Kabanata 34

1.6K 86 84
                                    

Kabanata 34

Mess

"Pakibigay kay Rivan, Koseon..."

Inabot ko ang CD sa kaibigan. Takha niyang tinignan ito saka binalik ang tingin sa akin. I nudged him again to accept it. He sighed.

"Bakit ako?"

"You are the chosen one." Madrama kong saad.

Tumawa siya at kinuha sa kamay ko ang CD holder at nilagay ito sa bag niya. Paalis siya ngayon dahil pupunta sa Binondo para sa isang interview, balak niya kasing magtrabaho.

"I-chat mo na lang si Rivan."

"Ako na bahala." Tinapik niya ang balikat ko. Tumango ako at bumuntong-hininga.

Hindi ko na sinama ang sulat doon sa CD. Masyado nang mabigat at mahirap sa akin para isilid ang sulat na 'yon sa loob. Basta't nilagyan ko lang ng pangalan ni Rivan at hinayaan na iyon.

Ilang minuto ko ring tinitigan ang CD kanina, pinag-iisipang maigi kung ibibigay ko ba sa kanya o hindi. Pero ayaw ko namang masayang lang ang effort ko sa pagkanta.

Umupo ako sa tabi ni Koseon at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Mukhang ako talaga ang end game mo ah." Aniya at hinawakan ang kamay ko. Hinayaan ko siya.

"Hindi mo sure."

"Pahulaan natin kay Tita Kristy?"

"Huwag na. Baka ma brokenhearted ka pa."

Tinignan niya ako kaya nagtaas ako ng kilay.

"Dalawang beses na akong na broken dahil sa'yo, tingin mo hindi pa ako sanay?"

"At bakit?"

"First, si Chasen."

Tumango ako. No doubt. Noong naging kami nga ni Chasen, napag-iwanan ko siya. Alam kong nawalan ako ng oras sa kanya at minsan ay wala ako sa mga importanteng pangyayari sa buhay niya. I became unavailable for him and our other friends and I somehow hated myself because of it.

"I'm sorry pala..."

"Para saan?"

"Kasi alam kong hindi ako masyadong naging mabuting kaibigan sayo."

Umiling siya at ginulo ang buhok ko. Natatawa ko namang hinampas ang balikat niya.

"Wala 'yon. Wala namang perpektong kaibigan. Mahalaga, magkaibigan pa rin tayo. I will try to be the best boy best friend you need-"

"You are already."

Koseon is the best boy best friend everyone would hope for. He's there with me too through thick and thin. He buys me food, he cares for me like his own blood and he loves me. I know that.

"Okay, huwag mo muna akong pakiligin, Rai." Tawa niya. "May speech pa ako."

"Ay sige may speech ka pa pala."

"Sunod, dahil kay Rivan..."

Kumunot ang noo ko at umiling. "Ano naman sa kanya? Hindi naman naging kami."

"I know you felt something different for him."

Umiling ako.

"Don't deny it, Rai. What you two have is priceless."

"He lied, Koseon. He hid things from me. I was just starting to trust him. I'm trying so hard..."

"Pero you felt something for him, tama ba?"

Hindi agad ako nakaimik. Ayaw kong sumagot. But I know deep down... The reason why it pained me too deeply is because I know... Koseon's right.

"Maybe he has a reason."

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon