15
Dear Hot Headed Class President,
Hindi ko alam kung ano ang magiging itsura mo mamaya. Wala akong ideya sa maaari mong isuot sa prom night dahil hindi man lang tayo nakapag-usap. Medyo nakakalungkot nga dahil hindi ko alam kung terno ang mga damit natin. Hindi ko nga alam kung masusundo mo ako ngayon pero okay lang! Okay lang naman na sa school na tayo magkita para hindi na rin awkward, di'ba?
Nag-aayos ako ngayon para mamaya. Nakaligo na ako at na-blower ko na ang buhok ko nang pumasok si mama sa kwarto kasama ang isang make-up artist para ayusan ako. Wala naman kase akong alam sa pagkakalikot ng mukha at paglalagay ng kung ano-anong abubot dito.
Pinasuot na nila mama sa akin ang gown pagkatapos akong ayusan. Bumagay sa akin ang make-up at ang damit na pinaresan nila mama ng isang golden red rin na stilleto. Grabe! Hindi ko magawang makilala ang mukha ko matapos kong humarap sa salamin! Nakakapanibago na muli akong naayusan sa matagal na panahon.
Nasa kwarto parin ako habang lumabas na sila mama para pagmeryiendahin ang make-up artist,h abang ako naman ay inaayos ang purse na dadalhin ko. Nilagay ko do'n ang isang lipstick na pinaka-importante raw sa lahat sabi ni kuyang girlalu lalo na kapag kumain na raw tayo at kailangan ng retouch.
"Anak? Hindi ka pa ba tapos?" binuksan ni mama ang pinto ng kwarto at pumasok na.
"Tapos na po, ma. Hatid niyo na po ako?" kinuha ko na ang purse ko at muling chineck ang sarili sa salamin.
"Mukhang no need na, anak. Nandito na ang sundo mo,eh." nangunot ang noo ko dahil wala naman akong naalalang susundo sa akin.
"Why so conyo naman, ma? Tyaka si Jessa po ba? Hindi naman namin napag-usapan na magsasabay ngayon, eh" inirapan niya na lang ako sa unang katanungan ko.
"Naku hindi, hindi ko nga kilala kung sino 'yon. Mukhang kailangan ko ng mahaba-habang paliwanag, anak."
"Mama, hindi niyo pala kilala tapos pinapasok niyo? Papa'no kung magnanakaw na pala?" sabay labas ng pinto at naglakad na pababa ng hagdan. Dahil nga nakahigh-heels ako, mabagal lang ang bawat paghakbang ko at baka magpagulong-gulong ako paibaba.
"Mukhang hindi naman. Ang gwapo niya namang magnanakaw kung gano'n? Kung may ganong klase pa ng magnanakaw sa panahon ngayon ay baka magpa-anak na lang ako!"inis kong nilingon si mama pero natatawa lang ang ekspresyon niya. Hiwalay na kase sila ni papa kaya kaya niyang magbiro ng gano'n.
"Ma naman!"
"Bakit ayaw mo ba?hahaha"
"Sino po ba ang sinasabi n-ninyo....."halos matumba ako ng makita ang isang lalaking nagpalakas bigla ng tibok ng puso ko. Nakasuot ng kulay golden red rin na suit habang maayos na nakahawi ang buhok sa gilid. Naka clean cut rin ang buhok na nagbigay ng malinis at napaka-aliwalas na aura dahil na rin sa hindi pag-suot ng nakasanayang salamin.
Matangkad at bumagay ang suit dahil sa angat na puti. Para kang isang maniking sa mall dahil sa sobrang pagkaperpekto mo.
Akala ko noon ay gwapo ka na kapag may salamin ngunit hindi ko inakalang mas gagwapo ka pala kapag hindi mo suot ang bagay na iyon. Grabe naman! Ikaw ba talaga ang date ko?!
"Z-Zane." tumikhim ka pa at muling binigkas ang pangalan ko. Sa bibig mo ay tila naging isang sagrado ang ngalan na ibinigay sa akin nila mama at papa....
Hindi ko inakalang darating ka noong mga oras na iyon na mag gano'ng pigura. Gwapo ka lalo sa suot mong baro. Hindi ko alam kung sadyang feelingera lang ba ako o talagang natulala ka sa ganda ko. Oppss! 'Wag ka ng umangal! Minsan lang naman maging maganda kaya pagbigyan.
Dumating ka ng walang paalam. Dumating ka tulad noong panahon na hindi ko inaasahan. Daig mo pa ang teacher nating si Ms. David na mahilig magpa-recite; nagawa mong palakasin ang tibok ng puso ko gayong hindi ka naman math problem, situation question, o marathon. Sa lahat ng aspeto, Xion. Sa lahat nv aspeto.
BINABASA MO ANG
Classroom Catostrophe (Completed)
Conto'Mainitin ang ulo niya. Kunot palagi ang mga noo niya. Masama kung tumitig kapag nag-ingay ka. Susuwayin ka kapag sumobra ka na. Sino siya? Siya lang naman ang Hot Headed Class President na aking pantasiya! Gusto mo bang malaman ang aming istorya? P...