10

98 46 4
                                    

10

Dear Hot Headed Class President,

Nagsusulat ako ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko. Isa na ro'n kung ano ang magandang klase ng pampaibig ang pwede kong gawin sa'yo. Iniisip ko na nga na magpaturo na lang ng paggagayuma para naman mapa sa akin ka na. Ang dami kaseng epal na nakikisama sa love story natin eh.

Sa simpling ngiti, ayun, nakuha mo na ako agad. Ang hirap namang maging marupok...

"Nice! Nandito si Shane!" napa-irap na lang ako ng patago dahil kung tratuhin siya ay para siyang celebrity. Mas maganda pa nga ako sa kaniya kung tutuusin eh.

Self confidence ang kailangan para maging maganda, 'no? Totoong maganda naman ako. Sabi nga lang ni mama. Hoy! At least si mama ang nagsabi no'n tsaka maganda naman lahat ang likha ng Diyos, 'diba?

"Hi! Nandiyan ba si Xion?"rinig kong naging tanong niya na ikinailing ng marami dahil wala si President sa classroom. Mukhang inutusan ka na naman ng mga teachers.

May mga paa at kamay naman ang mga teachers natin pero bakit ba lagi na lang sa'yo inaasa ang mga bagay na dapat sila ang nagtatrabaho? Hindi ako galit sa kanila, ah? Ang sa akin lang, ang oras na dapat ay nilalaan mo sa akin - este, sa pag-aaral ay napupunta sa mga bagay na pinapagawa nila.

"Ahh ganon ba? Eh si Zane, nandiyan ba siya? "nag-ingay naman ang kaklase ko ng marinig ang tanong na iyon. Parang mga ewan na nilingon ang pwesto ko ng sabay-sabay at may narinig pa ako sa kanila. Mga baliw talaga.

"Ang dalawang Mrs. Lee!" ano ito? Isang teleserye sa telebisyon? Napapabuntong hininga na lang ako ng maalala na may teleserye nga pala na sikat ngayon, 'Ang dalawang Mrs. Reyes' na pinalitan nila ng Lee dahil iyon ang apelido mo - Xion Lee.

"Hi! Pwede ka bang matanong?"nilingon ko si Shane na nasa harap ko na pala. Bahagya na lang akong ngumiti sa kaniya.

"Hindi ka pa ba nagtatanong sa lagay na 'yan?"  Ang mga epal ko namang kaklase ay parang nanonood ng isang nakakapanabik na palabas. Ang iilan pa nga ay may pusta pa raw -  sa pula o sa puti, ginawa pa kaming mga manok ng mga hinayupak! Parang sabong lang ang magaganap. Mga buang.

"Ahm, something personal sana?" nakita ko na napalunok siya dahil sa naging tugon ko. Well, inaasahan ko na 'yon.

"Sa labas na lang tayo mag-usap dahil baka makapanakit lang ako dito." sabay irap sa mga kaklase kong chismoso. Nag-ingay na naman sila at inasar pa kami na huwag daw masyadong maging madugo ang labanan. Putragis na mga iyan.

"Okay ka na ba? Nakwento sa akin ni Xion na nilagnat ka raw noong isang araw."nasa field kami ngayon at nakaupo sa lilim ng isang puno bilang silong.

"Iyan ba ang itatanong mo?" hindi ko maiwasang magsungit dahil hindi ko talaga gusto ang nasasayang ang oras ko para sa wala. Pasensiya na, okay?

Napaiwas na lang din ako ng tingin ng marinig ang pangalan ni Xion sa binanggit niya. Sobrang close marahil kayong dalawa para pag-usapan pa talaga ako. Grabe ka na. Ilang punyal pa ba ang balak mong isaksak sa akin? Kulang pa ba ang 67?

"Oo. Okay na..." kayo rin naman ang naging pangunahing dahilan kung bakit ako nagkasakit kung kaya't anong rason at nagtatanong ng kalagayan ko?

"Binalikan ka ni Xion noong umuulan pero hindi ka na niya nadatnan. Sinundo ka ba talaga ng mama mo that time?" napalingon ako ng mabilis sa kaniya ng marinig ang mga sinabi niya.

"Ahh o-oo"nagsinungaling na naman ako kahit alam ko sa sarili kong bumigat ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Shane.

"Ehh bakit ka nilagnat?"

"Dahil siguro sa pabago-bagong panahon. Noong umaga kase ay maaraw pa tapos noong hapon ay bigla na lang umulan. Iyon siguro ang naging dahilan."tumango-tango na lang siya bilang pagsang-ayon.

"Ingatan mo ang kalusugan mo, ha?Alalang-alala si Xion sa'yo noong nilagnat ka, grabe! Alam mo bang naguilty pa siya na hinatid niya ako dahil baka 'yon daw ang dahilan ng pagka-lagnat mo? Epal talaga no'n"inis niya pang sabi.

"H-ha?"nalilito kong tanong?Bumibilis din ang tibok ng puso ko sa narinig.

"Hala! Secret lang talaga dapat iyon pero nasabi ko pala! Huwag mo na lang sabihin sa kaniya na nalaman mo sa akin, ha?Malilintikan ako kay kuya!"

"K-Kuya?"naguguluhan na talagang sabi ko.Bakit kuya?!

"Pinsan ko kase siya eh.Hindi ko lang talaga tinatawag na Kuya dahil buwan lang naman ang agwat naming dalawa. Hindi ko nga alam kung bakit kami napagkakamalan eh?Bagay ba talaga kami? Like Eww!"

"Ha?"

"Ganito kase 'yan. Third cousin ko si Xion. Medyo malayo ng kamag-anak kaya naman hindi na rin namin sinasabi sa iba na magpinsan kami. Pag-uusapan lang naman kase ng karamihan ang estado namin sa buhay at ipagkukumpara kapag nalaman. Bakit si Xion ganito, bakit si Xion ay ganiyan? Nakakapagod ipagkumpara sa kaniya kaya sinabi kong huwag na huwag niyang ipagkakalat na magpinsan kami. Eh hindi ko naman inakala na itatambal pa ako sa kaniya? The heck?"

At tuluyan na ngang nahulog ang puso ko dahil sa sinabi niya.Nakakahiya rin na pinagselosan ko ang pinsan ni Hot Headed Class President!






Classroom Catostrophe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon