Kabanata 36

1.6K 81 85
                                    

Kabanata 36

Fiance

Guideon Lacuna is a great man. He's attractive and he makes me happy in a way. Hindi rin siya iyong tipo ng lalaki na ipipilit ang sarili sa'yo. He's very mature and understanding. Isang bagay na tiyak hinahanap ng mga babae sa isang lalaki.

He said he'll wait for me. I gave him a chance to prove to me that not all men aren't just good with words, but with their actions too.

He came from a family of teachers and they have their own private school. I learned a lot from him and I am mesmerized by the vision of his parents and someday, I want to be a part of that too.

"Thesis defended!" Napahiyaw kami ni Amora pagkalabas namin sa office.

Niyugyog niya ako at natatawa akong nakisabay sa kanya. Hindi ko alam na ganito pala kasaya ang ma i defend mo ang thesis na pinaghirapan at pinag-alayan mo ng oras at pagod mo. Worth it lahat ng puyat, sandamakmak na kapeng nilagay namin sa dugo at tiyan namin at ang mga natamo naming pimples sa pagpupuyat at stress. Makakatulog na rin ako sa gabi! Hindi ko na rin gagawing tubig ang kape!

"Third year, baby!"

"Pahinga ng tayo ng three months! See you sa October." Ngiti ko.

"Magpapahinga ka?"

"Ay joke lang pala."

Saglit nawala sa isipan ko na marami pala akong ganap. Maraming responsibilidad ang nakapataw sa buong pangalan at pagkatao ko.

Hinubad ko ang coat na pinahiram sa akin ni Hope. Dinaan niya pa ito kagabi sa bahay para hindi na ako gumastos at bumili. Nilugay ko ang buhok at dumiretso sa library para i handle ang bagong members ng Book Club.

Inaamin kong medyo stressed talaga nitong mga nakaraang linggo pero kung hihinto ako nang hihinto, maraming plano ang masisisra at maraming tao ang madadamay. I love what I'm doing even though it's tiring. I know it's only the beginning and I am always preparing myself for the worse.

Sometimes I can't help but feel anxious and worried about what's going to happen tomorrow. I'm afraid that I'm not doing well enough today and it'll reflect on my future, so I always strive to make every day as worthy and as productive as possible.

"Remember to take rest, hija." Mrs. Almendres reminded me.

I smiled at her. Alam ko naman iyon. Lagi ko ring pinapaalala iyon sa aking sarili.

We should all rest if we must, but we should also be mindful of time. As we all know, time is tricky.

Third year ay puro major subjects na kami. I had to resign from the bookstore but I promised Nay Silin and Pierre that I'll keep in touch. Marami naman akong sideline sa school at kay Mrs. Almendres. Nakakatulong pa rin naman ako kay Mama sa paninda niya tuwing Linggo. Hindi rin naman ako magastos sa baon lalo pa't kapag sobrang hectic ng schedule ay hindi na ako nakakakain.

"Rai! Lika dito! Kailangan ko ng approval mo sa poster natin." Si Willow. Ang secretary ko sa Book Club.

Binuklat ko ang notebook ko para tignan ang aking tracker. Sa puntong ito, yung pagiging well-organized at conscious ko noong first year ako ay naglaho nang parang bula. Noon, bawat letra, kulay, at mga labels kailangan maayos at pantay-pantay. Ngayon, masuwerte na kung maiba-iba ko pa ang kulay ng labels at makapag highlights at maglagay ng kahit kaunting design at palatandaan. Mas importante na kasi sa akin ngayon na nababasa ko ang sulat ko at naiintindihan ko ang lahat. Iyon na 'yon.

I just have to keep track of my schedules and all the things I have to do. All the deadlines, notes, and reviewers. Minsan, ni hindi na ako gumagawa ng reviewer. Umaasa na lang sa stock knowledge at nagdadasal sa mga santo.

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon