12

94 43 3
                                    

12

Dear Hot Headed Class President,

Hindi ko alam kung feelingera lang ba talaga o sadyang naging mabait ka sa mga nakalipas na araw. Hindi ka na gaanong masungit kapag nanaway ng mga kaklase. Hindi na rin gaanong nagsasalubong ang dalawang kilay mo kapag nagapapakaisip-bata ang mga kaklase natin.

Madalas ay kakausapin mo lang sila ng mahinahon at pagsasabihan na hinaan ang boses nila. Kapag may nagtatawanan naman at may pinag-uusapan ang buong klase ay nakikisama ka na. Ilang beses rin kitang nakita na ngumiti sa mga nakaka-aliw na kwento ng mga kaklase natin.

Ang dalawang dimple mo sa magkabilang pisngi ang palaging pumupukaw ng atensyon ko. Namamangha ako sa taglay nilang lalim at ganda na ultimo magsalita ka lang ay lumilitaw sila bigla. Ang cute!

Noong minsan na hindi ako makalabas ng classroom dahil may regla ako at sobrang sakit ng puson, ikaw ang nagbigay sa akin ng pagkain para magkalaman ang tiyan ko.

Nalaman ko rin mula kay Jessa na pinanghingi mo ako ng pain reliever na siyang ininom ko noong araw ding iyon. Simpleng kilos lang pero sobrang nakakataba talaga ng puso. Pwede na ba akong mag-assume? Pwede ko bang isipin na gusto mo rin ako?

Nagpapractice tayo ng sayaw para sa prom night at ikaw ang ka-partner ko. Hindi ko alam kung kita mo ba ang ilang sa mukha ko habang nagsasayaw tayong dalawa. Hindi ko rin kase maiwasang mamula sa tuwing hinahawakan mo ang bewang ko.

Kinikilig ako! Oo na!

"Pagod ka na ba?"sa kalagitnaan ng pagsasayaw ay nagtanong ka na mabilis kong inilingan. Hindi ako mapapagod lalo na't kasayaw kita. Kung pwede nga lang na mas pahabain pa ang kanta ay ginawa ko na para lang mas makasayaw ka ng matagal.

"Hindi ahh. Kaya ko pa naman!"sabay ngiti ko para maniwala ka.

"Noong mga panahon na sinasabi mong gusto mo ako..."hindi ko alam kung saan ka humugot ng lakas at naitanong mo pa ang bagay na 'yan. Nakakahiya tuloy...

"Ahmm ano?"

"Totoo ba ang mga sinabi mo?"

"N-Na alin?"pagiiwas ko ng tanong kasabay ng pag-ikot mo sa akin at muling paghapit sa bewang ko. Sino ba ang gumawa ng ganong sayaw?! Medyo nakakailang, ha?

"That you like me."ilang segundo rin ako nanahimik bago may ilang na ngumiti sa'yo. Hindi ko inakalang wala rin pala minsang filter ang bibig mo at magsasalita na lang nang nakakagulat.

"Tatanong mo talaga 'yan ngayon?ha-ha-ha"naiilang na sabi ko sa'yo at muling nag-iwas ng tingin ngunit naibalik rin ang atensyon ko sa'yo nang makita kitang ngumiti. Nagbuntong-hininga ako saglit at sumagot; " Oo, hindi ako magkakaron ng ganong kalakas na loob kung hindi naman kita gusto. Hindi kita bibigyan ng gamot at aalagaan kung wala ka lang sa'kin. Satisfied ka na ba?"

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"kunot-noong tanong ko.

"Nakita ko kase ang pinaka-magandang obra na nasa harap ko."medyo nanlaki pa ang mga mata ko sa narinig. Iyon ang banat ko no'n sa'yo habang naggugupit tayo ng construction paper.

"Luhhhh..."bahagya pa siyang natawa at muling nagsalita pagka-tapos.

"Ano ang gustong mong number sa electricfan?"napakunot ako sa tanong niya at natawa.

"Ha? Pati electricfan naman ngayon?hahahah"

"Sagutin mo na lang."pakunwari pa akong nag-isip at maya-maya ay sumagot.

"Number 2 para hindi gaanong malakas at hindi rin gaanong mahina pero minsan number 3 kapag sobrang init na hahaha. Ikaw ba wala ka bang ibang gusto?"pabirong tanong ko.

"Wala naman, loyal ako eh. Ikaw lang naman ang gusto ko."nanlaki talaga ang mga mata ko sa sinabi niya na nagdulot para mamula talaga ang buong mukha ko. Ginaya niya ang sinabi ko noon sa kaniya!  Akala ko nakalimutan niya na 'yon!

"P-Parang timang naman..."hindi ko mapigilang mapangiti sa'yo. Epal kase eh. Kita ko ang pagngiti niya sa akin matapos makita ang naging ekspresyon ko.

"AWIT!"

"NICE! SUMASAYAW KAHIT WALA NG TUGTOG!"

"ENJOY NA ENJOY MGA LODS?!AHHAHAH"

"NAGKAKA-DEVELOP-AN NA YATA MGA CHOI!"

"SANA ALL!"

at doon ko mabilis na nabitawan ang batok mo. Grabe! Nakakahiya iyon ah pero solid kase sabay na lang tayong tumawa pagkatapos.

Pwede pa lang maramdaman 'yon, makarinig ng musika at mawalan ng pake sa paligid habang kausap ka. Ang saya ko lang dahil naranasan at nararanasan ko pa rin 'yon. Gusto pa ba kita o lumalalim na ang nararamdaman ko pero hindi ko lang namamalayan?

Napatawa ko ang Hot Headed Class President!

Classroom Catostrophe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon