06
Dear Hot Headed Class President,Isang linggo na halos naging magulo ang buong klase dahil wala ka. Nakakaloko na ang mga kaklase natin kung minsan. Nagababatuhan na kase sila ng crumpled paper at minsan na rin akong nabiktima no'n pero isinawalang bahala ko na lang dahil hindi ako tulad mo na papakinggan nila.
Marami rin ang rumors na kumalat na nagka-develop-an na kayo ni Shane. Medyo nakakahurt ng feelings iyon pero hindi ko na lang binigyan ng malisya ung pagsasama ni'yong dalawa palagi. Kailangan naman kase talaga iyon, 'diba?
Isa pa, sino ba naman ako 'diba? Isa lang naman akong babae na hindi katalinuhan pero masipag, hindi kaputian pero matangkad, hindi straight ang buhok pero mahaba at wavy na shiny, at hindi diyosa pero maganda. Sino ba naman ako? Si Zane lang naman na simpleng tao.
Wala lang ang ilang beses niyong pagsasabay ng lunch at breaktime dahil need niyo talagang mag-review. Kailangan iyon kaya wala talagang malisya, 'diba? Mga echoserang froglet na kampon ni vice president lang talaga ang mga estudyanteng nagsasabi ng ganon sa inyo. Hayst!
Inilaban na nga kayo ni Shane sa Quiz Bee at nakakalungkot lang dahil hindi ko nagawang mapanood dahil sa ibang school ginanap ang patalinuhan niyo. Well, kahit naman yata nandon ako ay wala rin akong maiaambag lalo na kapag pinag-usapan niyo na ang Math.
Nasa canteen ako at bumibili ng pagkain para sa meryienda. Nagugutom na rin kase ako kanina pa, mabuti na lang at maagang nagpalabas ang last teacher namin.
Nagchichikahan kami ni Jessa sa mga bagong chismis sa school ng marinig ko ang isang sigaw ng isang kamag-aral hanggang sa nagkumpulan na sila sa kung saan.
"Anong mero'n? Grabe ang sigaw, ah?" natatawa pang sabi ni Jessa bago kami tumayo at nakisalo sa mga chismoso at chismosa ring tulad namin.
"Hala! Hala! Hala!" sigaw niya ng makita ang kung ano man ang nakapaskil sa bulletin board namin
"Napano? Okay ka lang?" tanong ko ngunit malawak lang siyang ngumiti at niyakap ako ng mahigpit.
"Gaga! Yung future husband mo ay nanalo sa contest pati na ung babae niya!" napansin ko pa na napalingon ang iilan dahil sa sinabi ni Jessa na iyon pero hindi ko talaga maiwasang mapatalon at makisaya dahil sa narinig ko.
"Totoo?! Wahhh ang galing talaga niya!"
"Nila, gaga! HAHAHAH" hindi ko na lang siya pinansin at tinignan ang bulletin board.
"Gago napakagaling..."Napapahanga mo na naman ako, Xion! Grabe talaga 'yang angking talino mo!
Champion kayo! Wahhhh ang galing talaga!Hindi ko talaga ikakahiya na magiging asawa kita someday! Iispin mo na magiging matalino ang mga anak natin at mana ang ganda ko? Okitams! Panalo talaga!
Sana bumalik ka na, miss na kita...
Ang galing mo talaga my Hot Headed Class President!Yieeeeeee!
BINABASA MO ANG
Classroom Catostrophe (Completed)
Historia Corta'Mainitin ang ulo niya. Kunot palagi ang mga noo niya. Masama kung tumitig kapag nag-ingay ka. Susuwayin ka kapag sumobra ka na. Sino siya? Siya lang naman ang Hot Headed Class President na aking pantasiya! Gusto mo bang malaman ang aming istorya? P...