Kabanata 9

1.7K 95 129
                                    

Kabanata 9

Smugly

Marahan kong binagsak ang ulo sa desk. Nais kong matulog pa muli. Sobrang aga kong nagising dahil nagluto kami ni Mama ng mga ititinda niya. Nagpadala rin kasi siya kay Tita Kassandra ng maititinda. Tapos bago pumasok dito ay naglako muna ako sa Carriedo dahil maraming tao roon dahil sa estasyon.

Ngunit kahit ganoon, .aaga pa rin akong nakarating sa eskwelahan at halos wala pang mga estudyante.

Gusto ko lang naman makatulog muli kahit sandali hangga't wala pa ang maiingay na bunganga nila.

"Mornin'" Rinig kong bati ni Rivan.

Kaya lang, mukhang hindi talaga mangyayari.

Kumunot ang noo ko saka nag-angat ng tingin para tignan siya. Bakit bumati pa siya? Kita naman niyang natutulog ako! Panira siya kahit kailan! Mas lalo lang akong naiinis.

Tinitigan ko siya at inimagine na isa siyang kuto at kayang-kaya ko siyang tirisin.

Sinulyapan niya ako habang hinuhubad ang coat niya. Bukas ang unang dalawang butones ng mismong uniporme niya. Kitang-kita ko kung paano niyayakap ng damit ang katawan niya.

I must say that he's fit and really tall. That's why girls are crazy over him. Isa rin sa naiisip ko ay sobrang linis niyang tignan. Not the cute type but the hot type. Lalo pa't kapag tinignan ka ng mga mata niyang animo'y hinuhusgahan ang bawat sulok ng pagkatao mo na tila ba kilalang-kilala ka niya.

"Ang aga mo ah."

"Ikaw din." Bored kong sabi at inayos ang buhok. Wala na. Susuko na ko. Hindi ko na pipiliting matulog.

Nilapag niya ang salamin sa kanyang upuan at naglakad papunta sa akin. Ano? Feeling close siya diyan? Kunot-noo ko siyang pinanood. Kinuha niya ang upuan sa harapan ko at umupo doon. Nakaharap siya sa akin ngayon at kung malandi lang ako at gusto ko siya, baka nangingisay na ako sa kilig.

"Birthday mo na bukas?"

"Oo. Bakit mo alam?"

"I heard Joem and Ahron talking."

"Ah..."

"I heard he wanted to talk."

"Messenger ka na nila?" Bahagya akong humalakhak.

Umangat ang gilid ng labi niya at umiling. "And... I also want to offer you something."

Napataas ako ng kilay. May offer daw! Ano 'yan? Pera o bayong ba? House and lot? At teka lang, bakit ba sobrang bait at tolerable niya ngayon? Oo, kanina naiinis ako kaya lang mabilis magbago ang mood ko.

At kung pera ang i-ooffer niya, bati muna kami ngayon!

"I'll pay you..." Halos magningning ang mga mata ko sa sinabi niya. "Can you sing a song..."

"Para kanino?"

"Sa akin." He licked his lower lip. "But it's fine if you can't-"

"Sure! Magkano ba ang ibabayad mo sa akin? At anong gusto mong kantahin ko?"

"Hmm, anything... Huwag lang Taylor Swift." Nag-iwas siya ng tingin.

"Ha! Omg! Ayaw mo kay Taylor? Corny mo naman! I never thought I'll hate you more." Biro ko at sinamaan siya ng tingin.

"No," He chuckled. "Not that... I just..." Napailing siya at ngumuso. Parang nahihirapan magpaliwanag.

Umirap ako. "Weird mo."

"I want OPM... Like the one you first sang to me."

"Hmm, sige. Magkano ba ang ibabayad mo?"

"Name your price."

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon