Special Chapter

86 16 3
                                    


Dear Not So Hot Headed Boyfriend,

Ilang taon na ba ang nakakaraan? Dalawa?Tatlo? Parang ang bilis lang noong umamin ka sa akin na gusto mo rin ako. Nakakagulat nga dahil hindi ko talaga inasahan na mangyayari ang bagay na iyon pwera na lamang siguro sa mga panaginip ko hehe.

Boyfriend na kita at hindi na crush lang! Ang sarap ulit-uliting pakinggan na dati ay hinahangaan lang kita ngunit sa akin ka na ngayon. Hindi ko na kailangan pang tanawin ang kunot noo mong ekspresyon sa tuwing magulo ang klase.

Hindi na rin ako gaanong nahihiya sa tuwing inaakbayan o hinahawakan mo ang bewang ko dahil tayo na, hindi ba? So para saan pa ang hiya?

Ang alam ko lang ngayon ay sobrang saya ko dahil nakilala kita! Kung siguro na hindi ka lumipat sa school namin at hindi ka inasar na iboto noon ng mga kaklase natin ay hindi ka magiging president namin noon.

"MA'AM!!! I NOMINATE XION LEE FOR PRESIDENT!" alalang-alala ko pa ang mga panahong iyon kung saan sobrang nangunot talaga ang noo mo kase first of all, bago ka pa lang at hindi mo nga kilala ang lalaking nagsumigaw sa pangalan mo.

Ang angas lang dahil kahit ganon ang naging ekspresyon mo ay hindi ka nagbitaw ng kahit na anong masakit na salita at sa halip ay tinanggap ang naging resulta nang manalo ka bilang presidente ng klase.

"Gusto mo ba, Xion? Pwede ka namang humindi dahil naiintindihan ko naman na bago ka palang dito." nakangiting paliwanag ng adviser natin sa iyo.

Napakamot ka pa bahagya ng noo at ngumiti ng pilit.

"I'll try my best to fulfill my duties as a class president, ma'am." matapos mong sabihin iyon ay inanounce na ng adviser natin na ikaw na nga ang presidente ng klase simula sa araw ding iyon.

"A'right. Xion Lee is the official class president of Section A-Star."

Simula ng  na iyon ay hinangaan na talaga kita. Ang dalawang biloy mo sa magkabilang pisngi, ang pagkunot ng noo mo palagi at ang masasama mong tingin ang waring nagpahulog sa akin sa balon ng pag-ibig.

Ang sarap balikan! Nakaka-inlove ka parin kahit na anong gawin ko! Haystt

--------------------------------

Madilim na ang langit at masarap ang simoy ng hangin na humahaplos sa aking balat.

"Anak? Bakit ba nandiyan ka parin sa labas?! Pumasok ka na rito at patayin mo na ang ilaw diyan!"

"Mamaya na, Ma! Kachat ko pa ang manugang niyo eh!"sigaw ko pabalik kay mama.

"Tama na ang lande, anak! Pasok na!" bahagya na lang akong napasimangot at tumayo na sa kinauupuan ko. Pinatay ko na rin ang ilaw sa teresa ng bahay at pumasok na sa loob pagkatapos.

Ang lakas kase ng signal sa labas kaya gusto ko roon eh! Kahit na nga kinakagat ako ng mga lamok ay mas nanaisin ko na doon na lang ako para maka-usap ko pa si Xion ng matagal.

'Hey babe,are you done with your homeworks? Do it whenever you are free, but of course, before the deadline. don't stress yourself too much. If you need assistance, just chat me and I'll  try my best to help you.

:)               

Seen 8:26 pm

Gusto kong maglupasay sa sobrang kilig!Sino ba naman kase ako para magkaron ng boyfriend na ganito kasweet? Si Xion ang isa rin sa mga naging dahilan kung bakit palagi akong on-time kung magpasa ng assignments at activities. Palagi niya kase akong pinapaalahan sa mga gano'ng bagay na hindi ko naman kinakalimutan. Tsaka tinutulungan niya naman ako kapag nahihirapan kaya hindi ko na kailangan pang mag-rekamo. Aba! Gwapong Adonis yata ang bebe ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Classroom Catostrophe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon