayan. Binalik ko ang tingin sa bahay at napakagat sa labi. This must cost a lot!

"You want a tour of our house?" Tanong ni Rivan.

Nilingon ko siya. "May bahay na agad tayo?"

He nodded and smirked. Tuluyan siyang tumabi sa akin at marahang hinaplos ang pisngi ko. Tinabi niya pa ang iilang mga takas na buhok sa likuran ng aking tainga. Nakatitig lang ako sa kanya. Namamangha pa rin na may bahay na agad kami... Mukhang nagplano talaga siya.

He crouched for a kiss. I closed my eyes, my knees are starting to tremble again—but in a good way.

"Handa ako... Palagi... Sayo..." He whispered in between kisses.

"Sa akin lang..." I whispered back.

"Sa'yo lang."

After staying for an hour or two, Rivan has to leave because he has to attend a meeting with the DOLE secretary. Ang alam ko, lalabas din siya sa isang live interview mamaya sa isang malaking istasyon. Hinatid niya muna ako sa apartment ko saka siya nagtungo para sa meeting niya. I used all the time I have for myself to have a simple date with Mama. Balak ko na rin kasing sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Rivan.

Kumain kami ni Mama sa Wagyu. Pinamili ko rin siya ng mga damit kahit na ayaw niya. Siyempre binilhan ko rin si Tita Kassandra at bumili na rin ako ng regalo para sa sarili.

"Anong plano mo sa birthday mo ngayong taon na 'to?" Humalukipkip si Mama.

Sa mga nakalipas na taon kasi, palagi ko lang dinodonate ang pera na dapat ipang ce-celebrate ko. Kadalasan, napupunta talaga sa mga bata at ilang home for the aged. O di kaya'y bumibili ako ng mga pagkain at magpapakain sa iilang mga lugar kung saan nakatira ang mga estudyante ko. Hindi ko rin naman kasi gustong mag-aksaya ng pera para lang i-celebrate ang pagtanda ko. Mas mayroong mga taong nangangailangan nito kaya binibigay ko na lang.

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon